Chapter 11

101 1 0
                                    

A/N: Happy Valentine's Day! At 14 is a KenYezza Day!

Chapter 11

-Kenneth-

A month since then everything is back to normal except for the fact that February 14 is near. Wala akong maisip para sa first month-sary namin at para sa Valentine's. Wala naman yun para sa akin pero naalala ko nung nag one week kami she greeted me at nang hindi ko naalala ay nagtampo sa akin. Wala akong mapagtanungan tungkol sa nangyaring iyon kung hindi si Daddy at sinabi niya sa akin na sobrang sentimental ang mga babae baka nga raw mas lalo pa raw si Kayezza dahil may eidetic memory ito.

"Dude, ano wala ka pa ring maisip?" Tanong sa akin ni Luis.

"Wala pa nga. Ang hirap naman kasi, ano yun every month may ganyan kami." Komento ko.

"Hindi naman kasi lagi, Ken. Week-sary, month-sary at anniversary lang naman, at dahil nakalimutan mo ang week-sary niyo dapat naman makabawi ka ngayong month-sary niyo at isipin mo Valentine's day yun." Napakamot ulo na lang ako sa sinabi ni Cristina.

"Hey guys!" Napalingon ako sa boses ni Kayezza na narinig ko. She's wearing again her cheering outfit. "Anong pinag-uusapan niyo?"

"Pinag-uusapan namin kung ano ang gagawin..." Tinakpan ko kaagad ang bibig ni Czarina dahil baka masabi niya kung ano ang pinag-uusapan namin. "Pinag-uusapan namin kung ano ang gagawin ni Luigi para sabihin kay Ninong Lester na bagsak siya sa Calculus." Pagdadahilan ko na lang. Tumingin ako kay Luigi at pinandilatan ko siya ng mata.

"Oo Kaye. Bagsak kasi ako kaya nanghihingi ako ng tulong." Nangagalang ngiti ni Luigi.

"Hindi ka pagagalitan yun unless kung talagang below 75 ka. Oh, my gosh! Below 75 ka?" Malakas na sigaw niya. Si Kayezza naman ang tinakpan ko ng bibig.

"Babe, huwag naman. Ang lakas naman ng bibig mo. Hinaan mo naman baka wala ng magkagusto diyan at saka sikreto nga lang namin kasi matatanggal siya sa basketball team kapag ganoon. Isang buwan na lang graduation na nila, siya pa ang MVP ng school sa batch nila." Pinandilatan ko ulit si Luigi.

"Malapit ng mag-quarterly exam niyo di ba? Ako na lang magtuturo sa iyo." Pagpresinta ni Kayezza.

"Oo, Kaye. Sige, ikaw na lang magturo sa akin. Hindi naman kasi ako matuturuan ng kakambal ko kasi magiging busy sila ni Ken sa pag-aayos ng booth namin." Ngiting sabi niya.

"Oo babe." Masayang sabi ko. Ang talino mo talaga Luigi kahit sira ulo ka!

"Di ba parehas lang ang booth ng cheering at ng basketball team?"

"Babe, hindi. Kasi di ba kahit sa football team nag-che-cheer kayo so independent ngayon ang cheerers sa booth." Tumango na lang si Kayezza sa pagsabi ko noon. Napangiti naman ako dahil may naisip na akong plano para doon.

-Kayezza-

Pinagloloko ata ako nitong si Luigi, e! Nakukuha naman niya ng tama yung mga problems sa calculus. Tatlong oras na kami dito at tatlong oras ko nang hindi ko nakikita si Kenneth dahil palaging sinasabi niya na hindi niya pa makuha pero sa totoo lang kanina niya pa perfect lahat ng activity sa libro! Month-sary pa naman namin ni Kenneth ngayon.

"Luigi nakuha mo naman yung mga tanong. Alam mo rin yung principles, paniguradong kaya mo na ang exam niyo niyan."

"Pero kasi Kaye, tuwing hawak ko na yung test paper na-me-mental block ako. Baka hindi ko maka-graduate." Sabi niya sa akin. Napayuko pa siya at mukhang umiiyak pero nagtataka na ako kaya sumilip ako at nakita kong nag-te-text lang!

"Uy! Cellphone ko yan!" Sabi niya ng hablutin ko ang cellphone niya.

"Pinagloloko mo ba ako Luigi?! E, nag-te-text ka lang kay..." Napatingin ako sa kausap niya. "Kay Kenneth. Bakit mo ka-text si Kenneth?" Loko yung lalaking iyon! Hindi man lang ako ti-next!

West Valley Academy: Kenneth WilliamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon