Chapter 14
-Kayezza-
Being territorial daw ay yung binabakuran lang daw yung pagmamay-ari niya. Ano ako bagay? Pero infairness kay Kenneth kinilig ako sa sinabi niya. He wants me all by himself.
"Kayezza!" Napalingon ako sa tawag ng coach namin.
"Ikaw ang sa top ng pyramid. Wala si Petite kaya ikaw ang isasalang. Kung kailan naman finals saka nagkaroon ng bulutong." Naiiling na sabi ni coach. Tumango na lang ako bilang tugon. Second to the top ako kasama ko si Mei pero ngayon si Mei lang ang papatungan ko. Mahirap ito! Pinuntahan ko si Mei para sabihin sa kanya pero huli na pala ako dahil sinabi na ni coach yung plan.
"Don't worry, Kaye. I will not let you down. Alam mo naman kung saan ka tatapak incase na wala yang si Petite at saka nasa likod mo sila Brent."
"Hindi ako nangangambang mahulog sa likod sa harapan ako nangangamba." Kabadong sabi ko. Nailing na lang si Mei at tinapik ang balikat ko.
Nagsimula na ang cheering competition at luckily panghuli kami at unluckily dahil yung kaba ko ay lalong lumalakas. Nandito pa naman sila Mommy at Daddy para manood. Panigurado nandito din ang mga Ninong at Ninang ko.
"Let us all welcome, the last year's champion. The West Valley Academy Red Hawk Cheering Squad!" Sigaw ng MC. Kaya nagmadali kaming pumusisyon. Nagsimula ang tugtog ganun din ang routines namin. Naririnig ko lahat ng tao ay napapahugot ng hininga dahil sa mga nakakatakot na stunts namin at ito na ang finale namin ang gigantic human pyramid. Hindi lang siya five human high dahil nasa eight ito at ako ang pang-nine. Gosh! Kinakabahan na ako. Habang pumupusisyon sila ay ako ang kasabay na humaakyat ng si Mei na ang nakaluhod ay ako na ang susunod. Tatayo ako sa likudan ni Mei at ito ang pinakadelikado. Patapak na ako sa likuran ni Mei ng biglang nadulas ang paa ko at paniguradong mahuhulog ako sa harapan. Instinct and adrenaline comes to me at nagulat na lang ako nakatayo ako sa harapan ng mga tao na lahat ay nakanganga. I smiled and they cheer like it is part of an act.
Pagdating ko sa dressing room lahat ng ka-squad ko ay ninulan ako ng tanong kung ayos lang ako. Nag-sorry naman ang isang kasamahan ko dahil sa kanya daw kaya ako montik ng mahulog. Pero seriously hindi ko talaga alam ang ginawa ko.
"Teka wait lang, hindi ko talaga alam ang nangyari. Basta alam ko lang ayokong mamatay ng ganoong kataas."
"Girl, you just like hold at the harness then push the button there and when you almost at the ground you make a triple flip." Maarteng sabi sa akin ng kasamahan ko. Napatulala ako. Seryoso ginawa ko yun?
"Kayezza!" Paglingon ko nandoon sa may pintuan sila Daddy, Mommy, Lukas, Kenneth, Luigi, Luis at mga magulang nila. Yakap kaagad ni Kenneth ang nasalubong ko.
"I thought I might lose you." Bulong niya. Napangiti naman ako kahit papaano.
"Anak, ayos ka lang? Itong si Kenneth sabi hindi daw ganoon ang routine niyo."
"Daddy naman, hindi kasi alam ni Kenneth na binago yung routine. Actually kaninang umaga lang siya pinalita. E, busy na sila sa kaka-practice kaya hindi niya alam na nagbago." Pagdadahilan ko. Tinignan lang ako ni Kenneth ng masama at saka nagbuntong hininga.
"Lalabas muna ako, baka hanapin ako ni coach." Pagpapaalam ni Kenneth.
"Kami rin lalabas." Pagpapaalam ng kasamahan namin. Nang nakalabas na silang lahat ay lumapit sa akin si Mommy at niyakap ako.
BINABASA MO ANG
West Valley Academy: Kenneth Williams
Fiksi RemajaWest Valley Academy # 1: West Valley Academy is a one of the prodigious school in the Philippines. It is located at the boundary of Quezon City and Marikina City. This school is said to be one of talked about school in Marikina and in Quezon City be...
