PE

247 4 0
                                    

"Ano na, Sue?" Pang-iintriga ni Coreen, she leaned closer to me.

"Anong ano?" Naiirita kong tanong.

"Magpa-public apology ka ba?"

"NO WAY SISTER! I would never! Ano ako, timang? Tsaka porket ba mayaman siya, gwapo at magaling sa basketball-"

"Sikat din."

"Okay, Sikat, porket ba ganon siya ay luluhod na sa kanya lahat ng tao? Dapat lumuhod ako sa kanya at mag-public apology? Ang kapal ng mukha niya!"

"Sue... ganito na lang, di ba, mahilig kang mag-luto? Bigyan mo na lang siya ng peace offering!"

"Ayoko nga! Aakalain pa niyang nanalo siya! Kung sa basketball lagi siyang nananalo, well sa akin, hinding hindi siya mananalo! Never, my friend!"

"Hayy... para nga matapos na ang gulo, di ba??"

"Ayoko nga kasi!"

"Sige na kasi! Kaysa mag-public apology ka!" Napatigil ako, pagod na akong makipag-argue kay Coreen. "Tsaka... pagkabigay mo, isama mo ako tapos ipakilala mo." Sabay ngiti niya ng malaki. Hinampas ko siya ng notebook sa braso.

"Ano kami, acquaintances? Ipapakilala pa kita, baliw ka ba? Ayaw ko nga sa tao, di ba?? Tsaka kanino ka ba kampi? Sa kanya?"

"Eh, gwapo, eh!"

"Bakit, wala bang gwapo sa lugar niyo? Kawawa ka!"

"Psh... edi bigay mo na lang sa akin kuya mo!"

"Ayoko nga! Akin lang kuya ko!" Saka ko inilabas ang dila ko saka tumawa.

"Ay..." bumalik na siya sa pagkakaupo ng maayos.

"Good afternoon class..." Dumating na pala si Sir Ladero, PE teacher namin. Nagsitayuan ang lahat saka bumati kami sa kanya. "Okay, take your seat." Saka kami umupong lahat. "Our game for this month is basketball."

BASKETBALL NANAMAN??? Hindi na ba talaga ako makakawala sa basketball na yan?? Mababaliw na ako nito!

Tumingin sa akin si Coreen sabay ngiti. Alam niya kasing iritang irita na ako sa basketball.

At yun nga, nagpatuloy ang usaping basketball, dumating na kami kay James Naismith, sa Massachusettes, ewan ko ba bakit kailangan namin 'tong pag-aralan, eh hindi naman lahat gusto nito, lalo na ako!

"For the next weeks within this month, please practice basketball because at the end of the month, makakalaban ninyo ang kabilang section." Announced by Mr. Ladero.

Wait wait wait, IF makakalaban namin ang kabilang section, that means makakalaban namin si...

"Sir! Nasa kanila po si Abuevo, paano kami mananalo laban sa kanila?" Reklamo ng isa kong kaklaseng lalaki.

"Kaya nga you need to practice, andito naman si Andalo, isang varsity, si delos Santos, o, sila si Abuevo lang at si Pako, at Galmao mga varsity sila. Wala ba kayong tiwala sa mga kasamahan ninyo?" Ang sagot ni Mr. Ladero.

"Eh, star player po sina Abuevo at Pako." Dagdag ng isa pa naming kasama.

"Guys, guys, chill, let's practice hard, matatalo natin sila, okay?" Tumayo na si delos Santos.

"Oo nga naman, guys!" Dagdag pa ni Andalo. Sa tingin ko nayayabangan din sila ni Abuevo!

"Okay, settle down. Starting tomorrow, magpa-practice na kayo at sa December 1 ang laro." Ang sabi ni Sir.

"Sir, pwedeng next year na ang laro? Kasi po may laro pa po ang varsity para sa Provincial sa November 30." Ang sabi ng isa kong kaklase.

"I'm sorry guys pero kailangang at December magsisimula na tayo sa volleyball." Ang sagot ni Sir.

Bakit Ko Mahal ang BasketballTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon