DEDICATED SA LAHAT NG MGA NAGBABASA NITO AT SA NAGFOLLOW PO SA AKIN! Di ko po kasi inexpect na ganon ehh, haha so by the way sorry din po, kung yung ibang chapters ng MGAI ay sobrang SABAW!!!! huhuhuhu minsan po kasi ay wala nang pumapasok sa utak ko kaya nagiging ganun ang mga update ko! :3...Mahaba-haba ito! So ehto na po chapter 25! ENJOY!
VOTE...
COMMENT....
Kailangan ko po yan para matapos na po ang istoryang ito! xD...
CHAPTER 25: (71-73)
"S-sam,, please.. answer me..."
Napatingin ulit ako sa kanya.
Sa ngayon ay nakatingin narin siya sa akin.
Mata sa mata ang drama namin.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin.
Pero sa tingin ko, kailangan ko siyang sagutin.
Tumingin ako ulit sa kanya.
Nakita ko ang pagsusumamo sa kanyang mga mata.
At ramdam na ramdam ko ang paghihirap niya base narin sa kanyang mga magagandang mata.
.Bumuntong-hininga muna ako bago ako magsalita sa kanya.
"Ken...Tama na... tigilan nalang natin to.Kailangan mo ring hanapin kung ano ang dapat na babagay sayo. At alam kong hindi ako yun. Mas magandang iwasan nalang natin ang isa't-isa, mas magandang ituring nalang natin na hindi natin kilala ang bawat isa. At sa tingin ko ay magiging maganda ang buhay natin kapag nangyare yun ken."
"At sa tingin mo magiging maganda ang buhay ko kapag hinayaan ko ang gusto mo? ha? Sam?!...Sam...Sobrang paghihhirap ko nang hindi kita nakita ng ilang taon, tapos ngayon, mabilis mo nang nasasabi na mas maganda kung iiwasan nalang natin ang isa't-isa? ganon ba yon? ha samantha?"
Samantha....Alam kong galit na galit na siya... Ngayon lang kasi niya ako tinawag sa buo kong pangalan.
"Oo ken... ganon nga ang ibig kong sabihin... Kailangan nating gawin yun para narin sa ikabubuti ng ating sarili."- sabat ko sa kanya
"W-wala na ba talaga S-sam? Hindi mo na ba talaga ako M-mahal???"- halos pabulong na tanong niya sa akin, habang matamang nakatingin sa akin.
Siguro'y kailangan ko nang sabihin sa kanya ang sagot ko, para narin hindi na niya guluhin pa ang buhay ko, at para narin matapos na ang kahibangan naming dalawa....
"O-oo H-hindi na kita M-mahal ken..."- halos hindi ko masabi ang huling salita dahil pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga ng maayos. Ramdam ko na rin ang nag-iinit na mga mata ko, at feeling ko ay tutulo na ang ayaw kong tumulo sa mga mukha ko. Kaya't pasimple akong tumingin sa itaas at kunyaring tinitingnan ang ceiling ng kanyang kwarto.
Naramdaman kong tila ba yumog-yog ang kanyang balikat, at sa tingin ko ay umiiyak siya, habang siya'y nakayuko sa aking harapan.
BINABASA MO ANG
Ken Dominguez✔️
Подростковая литература(STAND-ALONE) NOT EDITED, MARAMING TYPOS, AT WRONG GRAMMARS! BAKA MATAGALAN PA ANG PAG I-EDIT NITO. Started: January 2015 Ended: August 2015