CHAPTER 20:

3K 54 2
                                    

CHAPTER 20: (58-60)

*************

Habang nasa loob ng elevator ang dalawa ay napapansin ng dalaga ang pagkakaroon ng 'awkward' atmosphere roon. Hindi nalamang niya iyon pinansin at kinausap nalamang ang binata:

"Ahhhmmm....ivan, san ba talaga tayo pupunta??"- pag-uumpisa ng dalaga


"Malalaman mo rin sam..."-nakangiting tugon naman ng binata

"Ahhyy sige..."


Pinili nalang na tumahimik ang dalaga para hindi mainis sa kanya ang binata...

Ilang minuto ang nakalipas ng sa wakas ay bumukas na ang elevator na kinalalagyan nila, Nang makalabas ang dalawa ay tila namangha ang dalaga sa kanyang nakita...

Nalaman niya na nasa pinakamataas na gusali sila...

Hindi niya mabatid kung bakit siya dinala rito ng binata, kaya't nagsimula na siyang magtanong...

"I-ivan, bakit pala tayo nandirito?"

"Halika, sumunod ka sa akin..." hindi siya sinagot ng binata kaya wala na rin siyang nagawa kaya sumunod nalang siya rito...

HIndi namalayan ng dalaga na nakahinto na pala ang binata kaya nauntog pa ito sa kanyang matipunong likod...

"A-ahh pasensiya na"- saad ng dalaga... ngunit walang sinabi ang binata at humarap ito sa kanya at siya'y nginitian nito...

"Sana magustuhan mo ang inihanda ko para sayo, sam.."- sabi ng binata sa kanya...

At dahan-dahang umalis sa harapan ng dalaga ang binata at dito ay nakita niya ang isang lamesa na may kasamang upuan..

Mga iba't-ibang nakahain na sa tingin niya'y pagkain...

Labis ang pagkamangha ng dalaga sa kanyang nakita...

At nagpapasalamat din siya dahil sa nakikiayon ang panahon sa kanila...

Dahil hindi naman masyadong mainit, at tamang-tama lang ang panahon sa mga oras na iyon...

Habang siya'y nakatulala sa nakahain sa harapan niya, at hindi niya namalayan na kinakausap na pala siya ng binata!

nakupo! masyado ata siyang namangha sa kanyang nakita!

"a-ahh ano pala iyon ivan?"- nahihiyang tanong ng dalaga ngunit mapapansin rito ang kasiyahan sa mga tinig niya...

"Ang sabi ko ay punta na tayo roon upang makaumpisa na tayong kumain at mag-usap"- sambit naman ng binata sa kanya...

Napaisip siya...

Mag-uusap? sila? kailan? ngayon ba? nakow! wala ang utak niya! at sa tingin niya'y wala rin siya sa kanyang sarili! sapagkat sa mga oras na ito ay tila parang panaginip lang sa kanya ang lahat ng mga nangyayare!

OO sabihin na natin na napaka- OA na niya upang isipin ang mga bagay na iyon, subalit, hindi ba't ngayon lang nangyare sa kanya ang bagay na ito? na inaya siya ng isang lalakeng bago lang niyang nakilala at dito pa mismo sa sarili nitong kompanya!

Iba na talaga ang haba ng buhok niya! sa ilang taon at buwan na nanatili siya sa poder ng kanyang ina, ay ngayon lang ulit siya nakaramdam ng ganito!

Un bang parang natatae siya sa kilig? parang naiihi na hindi!

Hala! pag-ibig na ba itong matatawag? o nagsisimula pa lamang itong magkagutso sa binata!?

****************

Ken Dominguez✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon