Chapter 4 - WHO? HOW?
Later at night ay maingay parin sa bahay ng mga Salinas. They are quite taking there time since mamaya pang 10 ang curfew at iilan lang din ang mga kapitbahay. The big house at the back is empty, kung iisipin ako lang yata ang magagambala nila. Nakapagligo na ako at lahat. Ready na akong matulog, pero sige parin ang mga Salinas sa kanilang videoke. Napatitig nalang ako sa kanilang bahay sa bintana. Pinatay ko na ang mga ilaw sa loob. Kaya madilim na at sure akong di nila ako mapapansing nakatitig sa kanila.
The window was facing their veranda at the back. Kaya kitang-kita ko siyang nakatitig dito. I froze. Can he see me? Israel was just staring at the window, hands on pocket and with a cigarette on his mouth. What's wrong with him? Israel gives off that I'm-dangerous vibe.
Di ko magawang humakbang papaalis. Feel ko pag aalis ako dito ay mapapansin niya ako. Hinayaan niya lang ang kanyang sigarilyo maupos at tsaka lamang binitawan ng muntikan ng mapaso ang mga labi niya. Israel is fricking hot to be honest. Yung isang tingin mo palang, alam mo nang he is the top Alpha, the most dominant. His presence is dominating but his voice and eyes are cold. Never can I fathom a single idea from his head, he is unpredictable and he is dangerous indeed.
It took moments bago naiba ang attention niya. Someone was at their gate.
"Mga Salinas, curfew na!" Naka megaphone na sabi ng tanod. "Tumupad naman kayo!" Pero ani mo'y walang narinig ang mga Salinas at todo birit pa si Kaycee, klaro sa boses, singing Chandelier by Sia.
Di parin umaalis ang mga tanod at panay kalabog sa gate nito. "Salinas! Warning!" I have a bad feeling about this. Umalis na ako sa aking kinatatayuan at sinirado ang mga curtains. "Pwersa na kaming papasok Salinas upang kompiskahin yang videoke niyo!" At after that nakarinig ako ng malakas na pag kalambog ng gate nila, maya-maya ay natahimik ang videoke at napalitan ng sigaw at alitan.
"Bossing naman!" Hanggang dito dinig ko ang boses ni Kaycee. Napasapo nalang ako ng noo. I was about to enter my room pero may kumatok sa pinto.
Worried na ba'ka mga tanod iyon ay napasilip nalang ako. But it was Israel. Binuksan ko kaunti ang pinto. "What?" Bungad ko sakanya.
I can see him fidgeting at panay tingin sa bahay ng mga Salinas. "Hey uhm. Can I crash your place? Ano...ayokong may record sa mga tanod eh." Di makampanteng sabi nito at panay tingin parin sa palagid. Napatitig lang ako sakanya saglit at binuksan ng mas malapad ang pinto upang makapasok siya.
"Why are you even there this hour kung ayaw mong madamay?" Tanong ko sakanya habang sinisirado ang pinto at pagkatapos ay binuksan ko ang ilaw.
Napakamot siya ng kanyang ulo. "Well they are my friends, but I'm not as thickface as them. Parang may sira lahat ng kahenerasyon ko sa Salinas." Natatawang sabi nito. I smile. I envy their friendship. I only have my brother, sister and Farrah...and I think that's fine.
"Wala na akong ibang kwarto. So if you want, doon ka sa kwarto tas ako sa sofa." Pag aalok ko. He shook his head. "Nope.." popping the "p" sound. "I'm sleeping in the sofa. Thanks." At humiga na siya.
May stand fan naman sa sala kaya mahahanginan din siya. Binigyan ko siya ng kumot atsaka unan. "Thanks"
I smiled "No problem." Napatitig siya saakin kaya napahinto ako. "Di ka ba nababahala na ba'ka masamang tao ako?" To be honest, I felt strangely familiar with him kaya di ko yun naisip. But I just lift my brow and answer him. "My room has a lock. I think I'm safe. Good night."
"Good night."
At sa gabing yun maingay parin ang bahay ng Salinas pero sa di ko malamang kadahilanan, knowing Israel was outside ay nakatulog ako ng payapa.
BINABASA MO ANG
Omegaverse Series: Faint Hearts
RomantikSOON || ON-GOING BxB | Mpreg | Omegaverse | Yaoi | MxM | BL After a tragic story from his past, finally he is back on his feet again. Decided to dedicate his remaining hours to his work and family, but after 10 years of just work and home, he was fo...