It's the fifth day na nagpa-practice kami ng basketball, nakakapagod nga pero masaya pag naka-shoot ka. Hmmm naiintindihan ko na kung bakit maraming nahilig dito, masaya, nakakapagod man pero pag nanalo kayo, sagad sa buto ang saya. Magkalaban kami ni Jonathan, pero kasama namam namin si Andalo, pangatlo sa magagaling mag-basketball sa 3dr year. Naka-shoot ako once kaya nga ang saya-saya ko. Anubayan, hindi ko naman gusto tong basketball, ba't parang gusto ko laging nakakapuntos? Ah! Dahil nga siguro sa ticket sa concert ni Demi Lovato! VIP yun, mamen! Once in a lifetime experience! Meet-and-greet, autograph signing, yun ang previlages! Tapos makukuha ko kung makakapuntos ako ng 10 points! Talaga lang ha, pag di sumunod sa usapan si Abuevo, babaliin ko ang isa pa niyang paa!And speaking of Abuevo, hindi ko na siya nakikitang mag-laro since Tuesday, dahil nga siguro sa nangyari noong Monday. Nakakakonsensya pero maganda yun, baka manalo kami, malaki ang tyansa! Pero di ba sabi niya buhay niya ang basketball? Basketball is my life! So sigurado akong napakalungkot nun kasi hindi niya nalalaro ang "buhay" niya hahaha! Anubayan, parang ang sama kong tao. Anyways, nakikita ko na lang siya sa bleachers, nakaupo lang at nanonood. Alam kong gustung-gusto na niyang maglaro pero ano bang magagawa niya, eh, sira siya.
"Go, Sue!" Sigaw ni Andalo nang mapasa niya sa akin ang bola. Tumakbo ako papunta sa ring at napatalon sabay shot ng bola sa ring. BOOM! Pumasok! Ang galing ko 'no? BWAHAHA! ^_^
"Good shot, Sue!" Ang bati ni Andalo, paano, out of 5 tries, yun lang ang pumasok! Tapos ang feeling ko, ako ang pinakaHari ng basketball dahil lang sa isang shot! Haha di ko mapigilan, guys, ang laki na ng ngisi ko. Haha!
"Yey! Napasok din!" Sarcastic na tugon ni Coreen sa akin.
"At least I've tried." Sagot ko.
"Oo nga, sabi ko nga, di ba?" Saka siya napatawa.
Sa vacant time namin ako nag-linis ng classroom para naman makauwi ako ng maaga, o di kaya, maka-practice ng shooting sa gym, kapag wala ang varsity.
Pagka-uwian, dumaan na ako sa gym. Kaso naglalaro ang varsity. Napaupo na lang muna ako sa bleachers. Ang saya palang panoorin ng basketball, ano? Ba't di ko namalayan noon pa? Pero di naman ako yung tipong sumisigaw sa gwapo ng players. Napapapalakpak lang ako pag pumasok na ang bola. Iniisip ko paano ko ba matatalo sina Abuevo at Pako? Paano ba ako makakapuntos? Paano ko ba makukuha ang VIP Ticket? Kung nakawin ko kaya? Ay, baka ipa-expel pa niya ako sa school. Kasi naman itong si Abuevo, dinadaan pa sa basketball ang laban. Pero siyempre, I will do my best para di ako makapag-public apology! Teka, di ko nakikita si Abuevo, ah? Ah oo nga pala, injured.
"Hi..." Napalingon ako sa bumati sa akin.
"Abuevo..." ang tanging naisagot ko.
"Ang ganda ng laro, ano?" Halatang-halata ang pagka-inggit niya sa mga naglalaro. Kulang nalang mag-drool siya.
"Uhhh..." Tukso ko. "Di makapag-laro... Kasi nga injured...uhhh..." Tumingin lang siya sakin sabay tumawa ng konte, parang respeto sa sinabi ko, sarcastic!
"Hindi rin. Bibigyan ko lang sila ng chance na makapaglaro nang wala ako. Masyado kasi silang nakasagad sa akin. Dapat matuto silang maging independent!"
"Ang kapal naman..." Napatawa lang siya na sinabayan ko na. Kailan ba ako naging ganito ka-kompurtable sa kanya?
"Haha! Sige na nga, talagang naiinggit na ako!" Amin niya.
"Yun! Alam ko."
"Tsaka... dapat magpractice na ako ng maigi kasi excited na ako sa public apology mo!" Saka siya tumawa.
"Uh! Ang kapal... hoy ha, excited ako sa ticket ko kaya ihanda-handa mo na yun. Tsaka dapat parang bago, okay?"
"Yun ay KUNG matatalo mo ako."
BINABASA MO ANG
Bakit Ko Mahal ang Basketball
RomanceMaraming babaeng tumitili-tili sa larong basketball. tinitilian ang mga gwapong player ng basketball. pero tanong ko, bakit kailangang tilian? bakit kailangang pangarapin ang mga lalaking yan? Wala naman kasi akong hilig sa basketball but one fatefu...