CHAPTER 28: (80-82)
"Sam...Can you we give this another chance? please?"
Hindi parin ako makagalaw sa mga oras na ito.
Hindi ko alam kung naparalisa na ata ang buong katawan ko talagang nagiging O-A nanaman ako
"Sam, kung dati galit na galit ako dahil sa pag-alis mo na walang paalam, ngayon, alam ko na kung anong dahilan, kung bakit ka umalis, kung bakit mo ako iniwan, alam kong lahat ng iyon ay may dahilan sam. At kaya kong kalimutan lahat ng iyon, basta't bumalik kalang sakin, please sam, noon kahit ang pagiging gangster leader ko ay binitawan ko na, kaya nawala pati ang grupo namin non, hindi naman kami nagkawatak-watak sadyang nawala lang yong grupong ako ang bumuo, sam... simula nong nawala ka, maraming nagbago sam... at kasama na ako don. Siguro kung dati, hindi ko maintindihan kung bakit ka umalis, ngayon alam ko na sam, at sa tingin ko'y dapat pa akong magpasalamat dahil sa ginawa mo, dahil kung hindi mo ginawa yun ay siguro ngayon malamang ay nasa kalye pa ako at nakikipag-basag ulo...salamat sam...at mahal parin kita..mahal na mahal"
"Ken..."- iyon lang ang tanging kong nabanggit sa mga sinabi niya sa akin.
Akap-akap niya parin ako habang patuloy parin siyang umiiyak sa may balikat ko. Dahan-dahan namang akong humakbang papunta sa kanyang sofa malapit sa kanyang lamesa upang umupo muna.
Ayokong magkahiwalay kami sa mga oras na ito.
At yun ang kasalukuyan kong nararamdaman habang nasa bisig niya ako.
Nang makaupo kaming dalawa sa sofa ay doon naman na niya iniangat ang kanyang mukha at tumitigtig sa akin.
"Sam... please give us a second please? pangako ko sayo, aalagan kita, mamahalin kita, iingatan kita, samantha, please, mahal na mahal kita"
Sa tingin ko, tama naman sigurong bigyan ko ng pangalawang pagkakataon ang kung anong meron saming dalawa hindi ba? Dahil lahat naman tayo ay nagkakamali.
"Sam.. magsalita ka naman oh"- nakita ko ang lungkot sa mga mata niya ng sabihin niya iyon sa akin.
Ang totoo kasi ay hindi ko parin alam kung ano ang dapat kong sabihin, pero alam ko na kailangan ko nang bigyan uli ng pangalawang pagkakataon ang relasyon naming dalawa ni ken.
Dahan-dahan akong umalis sa pagkakayakap niya sa akin at bahagya akong tumungo upang tignan ang kaniyang perpektong mukha.
"Sa tingin ko ken..tama ka.. kailangan nating bigyan ng isa pang pangalawang pagkakataon ang kung anong naudlot sating dalawa...."
Napansin kong napasnghap siya ng marinig niya iyon sa akin.
Lihim akong napangiti sa ganoong reaksiyon niya.
Ngunit pagkaraan ng ilang segundo ay napalay kaagad ako sa kanya nag may bigla akong maalala.
Nagtaka naman siiya sa inasal
"Bakit sam? may problema ba?"- puno ng senseridad niyang tanong sa akin
"Ken gusto ko sanang sabahin sayo kung bakit ako biglang umalis..."
Kinakabahan ako. Pero di ko alam kung bakit.
Napansin ko namang hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako sa pananalita.
"TUmawag sa akin ang inay nong nasa apartment pa ako kasama ko si shiela, doon sinabi sa akin ni inay ang nangyare, sobrang gulat-gulat ako noon kaya agad-agad akong nakapagempake at umuwi rito, alam kong maling hindi man lang ako nagpaalam non, pero sobra na kasi akong nagmamadali na makauwi rito, kaya hindi na kita nagawang tawagan man lang."
BINABASA MO ANG
Ken Dominguez✔️
Fiksi Remaja(STAND-ALONE) NOT EDITED, MARAMING TYPOS, AT WRONG GRAMMARS! BAKA MATAGALAN PA ANG PAG I-EDIT NITO. Started: January 2015 Ended: August 2015