After 2 weeks, magkasama kami nina Zach at Soo sa panonood ng concert ni Demi Lovato. Alam kong nakikisabay lang si Zach sa amin dahil hindi naman talaga siya fan ni Demi Lovato, habang kami ni Soo, sobra ang hiyawan! Nawalan na nga kami ng boses kakasigaw ng pangalan ni Demi, VIP naman kaya masyadong malapit at may Meet-and-Greet pa! Ang saya ko talaga!
Matapos manood ay hinatid na ng driver nila si Soo sa kanilang bahay habang nag-date muna kami ni Zach sa may park, magkahawak ang kamay habang naglalakad, kapwa nakangiti, kanya-kanyang chikahan, harutan, yakapan, at halik sa pisngi. Minsan kahit gaano mo ka gusto, kapag nasanay ka na sa laging halik sa labi, mawawala na ang spark sa mga susunod na halik, yan ang theory ko, kaya di ko siya sinasanay sa halik sa labi. Oh, well, feeling like a pro.
"And this year's MVP, congratulations to Zacg Harvey Abuevo from The Hawk!" Announce ng emcee habang grabe ang hiyawan namin ng taga-school namin, aba, may nakisali pang ibang estudyante sa ibang school, ha? Minsan, nagiging segurista na ako sa love dahil sa past experience ko, kaya masyado akong nagiging selosa.
"Thank you. I offer this trophy and medal to the person who inspired me to become MVP for the last 3 consecutive years..." Nagsalita si Zach sa mic sa harap ng maraming estudyante, guro't mga magulang sa loob ng gym. "My father and my Mom and sis."
Itinuro pa ni Zach ang trophy sa direksyon ng papa niya saka nagpalakpakan ang lahat ng tao. "And of course to the person who inspires me everyday..." Tumahimik ang lahat at nag-antay sa sasabihin ni Zach. "Ang dalawa kong Sue(Soo). Suzy Abuevo and my Suzan Bieneda." Saka napatingin sa direksyon ko si Zach ar naghiyawan na ang mga tao. Sobrang nakakahiya talaga! Kailangan pa talagang i-announce sa lahat? Anuba naman yan, oh! Chobrang nakaka-shy!
Matapos ng program ay sinalubong ko na ng yakap ang matangkad na si Zach Harvey Abuevo.
"I love you, Zach!"
"I love you Suzan Bieneda! You are the best trophy of my life!!!"
"Ang OA mo, ano?"
"Alam ko, Over Attractive ba, kamo?" Saka kami nagtawanan.
Kumain kami kasama ang pamilya ni Zach sa isang sikat na restaurant. Nahiya nga ako kasi family bonding tapos heto ako, nakikisingit.
"Zach, ang galing mo talaga kanina, ha?" Puri ng Papa ni Zach.
"Thanks, Dad." Nakangiting sagot ni Zach.
"Mas gagaling ka kapag sa isang sikat ka na school mag-aaral." Sabi ng Dad niya na nagpa-activate ng hearing power ko at sweat glands.
"Po? Pero, kaunti na lang gagraduate na ako."
"Mas maganda ang college kapag maganda ang pinag-graduate-tan ng high-school." Napatahimik ang lahat, nakakailang lalo na sa part ko.
"Pero Dad... kapag lumipat ako ng school, liliit ang tyansa kong maging MVP, or maging gold medalist, kasi newbie ako at mas pinaprioritise nila ang mga nakaraang players."
"Ipakita mong magaling ka, magiging MVP ka." Nilakasan ng Dad niya ang boses niya na hindi nakatingin sa kung kanino.
Nakaramdam ako ng mainit na kamay na humawak sa kamay kong nasa ilalim ng mesa. Humigpit ang pagkakahawak ni Zach at halatang galit siya na pinipigilan niya lang.
"Can we just eat for now at tapusin niyo yang usaping yan sa bahay?" His mom finally broke her silence. Saka bumitaw sa akin si Zach at tinapos na ang kanyang pagkain. Tahimik kaming natapos hanggang hinatid na ako ni Zach sa amin.
"Nakakabuwiset talaga! Bakit kailangan ko pang sumunod sa gusto ni Dad kung hindi naman ako masaya doon??" Napakamao siya habang nakasandal sa kotse niya.
BINABASA MO ANG
Bakit Ko Mahal ang Basketball
RomanceMaraming babaeng tumitili-tili sa larong basketball. tinitilian ang mga gwapong player ng basketball. pero tanong ko, bakit kailangang tilian? bakit kailangang pangarapin ang mga lalaking yan? Wala naman kasi akong hilig sa basketball but one fatefu...