I was scared to lose you then,
but secrets turn into regrets,
Buried feelings grow,
It is already past 4 am na kaso I can't sleep, hindi ko alam pero paulit ulit ng tumutunog sa isipan ko yung mga katagang yun, bwiset na pag-ibig. Sino ba kasing nakaimbento ng ganun, sana naman karmahin siya sa susunod niyang buhay.
Sa sobrang bored ko ayun andito ako sa tiktok naglalagi tapos wow ang galing galing, laman ng fyp ko puro mga couples, mas lalong pinapakita sa akin ng universe na single ako. Pasensya na po ah single eh paano kasi best friend yung gusto. Hayyy Lord baka naman, kailan po ba sila magbrebreak ng pinsan ko. Lord parang ang tagal na po yata ng dalawang taon Lord, it's time to pass the crown na po yata.
Joke lang, I wish the best for them especially pinsan ko yung mahal niya, nevertheless, there is this part of me na sana ako na lang, na sana ako na lang pinili mo.
If only I dared to make a move, do you all think we will have a lifetime waiting for us?
Will there be a lifetime waiting for us in a world where I was yours and you are mine?
Grabe everything would be different kung ako sana yung kayakap niya ngayon, kung ako sana yung may hawak ng kamay niya, at kung ako sana yung may-ari ng puso niya.
Ako sana yung magpapatawa sayo , ako sana yung papawi ng mga luha mo sa tuwing napapagod ka na kaso ang lahat ng ito ay mukhang si London lang ang makakagawa.
If only I've tried, kung sana ginawa ko, kung sana sinugal ko...
Sa sobrang bored ko napatweet na lang ako ng,
"I can be your own happy ending raw pero may girlfriend naman ha ha ha funny ka dun???"
After a few seconds, my notifications blew up, but here I am waiting for that certain someone na ilike or magcomment sa post kong yun, pero I'm sure naman na tulog na yun it's past 4:30 am na rin naman. Ngunit ang hindi ko inaasahan ay may biglang nagchat sa akin, seeing his contact name makes my heartbeat go insane. Luckily, no one ever found out na yun ang contact name ko sa kanya or else mabubuking ako in no time.
"Bb💕 sent you a message"
Bb: Aba ang Lia ko nagdadalaga na
tinawag niya akong "Lia ko", he could just call me out as Lia pero why would he put ko after my name and why do I feel like I can't breathe anymore. Bakit? Why did he send such message? And why do I feel like he's owning me? Stop Lia! You should know na he's your cousin's boyfriend hindi siya sayo and you two are just friends.
Nothing more, Nothing less.
"Bb💕 sent you a message"
Bb: By the way, its me London heheeh, hi pinsan. I'm here kaila Damien, makikisleep-over ako, and I just saw your tweet na nag-notif sa phone ni Damien, ginagamit ko kasi since lowbat ang phone ko so ayun, spill the tea babe!
Nasayang lang yung kilig at tibok ng puso ko kanina, I shouldn't have expected so much.
Lia: Uy hello, andiyan ka pala, nako nagpaalam ka ba kaila tita, baka tumakas ka nanaman ah. Jusko London, baka ako talakan ni tita, sabihin nanaman na hindi kita nadidisiplina.
Bb: Ano ka ba Ate Lia, nagpaalam ako kay mama. Tsaka ayan ka nanaman eh nagpapakastrikto ka nanaman sa akin eh isang taon lang naman pagitan natin.
Lia: Kahit isang taon o buwan pa yan ate mo pa din ako, responsibilidad pa din kita.
Bb: Opo "Ate Lia", huy ate binabago mo yung usap natin nako. So para kanino ba yung twineet mo ah, nako ate ikaw ah magpinsan tayo at mag-best friend bakit parang nahahalata ko hindi ka na nagkwekwento sa akin tapos parang hindi ka na rin nagkwekwento ng mga sikreto tsaka problema mo simula nung naging kami ni Damien? Napapalayo ka na sa amin, nagtatampo na kami.
Lia: Nako baliw ka talaga London, hindi naman ako umiiwas sa inyo sadyang ayoko lang maging istorbo sa inyo. Syempre you two need space since alam mo na magjowa kayo, tsaka ano naman gagawin ko pag kasama ko kayo magmumukha lang akong third wheel jusko wag na lang girl. Tsaka yung tweet na yun wala yun mema lang hehe.
Bb: Weh ate, talaga ba? Tsaka ano ka ba ate, gusto mo ba hanapan ka namin, easy la-
Ngunit bago matapos ni London ang kanyang itinatype naisend niya kaagad at biglang tumawag siya ng wala sa oras.
"Bb💕 is calling you"
Hindi ko alam kung bakit siya tumatawag pero sinagot ko na lang ito. Ang inaasahan ko ay makita ang mukha ni London ngunit ibang mukha ang tumapat sa screen at yun ang best friend ko
Damien: Hoy ikaw, anong ganap mo sa twitter aba may lalaki ka na ah, sino yan. Nako isusumbong kita kay tita. Tsaka sino ba yan ha? Kilala ko ba yan? Tsaka ikaw London anong hanap hanap ka diyan, bawal pa yan si Lia no? Hindi ako papayag.
Lord bakit? Lord bakit siya ganyan? Bakit ang protective niya? Lord tinetest niyo po ba ang kahinaan ko, Lord pwes panalo ka na po talong talo na po ako. Lord hindi ko na po kaya, hindi naman po sa gusto ko maging kabit pero Lord talo na ako oh, concede defeat na nga Lord eh. Itinataas ko na po yung white flag Lord. Grrr bakit ba kasi friends lang kami?!?!??!?!??!
I think I deserve an explanation po, I deserve an acceptable reason.....
London: Babe ano ba ang oa mo ah, ako rin naman protective kay Ate Lia pero napaka-oa mo, pwede akong mahimatay sa sobrang oa mo. Tsaka ano ka ba 19 na si Ate Lia, tapos hanggang ngayon no boyfriend since birth siya naunahan ko pa nga si ate magkaboyfriend eh. Galing diba first boyfriend ko ikaw pa nabingwit ko, masyado yata akong maraming masamang nagawa nung last life ko kaya ayun nakarma ako, ikaw pa nakuha ko.
Hays karma pa pala ang makuha ang isang Damien Cruz, masyado yata akong mabait nung last life ko kaya hindi ako nakarma.
Lord ang dami ko namang kasalanan, bakit hindi mo ko binigyan ng karma, yung karma po sana na si Damien yung ibigay niyo po. Buong buo ko po tatanggapin. Hindi na po ako magrereklamo. Basta Lord gusto ko siya yung karma ko. Gusto ko siya lang Lord.
I want him to be my sweetest karma.
BINABASA MO ANG
Until Our Stars Collide Again
RomanceI was there when you achieved the world, I was there when you lost it, but now I'll just watch you be happy with someone else, Until our stars collide again Book Cover Editor: @extravaganduh