Debate
Early in the morning when I woke up, and it's not because of nightmares, I can't explain what I feel. I just find myself thinking about someone while waking up. It's as if you have slept thinking about them. The feeling was new
Magana akong naghanda at bumaba sa hapagkainan. Nadatnan ko si nay Linda na naghahanda sa lamesa kaya tumulong narin sa paglalagay ng mga kutsa at tinidor sa bawat plato
"Maganda ata gising ng alaga ko" sabi nito habang nakatingin sa ginagawa ko
Sinuklian ko ito ng marahang pagtango at tipid na ngumiti, ganun din ito pero may mapang-asar na tingin. Di katagalan bumalik na sa rin ito sa kusina para kuhain ang ibang pang pagkain. Napailing ako at tinuloy ang paglagay ng utensil rito
"Ngayon ang laban mo sa debate?" kuya Matt asked habang pababa ng hagdan
Simula nang araw na pinagbuhatan ako ng kamay ni Mom ngayon ko nalang ulit ito nakausap ng malapitan, except the scene that I heard them fighting, miski doon ay hindi ko ito nakausap. Tumango ako tsaka tumuloy sa pagkain habang tuloy naman sya sa pagkuha ng kakainin sa lamesa. Walang nagsalita samin pagkatapos, kaya mas binilisan ang pagkain para makaalis na
"Alis na po ako nay Linda" I snapped and get my things
Habang kinukuha ang gamit ramdam ko ang tingin ni kuya Matt saakin kaya nilingon ko muna ito bago tuluyang umalis "Alis na ko kuya Matt--" hindi ako nito pinatapos at agad nagsalita
"Goodluck, Take care" He faltered. Bawat salitang sinabi nito ay nagmamadali
I don't know why he's like that to me, pero hindi ko nalang punansin at diretsong lumabas ng bahay. Ramdam ko na may mali sa pakikitungo nya sakin ganun din kay kuya Ethan pero hindi naman na bago sakin. Hindi rin naman kami ganun kaclose simula pa lang
Pagkasakay na pagkasakay sa bus agad nagbayad at umupo sa bandang likuran, nilapag ang bag sa tabi para kay Valerie na sasakay sa susunod na station. Simula ng magkakilala kami at makasabay sa bus, palagi ko ng itinatabi ng upuan at sinasabay narin sa bayad
"Goodluck sa Debate mamaya. Ituba mo sila" she cheered habang pababa kami
"Thank you, nuod ka hah" I said
"Oo naman, malakas ka samin eh" she giggled. Isa sa nagustuhan sakanya ay ang pagiging magaan nito kausap. I don't know how but I feel comfortable talking to her
"I'll go first, see you" I mumbled and go right where my room is while she go upstairs for her room
I only have two subject for today then after that is the debate. To be honest I don't feel nervous like the first debate, I don't know if it is a good thing or what, Its just that, it feel strange
Hindi narin ako nakapagreview nang matagal pero wala ni katiting na pangamba ang bumabalot sakin, It's a good thing right? I'll just do my best on the spot
Since I've heard a lot of good debater who utter their excellences in a content and delivery, maybe I should focus into that too. Hindi ko naman siguro kelangan na alamin lahat para dito, the last time I did was when Mom give a reviewer na hindi gaanong tumugma sa debate na ginanap kaya sayang din
Nang makarating ako sa klase agad kong ginugol ang atensyon sa pakikinig, sa kalagitnan ng pangalawang subject napalingon ako sa katabing upuan. Napakunot noo ako, wala pa rin siya hanggang ngayon, late nagising?
I shrugged and I focused in front, maybe he's just late, and he decided to cut class for the mean time? Bakit ko ba iniisip? Napabuntong hininga kong kinuha ang cellphone sa bulsa hindi makatiis na tawagan sya
YOU ARE READING
Claim A Self Title (Challenge Series #1)
Teen Fiction'They say that 'Challenges are there to test us for a bigger responsibility ahead and it's not telling us to quit rather than pursuing even more.' On the other hand, Celestine finds Eisen as a challenge that she needs to compete with. Celestine is a...