Worst Day

525 6 0
                                    


"Sue?? Hahaha!!! Saan ka ba dumaan? Ba't ang dumi-dumi mo???" Kaka-react lang ni Coreen sa nakitang talsik ng mga putik sa puti kong uniporme, and si ko maintindihan ay kung nag-aalala siya o natutuwa sa nangyari sa akin, abot-tenga kasi ang ngisi ng babaeng 'to!

"Paano ba naman! Naglalakd na ako papuntang school nang may-" Napatama ko ang kamay ko sa mesa. "Buw*set na driver na dumaan, sa putikan pa dumaan! 'Eto! Putik ang abot ko! Sana nga ay nabunggo na yun!"

"Wow, ang sama mo naman!"

"Paano? Alam mo bang napakahirap maglaba? Okay lang sana kung damit ko lang eh, andiyan pa kina Papa at Kuya! Nakakainis!" Oo, ako lahat gumagawa nun, malalaki pa naman ang nga damit nila, paano? Wala na si Mama, namatay nung 5 years old na ako. Hayy... at ito namang si Coreen, ang mabait kong bestfriend, imbes na tulungan ako, tinatawanan pa! The best talaga!

"Haha! That's okay, dear." Dagdag pa niya. Inirapan ko na lang siya, nakakainis!

Napaupo na kami sa upuan namin saka ako nag-ayos ng gamit.

"Alam mo ba, kahapon?"

"Ano? Basketball players nanaman?" Ang tono ng pananalita ko tila walang interes na makinig, pero itong si Coreen patuloy pa rin ang pag-chi-chika.

"May na-injured!!!" Bigla niyang sigaw malapit sa tenga ko.

"Coreen!" Tinulak ko siya papalayo, paano? Sumakit eardrum ko sa kanya.

"Hindi siya pwedeng ma-injured!" Patuloy na nag-salita si Coreen pero naman kasi, ayoko ng basketball, at lalong ayoko sa mga players nun. Bakit kailangan silang hiyawan? Nagpapa-boost lang yun ng kahambugan! They are just full of themselves! Mga assuming! "Hoy, makinig ka nga sa akin!"

"M...nakikinig ako..."

"Urgh, Sue, ayaw mong makinig kasi may naaalala ka sa varsity!" Agad akong napalingon sa kanila.

"No! I just hate them! They're just so full of themselves tsaka napaka-feeling! Assuming na gwapo, tsaka magaling, hindi naman! Hindi lang sila sa basketball 'players'! Pati sa mga babae! Pinaglalaruan lang-" nabara ako sa tawa ni Coreen.

"Ah, yun lang! Di pa kasi nakakapag-move on sa ex-lover!"

"Excuse me??" Napaharap ako bigla sa kanya. "I've moved on! Tsaka totoo namang karamihan sa kanila pinaglalaruan lang ang mga babae!"

"Ooohhh, chill, Suzan Bieneda!" Saka siya napatawa ng malakas, I know, nagmumukha na akong defensive, totoo naman, ah?? Tsaka whatevs! Wala na akong pakialam sa kanila!

*

"Sue, sa bintana ka mag-linis." Utos ng magaling naming leader! Napabuntong-hininga saka tumayo. It's not that ayokong inuutusan, talagang ayoko lang mag-linis ng bintana. Paano? Mataas kaya papatong ka pa sa upuan, tsaka mapapalapit ka pa kasi nga pag di ka humawak o lumapit pa dito, mahuhulog ka, tapos ang dusty pa! Hindi sa maarte ako, talagang ayoko ng ganun! Kahit ako ang naglilinis ng bahay, hindi naman ganito karumi ang bahy namin!

Napatayo na ako sa dumiretso sa pagkuha ng balde ng tubig at basahan. Pagkabalik ko ay dumiretso na ako sa paglinis ng bintana. Hayy... hindi ako makaayaw kasi nga utos ng leader. Ang di sumunod sa utos niya, mababawasan ng puntos! Abusado pa naman 'tong leader namin!

"Okay ka lang jan, Sue?" Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko siya, ang crush kong si Jonathan!!! My Jonathan, eh? Haha

"H-ha? O-oo!"

"Ingat ka baka mahulog ka!" Did you hear that? Mag-ingat daw akooo!!! Napaangat ako ng kamay nang matamaan ko ang sarili ko ng basahan! "Ow, haha! Mag-ingat ka nga!" Saka ko pinahiran ng panyo ko ang mukha ko.

Bakit Ko Mahal ang BasketballTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon