Flashbacks
Warning: Harassment
One year ago....
"Celestine bilisan mo! baka mahuli tayo nandun na sila Bella, agawan na naman ako ng eksena" Ayla's voice shouting on phone. Palagi niya kong pinamamadali sa pag-aalis eh alam naman nitong hindi ako pinapayagan lalo pa't alas-otso na ng gabi, kaya eto ako may balak tumakas
Mabuti't wala si mommy at daddy kaya pwede akong tumakas, ang problema ko lang ay sila kuya at ate Danica na sana lang ay nasa kanya kanyang kwartk na para madali akong makalabas ng bahay nang hindi nakikita. I know they won't allow me to go with Ayla kahit anong paalam ko sakanila, kahit pa magsama ng driver
Ayla is a member of a big sorority here in our place, kahit na grade eight palang kami marami na siyang connection sa mga kalapit na school. She's bitchy specially with our schoolmates that she hates the most. she have a sharp-tongued na isang maling sabi mo sakanya ay mamalditahan kana, kaya marami ang takot sa kanya
At alam ito ng mga kapatid ko kaya pinagbabawalan nila akong sumama sakanya, hindi daw maganda ang imahe ni Ayla at baka daw matulad ako sakanya. Ayaw din daw nito sa pamilya nito, but despite of it I still befriend her, maldita lang ito sa ugali but her apperance is a kind one, mabait din ito sakin kaya agad ko itong nagustuhan
"Nasa labas ka na ba? " I asked. Minsan kasi ay nakaabang na ito sa labas ng bahay, alam niya kasing hindi ako marunong pumunta sa kung saan lalo na pag mag-isa kaya palagi ako nitong sinusundo
"Oo! Kanina pako dito bilisan mo na nasasayang oras" kaya binaba ko na ang telepono at nagpokus sa pagtakas sa likod ng bahay.
"Ang tagal mo naman! Tsaka ano yang suot mo?" Kumpara sa suot niya na croptop at short ang saakin ay simple lang
"Jeans at longsleeve? Ang tagal mo na ngang lumabas ang panget pa ng suot mo, akala ko pa naman natagalan ka sa pag-aayos at pagmamake-up, so baduy" diretsong sabi nito habang sinisipat ang suot ko mula ulo hanggang paa.
Hindi talaga maganda ang lumalabas sa bibig niya. Inirapan ko ito at tinulak ng bahagya "Ang arte mo, akala ko ba sayang ang oras, bat ang dami mong oras pagdating sa damit ko?" sabi ko ng di mapigilan ang pagkairita. Okay naman ang ayos ko, ang maganda kasi sa paningin nito ay ang mga nauuso
Pinatong ko na lang kasi ang longsleeve sa sandong panloob ko para mabilis, hindi ko naman alam na ganun dapat ang suot gaya ng sakanya, bukod sa hindi naman ako nasabihan, ay hindi rin naman ako kumportable magsuot ng ganung kaikling tela gaya ng sakanya at walang naring oras
"Sige na nga tara na, maganda ka naman kaya pwede na" she said habang nagtitipa sa cellphone niya
"Sakay tayo ng taxi para mabilis nandun na daw sila Bella eh ang tagal mo kasi! pero di bali aagawan ko siya ng eksena, kala niya" sabi nito
"Yung grade ten na maganda?" Tanong ko ng hindi masiguro kung sino ang tinutukoy niya, palagi itong binabanggit ni Ayla sakin dahil ayaw niya sa babae. Kilala kasi ito sa school at maraming kaibigan, minsan pa nga ay nakikita kong kasama niya si Ate Danica sa canteen dahil parehas lang sila ng section
"Anong maganda dun? Hindi ko makita? ang panget talaga ng taste mo" sabi nito na parang iritang irita sabay ismid
Paniguradong ayaw nya lang aminin na maganda ang babaeng tinutukoy, minsan ko na itong nakita at alam kong maganda nga ito, ayaw lang magpadaig ng kaibigan ko
YOU ARE READING
Claim A Self Title (Challenge Series #1)
Teen Fiction'They say that 'Challenges are there to test us for a bigger responsibility ahead and it's not telling us to quit rather than pursuing even more.' On the other hand, Celestine finds Eisen as a challenge that she needs to compete with. Celestine is a...