Revelation

135 4 0
                                    

"Bilisan mo na, Sue! The program will start by 1 pm sharp, eh, 11 na, wala pa kayo sa half!" Ayan sermon ng sermon si President-ng-Filipino-club. Habang inaayos at pinapaganda namin ang stage sa may gymanasium. Paano ba naman? Kagagaling lang namin magtest! Bakit ba di na lang nila kami tulungan dito? Aba ha, may tula pa akong sinasaulo! Alam niyo bang di na ako nakapag-agahan dahil atat na atat si President-ng-Filipino-club na magpunta ako sa school sabay pa ng pag-aaral ko sa exam namin sa dalawang subject! Nakaka-buwiset ha? PUCHI!

"Oo na, pwede ba, chill!" Ansabi ko.

"Chill?? Bilisan mo jan Sue, kundi papatungan kita ng malaking fines!" Banta niya. Aba, sumusobra na siya!

"Anong sabi mo?!" Napababa ako sa hagdan na kinatatayuan ko para mapalamutian ang stage. "Sobrang pagmamadali na ang ginagawa ng team ko rito, ikaw? Ano bang nagawa mo? Organizer? Nagmamandar?" Wala na, galit na ako, okay?!

"Ano?! Kundi dahil sa akin, this event will never be possible! You can just leave! Just wait for the clearance signing! Akala mo kung sinong mayaman!"

Hoy panget na feeling rich, di ko kinahihiya ang pagiging mahirap ko! At least di ako mayaman na hambog na panget na wala sa lugar na tulad mo!!

Sasabihin ko na sana nang biglang may nagtext sa akin. Binasa ko kaagad...

Zorro: Enough Sue. Just chill.

Chill? Sa sitwasyon na 'to, chill? Abay p*+@nG-

"Sue." Napatingin ako sa nagsalita saka ko nakita si Andalo. Si Andalo?? He's here!

"Andalo?" Tanong ko na may halong pagtataka.

"O, ba't parang nakakita ka ng multo?"

"K-kasi... ikaw..." Napatingin ako sa cellphone ko, hindi nag-reply si Zorro sa message kong 'I can't chill, okay?'

"Ha? Bakit?" Ipinasok ni Andalo ang dalawa niyang kamay sa bulsa niya saka kinapa ang nasa bulsa niya, cellphone ba yun?

"Andalo..."

"O?" Di ko alam paano sisimulan. Paano ba? "Alam mo Sue, nagiging weird ka na... may gagawin ka pagkatapos ng program?"

"Andalo..." Di na ako nakinig pa nakatitig lang ako sa kanya.

"Sue, you're creepy!" Napalakas ang boses niya.

"Ah, so-sorry... ano nga ulit yung tanong mo?" I need to find it out myself, ayoko nang magkamali gaya ng nagawa ko kay Stephen.

"Ang tanong ko, may gagawin ka ba mamaya pagkatapos ng program? Uh.. Sue, ano bang nangyayari sa'yo?"

"Wala... marami lang akong iniisip saka stress dahil kay urgh! Alam mo naman, dominante!" Tinutukoy ko ang ngayo'y nagsesermon sa mga teammates ko na si President-ng-Filipino-club. "Magliligpit ng kalat, aayusin ang gym at ang stage... hayy... nakakapagod na."

"Ahh... saang storage niyo ba nilalagay iyang gamit ninyo? Kasi sabi ng coach namin wag daw sa basketball storage room kasi gugulo nanaman daw." Napakamot ng batok si Andalo at naglabas ng naiilang na ngiti.

"Aahh... hindi jan, alam naming bawal. Doon sa medyo may kalakihang storage room na lumiit na dahil sa mga gamit."

"Ahh gano'n ba? Okay, salamat!" Nakangiting sagot ni Andalo saka na siya humakbang papalayo.

"Ah-Andalo!" Saka napalingon si Andalo sa akin. "May... tanong lang ako."

"Ano yun?" Nakakakaba 'to! Paano kapag hindi siya? Tsaka ano bang motibo niya para maging ganoon sa akin? Si Coreen naman ang gusto niya... O baka gaya ng mga nasa drama na ang totoong punterya nila ay ang kaibigan ng syota nila pero di pwede dahil syota siya ng kaibigan niya. Ewan! Anong gagawin ko??

Bakit Ko Mahal ang BasketballTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon