CHAPTER 16: (46-48)
Samantha's POV:
Naalimpungatan ako biglang nag preno ang sasakyan na kinalalagyan namin.. Pagkamulat ko ay umaga na pala..
"Shiela nasan na tayo?"- pagtatanong ko sa kanya
"ahhh manong. san naba to? quezon na po ba?"- tanong din niya
"opo mam quezon province na po sa gumaca po"- manong
"ahh cge po manong salamat"-shiela
"Nasa gumaca na daw tayu best. wag kanang malungkot ... mas lalo kang papangit nyan ... ahmmm ano na bang naisip mong gawin ngayun? sam?"-shiela
"Ahh sa totoo lang shiela balak ko sanang tumigil ng pag-aaral ko para makatulong ako sa pamilya ko lalong lalo na ngayun na wala na nga ang itay namin, ako at ang inay nalang ang pag-asa ng pamilya namin para mapagpatuloy pa ang pag-aaral ng mga kapatid ko.. bale kasi lima kami at ako ang panganay sa amin... kaya ganun na lang ang gagawin ko shiela"- pagsasalaysay ko sa kanya...
"H-hala?! bat naman sam? edi mapapabayaan mo na ang pag-aaral mo?"- nagaalalang taniong ni shiela sa akin...
"Ehh kung ganun na nga lang ang pwedeng gawin eh gagawin ko talaga... Hindi narin ako babalik ng maynila nang sa ganoon ay mabantayan ko ang aking mga kapatid at ang inay namin dito.."-ako
"ahhh ganito nalang... Kung ayaw mo na talagang bumalik sa maynila para ipagpatuloy ang pag-aarala mo,, kung gusto mo ay, ipapasok nalang kita sa isang trabaho kasi naalala ko na may isang branch dito ng resturant na pag-aari ni papa kaya sasabihin ko nalang sa kanya ang tungkol sayu, ayos lang ba yun?? plss pumayag ka dahil ito lang ang tanging paraan para makatulong ako sa iyo sam.."-sabi ni shiela
"S-sobra naman na ata yan shiela.. eh.. p-pero maraming-maraming salamat sa yo ha? kung hindi kita naging kaibigan siguro hanggang ngayun ay nasa maynila parin ako at hindi ako makakauwi sa amin ngayun maraming-maraming salamat talaga ah?"
"Haaay naku sam ginagawa ko ito hindi dahil sa naawa ako sayo, kundi gusto lang kitang tulungan dahil tignan mo kalagayan mo ngayun diba??? kung sino siguro ay nais kang tulungan ehh what are friends for diba??"- sabi niya
Sabay pa kaming natawa dahil sa huli niyang sinabi ,,
"Sige.. tatanggapin ko na ang inaalok mo sa akin best.. pero maraming salamat talaga sa tulong mo ah?"
"haay eto nanaman tayo ehh sabi kong wala lang yun as in wala kaya chill kalang jan hehe.. ilang oras nalang makakarating na tayu"- yan ang huli niyang sinabi bago ulit ako makatulog na hindi ko namamalayan...
Ken's POV:
Sa wakas ay lunes na ulit! makikita ko na siya..
Pero marami akong dapat na sabihin at ipaliwanag sa kanya..
At handa na ako sa anumang gusto niyang gawin. Naiintindihan ko naman siya eh...
Kaya ngayun ay masayang-masaya akong papasok dahil sa makikita ko na ulit siya..Si meg-girl short for megaphone girl hahaha...
Kumusta na kaya un? malaks parin ba boses nun?? kahit na katabi lang niya yung kauspa niya?? XDD
Hindi ako ngayun ang nag mamaneho ng sasakyan ko dahil sa pinagbawalan pa ako dahil nga sa nangyare sa akin...
BINABASA MO ANG
Ken Dominguez✔️
Teen Fiction(STAND-ALONE) NOT EDITED, MARAMING TYPOS, AT WRONG GRAMMARS! BAKA MATAGALAN PA ANG PAG I-EDIT NITO. Started: January 2015 Ended: August 2015