Nakaupo lang ako habang nakatingin sa singsing na nasa kamay ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na nag-propose si Klein sa akin. Limang na taon na ang nakalipas mula nang makilala ko siya dahil kay Eya. Bestfriend ni Eya sa Klein at noong minsan na pumunta ito sa mansion ni Lolo Frank ay doon kami unang nagkita hanggang sa niligawan niya ako at naging kami at hanggang sa nag-propose na nga ito sa akin noong nakaraang buwan.
Yes, it's been a month already since I arrived here at Dublin, Ireland. Hindi alam ng dalawa kong kuya ang pag-uwi ko. Si Theresa lamang ang sumundo sa akin sa airport dahil inutusan niya ang dalawa na mag-handa dahil sa sinabi niya na may darating na bisita. At noong tumapak ulit ang aking mga paa sa mansion ng mga Maideporte ay agad na bumalik ang mga alaala ko kasama ang tatlo kong kapatid.
From being an assassin to an ordinary woman. And from being ordinary to an assassin. Napangiti nalang ako ng mapait dahil ang tinalikuran kong tungkulin ay pilit na hinahabol ako hanggang sa makabalik na nga ako.
“Hey!” Agad akong napatingin sa nagsalita and it was Theresa, my twin. Agad ko naman na naalala si Eya, kung andito lang sana siya, alam kong kahit papaano ay maiibsan ang mga nararamdaman namin.
“Hi.”
“I’m sorry, Twinny. Hindi ko alam na hahantong sa ganito ang lahat. They are hunting every organizations and took them down, lahat ng ka-alyansa natin ay unti-unti nilang inuubos. And even the government can do nothing to stop them.” Aniya habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam na iyong limang taon na pamamalagi ko sa Pilipinas ay siyang dahilan para maging bulag ako sa mga nangyayari.
Theresa told me everything the other day at halos hindi ako makapaniwala dahil sa sinabi niya. We made an alliance with the government in order to promote peace. It was hard to win their side dahil kailangan mo pang patunayan na hindi kami katulad ng ibang organisasiyon.
Yes, we are a member of an organization that we’ll take-over soon. I know it’s so absurd knowing that our organization that was known as doing illegal matters will promote peace but that’s what we are doing right now. Well, only few of us. Yes, we still do illegal tradings, high-powered guns and ammunitions to be specific but the government knows about it and they’re helping us dahil sila rin naman ang makikinabang sa huli.
“No, don't be sorry. Iniisip mo lang ang kapakanan ko at ng mga taong nakapalibot sa akin, Twinny.” Sagot ko sa kanya at agad na yinakap ito.
Sabi ni kuya Jacques ay mula noong umalis ako rito ay siya na lang mag-isa ang gumagawa ng lahat when it comes to the organization. Si Dad daw ay wala ng oras para rito dahil kay Morgiana, and I hate him for that!
“The prodigal daughter has arrived.”
“And the devil has arrived.” Saad ng kapatid ko nang kumalas ito sa pagkakayakap.
“Hindi mo ba yayakapin ang, Mom mo, Crysanti?” Morgiana said while spreading her arms.
“Mom?” I scoffed. “ You are not my Mom. My Mom is an angel not a demon, Morgiana.” Inis kong saad.
Kahit kailan ay hindi ko ipagpapalit si Mom sa babaeng ito! She even dared to kill my twin and that's unforgivable. Nang malaman ko ito ay gusto kong sugurin agad ito sa kanyang kwarto pero pinigilan ako ni Lee, isa sa mga tauhan ni kuya Jacques. Palagi kong iniiwasan ang babaeng ito dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mapatay ko pa ito ng wala sa oras.
Hinila ko ang kamay ni Theresa palabas ng kwarto dahil baka hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko at mapatay ko itong malanding babaeng ito.
“Where do you think you’re going?!” Tanong nito sa amin nang mahablot nito ang braso ko. Binitawan ko ang kamay ni Theresa at hinarap si Morgiana. Hindi ako sumagot sa tanong nito at sinampal ito ng malakas.
“That’s for trying to kill Theresa.” Tiningnan niya ako masama pero hindi ako nagpasindak at sinampal ulit ito. Kahit pa na Ina ito ng bestfriend kong si Monnette ay wala akong paki-alam. Saktan na niya lahat huwag lang ang kakambal ko dahil hindi ako magdadalawang-isip para saktan ito kagaya ngayon! “And that is for making my Dad stupid!”
Hinila ko agad si Theresa palabas ng kwarto at dinala sa maze garden kung saan palagi kaming tumatambay.
“You’re really back.”
“Of course I am! And that bitch is going to pay for what she did!” Sagot ko sa kakambal ko at umupo sa bench. Matagal bago nagsalita si Theresa kaya tiningnan ko ito pero mga mata niyang nag-aalala ang bumungad sa akin.
“Tell me, may problema ka ba?” Tanong nito sa akin.
“Problema? Why? Bakit mo natanong ‘yan Theresa?”
“This past few days you seem so off. Wala ka sa sarili mo, madalas kang magalit at ma-inis. Hindi ka nagsasalita maliban nalang kung tinatanong ka at ang ginawa mo kanina, hindi iyon ang kilala kong Therese, Twinny. Well, I admit you are harsh in your own way but what you did earlier is not so you my twin. You are not the type of woman who will just slap someone unless you saw with your own eyes what exactly happened. Tell me Twinny, alam kong may problema ka and I’m all ears.” Sabi nito at tumabi sa akin. Huminga na lamang ako ng malalim dahil sa sinabi nito.
I guess I can’t hide it from her.
“Napansin mo pala.” Mahina kong saad sa kanya. Yumuko ako para itago ang mga luha ko na namumuo sa aking mga mata. “I guess I can’t hide it from you, Twinny. I tried to act like it did not exist but I can’t. I tried to suppresed my anger and all of my emotions pero hindi ko kaya.”
“What do you mean like it did not exist?” Nalilitong tanong nito sa akin.
“You are going to be an Aunt, Theresa.” Nakangiti kong sagot sa kanya.
“Y-You are pregnant?” Nag-aalangan na tanong niya and I just nod at her as an answer. “Oh my ghad!”
“Surprise?”
“What the hell, Therese! Of course I am, I am surprised! Who wouldn’t be? You're fuckingly pregnant, F.Y.I.!”
“Hey, don’t cuss!” Sita ko sa kanya.
“Babies inside the womb can’t hear a thing, Twinny!” Sagot nito at tumawa. Yumuko ito at tinapat ang ulo nito sa tiyan ko. “Hello there, cute little one! I am your Aunt, Theresa, your mother’s twin. Welcome to the family, little one!”
Theresa’s words made my tears slipped into my eyes. At first, I am hesitant to tell it to her dahil akala ko papagalitan niya ako pero mali pala ako. She accepted it and didn’t questioned me.
“What the?! Do you think crying in front of me will save your ass, Twinny? Gigisahin pa kita sa mga tanong ko kaya ‘wag mo akong dramahan!” Natatawang sabi niya. And I really looked like a crazy pregnant woman who's crying yet laughing.
I guess I am wrong, hindi pala ako makakawala sa mga tanong nito.
BINABASA MO ANG
Maideporte Series #1: Twin Vengeance
AçãoThey took the life of my twin, and there is no way in hell that I will never avenge her death! They took her life and I'll take theirs to be payment. An eye for an eye. A tooth for a tooth. And a life for a life. -- Cattleya Maideporte Maideporte Se...