Substitute

117 3 0
                                    

"Pasensya na po talaga Mnang Ika..." pagpaumanhin ko kay Manang Ika nang sabihin kong hanggang alas-dos lang ako ngayong Sabado. "Talaga pong kailangan ako ng kaibigan ko."

"Okay lang, Sue, mabuti na rin yun para di ka tuluyang maging tomboy." Saka tumawa ng malakas si Manang Ika. Oo nga ano? Siguro kapag tonboy ako, di na ako masasaktan sa pagkagusto ko kay Zach. Nice idea, pero ayoko haha

Matapos madeliver ang mga kinakailangang ideliver hanggang alas dos ay dumiretso na ako kina Coreen.

"Tara Sue!" Ang tugon ni Coreen nang binuksan niya ang gate nila na malaki. Kakarating ko pa lang, aalis na kami. Sumakay na ako sa likuran ng kotse nila katabi si Coreen.

"Saan tayo pupunta, girl?" Tanong ko.

"Sa parlor, girl. Kailangang pretty na pretty tayo!"

"Bakit pa? Masquerade naman." Reklamo ko. Sabay tingin sa bintana.

"Suzan Bieneda, my dear, mayayaman ang makakasalamuha natin doon, we need to makibagay!" English ka pa, girl.

"Psh, di naman ako mayaman." Saka ako napatawa ng kaunti.

"Well at least once in your highschool life naranasan mong yumaman ng isang gabi."

"Ang sabi ko kay Papa hanggang 10 lang ako."

"10?? My goodness, Sue! 8 magsisimula ang party! Two hours ka lang dun? Hanggang 12, okay?"

"No, 10 lang, okay? Papagalitan ako nun."

"Sige na, iiwan mo ako?"

"At least di kita iiwan for two hours, kaya mo na ang sarili mo, malaki ka na."

"Sue! We're friends! Alam kong sasamahan mo ako hanggang sa huli! Don't leave me hanging!"

"Sorry, hindi ako ganon..."

"Sue!" Napalakas ang boses ni Coreen. "Kapag di mo ako dinamahan kahit hanggang 12, sasabihin ko kay Zach na gusto mo siya!" Inirapan ko lang siya. Edi sabihin niya kung gusto niya, may magbabago ba?

"Edi sabihin mo, wala akong pakialam."

"Suuuueee..." Napatingin ako sa kanya. She seem hopeless.

"11:00..." sabi ko.

"11:30..." sagot niya.

"11 nga!"

"11:30, please..."

"Huh... so anong gagawin ko pag pinagalitan ako?"

"Sa amin ka na lang matulog, girl!" Nakangiti't excited na tugon ni Coreen. "Ako nang bahala kina Kuya at Papa mo, game?" Inirapan ko siya, maganda rin ang offer niya, ha?

"Basta dapat masarap ang tutulugan ko!" Sabi ko nang nakatingin sa bintana.

"Ah, yes!" Napayakap bigla si Coreen sa akin. "I love you, Sue! You are the best friend in the world!"

"O, tama na nga! Nasusuka ako sa'yo!"

"Sukaan mo lang ako!"

"Ayoko nga! Precious ang suka ko tapos sa'yo lang mapupunta? No way, sister!"

"Asususus! O sige na nga, kasi malapit na tayoooo!!! I am so excited!"

Nagpunta kami sa isang boutique muna para mamili ng isusuot, nagpapalit-palit kami ng mga gown hanggang nakapili kami ng makakapagpa-stand-out sa amin. I know, I feel like a Princess... though inside, I am a damsel in distress.

Matapos makapili ng gown at mask ay sa isang sikat na salon na kami dumiretso at naabutan na kami ng gabi.

Matapos magpaganda ay sinuot na namin ang aming gown at mask.

Bakit Ko Mahal ang BasketballTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon