Monday... Every monday, walang practice ang mga varsity kaya ako... kasama siya... ang nagmamay-ari ng buong gym. Okay, I thought I won't like him... pero masaya naman pala siyang kasama, lalo na pagkatapos ng mga practice namin, nanlilibre :D"Masarap kasi yung cupcakes nila..." Ang sabi niya, talagang pinagpipilitan niyang sa isang cafe na sikat kami kumain, nagutom raw kasi siya, ano bang pake ko, di ba? Tsaka gusto ko nang umuwi! Kakatapos lang naming uminom ng tubig na binili niya sa canteen. Naglalakad na kami palabas ng school.
"Sige na! Di tayo nakakain ng masarap sa araw na 'to! Last monday na natin 'tong magkasama!" Nasabi niya. Oo nga ano? Sa susunod na lunes, maglalaro na kami ng basketball, ang moment of truth. Tahimik lang ako. Parang... mamimiss ko siya? Ew, ang sagwa pakinggan. Pero honestly, nasanay na kasi ako sa kakulitan niya tuwing monday, kanina lang natalo ko siya sa one-on-one namin, kahit alam kong pinagbigyan niya ako. Nakakainis siya! Sinanay niya akong pagbibigyan niya! Siguradong sa main game ay di na niya ako papasahan, di na niya ako papagbigyan. Nakakainis!
"Hoy! Spacing out, my love? Andito pa po ako, kasabay mong naglalakad palabas..." Napatawa ako."May naisip lang PO kasi..." Sagot ko.
"Hmmm..." Inakbayan niya ako na parang barkada saka inipit sa mga bisig niya. "Anong iniisip mo, ha?" Nanggigigil na yata siya.
"Walaaaa!!!" Naisagot ko saka ko sinubukang kumawala sa pagkahawak niya. "Ambaho ng kili-kili mooo!!!"
"Hoy, ansabi mo??" Napasimot pa siya ng kabila niyang kili-kili. "Hindi ha!" Saka kami nagtawanan saka niya niluwagan ang pagkayakap niya sa leeg ko.
"Ang sweet naman!" Napahinto ako saka sumunod si Zach nang makita ako ni Zach na nakatingin kay Ian na naiba ang expression sa mukha. Naglakad na papalapit sa amin ang naka-sunglasses na si Ian.
"Hi, Ian!" Ang bati ni Zach, oo nga naman, pareho silang naging bahagi ng varsity. "Si Sue." Pinakilala pa niya ako. No need, Zach, I know this guy very well.
"Sue! Long time no see!" He's mocking me, right? Tingnan nyo nga ang mukha ng manyakis na yan! Ansarap sipain!
"Kilala mo... siya?" Naitanong ni Zach. So that means di niya ako nakita noong sumasama pa ako kay Ian noong kami pa sa basketball game nila.
"Yep! I know her very well! We did something great together!" Nakapinta sa mukha ni Zach ang pagtataka.
"A-anong something great ba yan?" Niluwagan pa ni Zach ang pagkayakap niya saka hinawakan ang kanyang bag. Pabalik-balik sa akin saka kay Ian ang tingin ni Zach. "Ha?"
"Wala, just don't mind him." Ang naisagot ko.
"Haha!" Nilakasan ni Ian ang pagtawa. "Oo nga naman, Zach, just don't mind her 'ex'... and her first...well, pwede ko naman siyang ipasa sa'yo..." Ano ako, bola ng basketball? Pinapasa-pasa?? Saka ako tiningnan ni Ian na tila may pagnanasa na nagmumukha na siyang RAPIST!!! PUCHA!
"F-first?" Napatingin sa akin si Zach, alam kong alam niya ang ibig sabihin ng sinasabi ni Ian.
"Pwede ba, Ian! Wag kang gumagawa ng kwento!" Ang matapang kong sagot kay Ian, di ko na pinansin si Zach.
"Am I?" Nagmumukhang inosente tong ul*l na 'to eh! Nakakabuwiset!
"For your information, baka nakakalimutan mo, nang muntik mo na akong gahasain, nakatakas ako."
"Ano???" Nasa mukha ni Ian ang galit. "At bakit naman kita gagahasain? Eh gustung-gusto mo ngang gawin ko sa'yo yun, eh! Lagi ka na lang nakabuntot sa akin, alam kong yun ang hanap mo!"
"Ang kapal ng pagmumukha mo! Napakabobo ko nang ikaw ang pinili kong magustuhan!"
"Haha! Ikaw na ang may sabi, nababaliw ka sa akin kaya mo ako inakit at nagpunta tayo ng motel!"
BINABASA MO ANG
Bakit Ko Mahal ang Basketball
RomanceMaraming babaeng tumitili-tili sa larong basketball. tinitilian ang mga gwapong player ng basketball. pero tanong ko, bakit kailangang tilian? bakit kailangang pangarapin ang mga lalaking yan? Wala naman kasi akong hilig sa basketball but one fatefu...