Chapter 2

221 2 0
                                    

A/N:  With the help of the former OP of Jaylord Williams kaya nabuo ang chapter 2!!! Rest in peace!!! We love you!!!

Join our FB Group! Aimstickmhee's Stories

Chapter 2

-Kayezza-

“So?” Sabi sa akin ng katabi ko.

“It’s negative.” Sagot ko sa tanong niya.

“Girl, why don’t you harass him?” Sabi naman ng nasa harapan ko.

“Alam niyo kayong dalawa kaysa bigyan niyo ng mga masasamang idea itong si Kaye, why don’t you help us to look like a couple?” Sabi ni Brent habang nakasalampak sa sahig.

“Hello Brent, wake up! Kailan pa kami nagbigay ng sobrang gandang idea? Lagi kaming may halong masamang idea na naibibigay.” Sabi ni Mei – yung nasa harapan ko.

“Tama si Ate. Hindi naman kami kasing bait ng kapatid namin.” Sabi naman ni Chloe.

“Will the three of you, shut up! Ang gulo na nga ng isip ko, e! Dadagdagan niyo pa! Isa pa tama si Brent. Kailangan magmukha talaga kaming couple. Konting panahon na lang yung kailangan ko bago siya magpakasal. Sabihin na natin, tatlong taon na lang pero kilala ko si Ken. Kapag nagdesisyon na yun kahit tatlong taon pa yun, nakatatak na yun sa utak niya. Mas malala pa nga ata sa akin yun!” Ako nga itong may eidetic memory pero mas matandain pa siya kapag ganyan.

Between Brent and I are not true. Simula kasi na nalaman kong naghahanap si Papa – ninong Jaylord ko – ng mapapangasawa si Kenneth para hindi siya maghirap ay nag-iisip ako ng paraan para magkagusto siya sa akin. Aaminin ko crush ko si Brent pero may gusto ako kay Ken. Simula ba naman pagkabata ko, siya na lagi kasama ko. Siya din yung takbuhan ko kapag may problema ako.

Nandito nga pala kami sa bahay ni Ate kasama si Kuya Yumi. Technically, hindi living in sila Ate at Kuya Yumi. Si Ate kasi nag-aaral ng business administration sa Oxford University habang si Kuya Yumi nag-aaral ng pagiging Chef. Ang galing nga ni Ate kasi bago talaga siya mag-eighteen ay tapos na niya ang high school kaya ayun naging tambay si Ate ng isang taon para raw sabay sila ni Kuya Yumi mag-college. I’m impress din kay Kuya Yumi kasi naman kung si Ate nagpasa ng application form sa Oxford para doon makapag-aral, iba si Kuya Yumi kasi mismo ang Culinary School na iyon ang tumawag kay Kuya Yumi para doon siya mag-aral at hindi lang basta-basta Culinary School iyon dahil isa iyon sa pinaka-mahal at pinaka-taniyag na Culinary School sa buong Europe. Kaya ayun, lagi silang magkasama ni Ate pero hindi raw sila laging magkasama ayon kay Ate kasi sa Oxford siya nag-rent ng apartment while si Kuya Yumi ay doon daw sa bahay ng mga Williams tumitira. Pero kapag nakita mo sila they are inseparable nakabuti si Kuya Yumi sa kanya.

“Kuya help.” Sabi ko ng nilapag ni Kuya Yumi yung paborito kong meryenda. Semestral break kasi ni Kuya Yumi ngayon kaya umuwi siya while si Ate ay Finals pa lang daw kaya probably next week pa ang uwi at by that time ay baka raw paalis na si Kuya Yumi pabalik sa London kasi enrollment naman daw niya. Pero sa tingin ko sinadya talaga nila Kuya Yumi na hindi sila magsabay para may time silang ma-miss ang isa’t isa.

“Ano bang nangyari?” Tanong ni Kuya Yumi tapos kinukwento ko naman kung anong nangyari.

“He’s taking my advice.” Advice? What advice?

“Anong advice?” Tanong nila Mei at Chloe.

“I told him, if the girl he loves is happy with someone else. Let her go.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kuya Yumi. Seryoso ba siya sa sinasabi niya? Baka naman nanloloko lang ito, kahit approve ako sa kanya para sa Ate ko it doesn’t mean na hindi siya manloloko. Natawa naman si Kuya Yumi sa reaction ko.

West Valley Academy: Kenneth WilliamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon