"I-" Sobrang gulat ko nang makita ko siya ulit. Siya ang bumukas ng gate at siya ang humarap sa akin."Sue??" Gaya ko ay nagulat din siya, may dala pa akong bulaklak! Puchi! Para akong umaakyat ng ligaw nito! Napatingin siya sa hinahawakan ko saka ngumiti. "Para sa akin?"
"H-ha?? Hi-hindi, ah!" Saka siya ngumiti na nakakairita tingnan na alam mong hindi siya naniniwala sa sinasabi mo. Nanliit ang mata ko sa inis. "Hoy, Abuevo, hindi ito para sa'yo okay? Wag kang assuming!"
"Ows? Eh ba't sa bahay ko ikaw nagpunta?"
"Tsk, malay ko ba?"
"Ayii, dito ka ba dinala ng puso mo?"
"Excuse me, Mr! Naiwan ko sa bahay ang puso ko tsaka precious yun di ko yun pinapamigay!"
"Bakit, hinihingi ko ba?" Natigilan ako bigla, nakakalusot talaga tong mokong na 'to! "Asuss Sue, alam kong para sa akin yan, nahihiya ka lang." Sabay tawa niya. "Di mo na kailangang mag-abala pa, my love, pasok ka na muna!" Saka siya tumabi para bigyan ako ng daan.
"I'm sorry, busy ako ngayon dahil nagtatrabaho ako, okay?" Saka ko ibinigay ang bulaklak sa kanya na sobrang awkward! Babae kaya ako! "Ayan na, hindi yan para sa'yo, para kay Z..." Mas lumawak pa ang ngisi ni Abuevo, at ano naman ang nginingisi-ngisi niya ngayon?
"Ako si Z, my love. Zach, remember?"
"Za-... Z... urgh!" Inirapan ko siya. "Ewan ko sa'yo! Basta di yan galing sa akin!" Saka umatras na ako saka ko napansin ang pag-iba ng expression ng mukha niya nang mabasa ang card. Napafocus ang atensyon niya rito na di na niya ako napansing sumakay sa bisekleta. Ano bang meron sila ni Tania? Urgh! Ewan, anong care ko? Si Tania lang naman ang nangahas, no, ang bagong babae ng freaking ex ko na si Ian!
I snapped my fingers para makuha ang atensyon ni Abuevo bago pa ako umalis. Napatingin siya sa akin.
"Alis na ako." Saka siya tumango at ngumiti ng pilit. Alam kong pilit yun. Halata sa mukha niya. Halata sa mga mata niya. Saka ako nagsimulang mag-pedal.
Kung mayaman sila, bakit di gaya nina Jonathan na maid ang nagbukas ng gate? Pero napakalaki palang talaga ng bahay nila, ha? Grabe! Parang wala sa half non ang bahay namin! Bakit kaya nag-iba ang expression ng mukha ni Abuevo sa nabasa? Ayaw niya ba kay Tania? Tsaka kahit ayaw niya kay Tania, tsaka di kami nagkakasundo, kahit alam kong half-meant lang, tintato niya ako ng tama, pinapasok pa ako, di tulad ng ginawa ni Jonathan. Ano kaya ang problema ni Jonathan?
Napahinto ako sa kakaisip nang malapit akong mabunggo ng isang kotse! Puchi! Agad akong napa-break at ibinaba ang mga paa. Napahinto ako na may epekto pa ng inertia saka napatingin sa kotse napahinto rin. Ako ang nauna, tapos ang lakas pa ng takbo niya. Ano bang problema nito?? Galit kong tinitigan ang winshield ng kotse saka lumabas ang nagmamaneho. Laking gulat ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya.
"I-Ian??" Nasabi ko.
"Sue!" Sagot niya saka siya napa-smirk na ipinatong sa ibabaw ng kotse ang siko. "Long time no see, Baby." Di ko mapigilan, inirapan ko siya.
"Oh, why so harsh, Baby girl?" Lumapit siya sa akin saka hinaplos ang buhok ko. Pero tinulak ko siya papalayo na nagpaatras sa kanya.
"Lumayo ka nga sa akin, manyak!"
"Huh! Anong sabi mo? Excuse me, ikaw ang lapit nang lapit, hindi naman ako papatol sa'yo kung di ka nagbigay ng motibo!"
"Uh! Excuse me? At ako pa ang nag bigay ng motibo? Ang kapal mo!" Alam ko, masyado kong naipakita ang pagka-gusto ko sa kanya. I was so stupid, falling for the wrong person.
BINABASA MO ANG
Bakit Ko Mahal ang Basketball
RomanceMaraming babaeng tumitili-tili sa larong basketball. tinitilian ang mga gwapong player ng basketball. pero tanong ko, bakit kailangang tilian? bakit kailangang pangarapin ang mga lalaking yan? Wala naman kasi akong hilig sa basketball but one fatefu...