CHAPTER 30: (86-88)
-Mr. Gangster and I-
Original Story written by: Lessianne Leigh
All rights reserved.
-May revelation :D
===================Pakiramdam ko, tumigil ang paligid ko nang marinig ko iyon mula sa kapatid ko.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Tila para bang naitulos ako sa kinatatyuan ko.
Habang nakatingin kay ken na ngayo'y nasa baba na upang buhatin si inay, palabas ng bahay.
Naramdaman ko ang mga luha na nagsisi-unahang tumulo sa aking pisngi..
Hindi parin ako makagalaw hanggang ngayon, at akala ko habang-buhay na ako magiging ganun kung hindi sumulpot sa akin tabi si ken na halatang nag-aalala rin kay inay.
Agad niya akong inakap at binulungan na magiging maayos lang ang lahat,
HIndi ko alam kung pano nangyare ngunit, nakita ko nalamang ang sarili ko na nasa front seat ng sasakyan ni ken, at ang mga kapatid ko naman ay nasa back seat habang pinipigilan nila ang pag-iyak, habang katabi nila si inay na wala paring malay hanggang ngayon.
Naramdaman ko nalang ang pag-andar ng sasakyan papunta na sa tingin ko'y ospital.
Habang patuloy ang aming byahe papuntang ospital ay walang ibang laman ang utak ko, kundi na sana'y walang mangyareng masama kay inay, na sanay maging maayos siya, dahil hindi ko kakayanin kung pati siya, ay mawala pa...
Ilang minuto ang nakalipas at sa wakas nakarating na kami, agad hinawakan ni ken ang aking kamay at hinigpitan ko din ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
Para bang pinapahiwatig niya na di ako nag-iisa at lagi siyang nandiyan para gabayan ako, at samahan ako.
Binitawan rin niya ang kamay ko at dali-daling pumunta sa may back-seat ng sasakyan niya upang buhatin si inay, papasok sa ospital.
Agad-agad naman kaming sinalubong ng mga nurse na may dala-dalang strecher, at doon ay dahan-dahang inihiga ni ken si inay.
Dali-dali namang sumunod ang mgan kapatid ko na kanina'y nasa loob pa ng sasakyan.
Pati rin sila ay di makapaniwala na nangyare iyon kay inay.
Pare-parehas ang kaba ng nararamdaman namin sa mga oras na ito.
At walang tigil rin ang aming pagadarasal na sana'y bumuti ang kalagayan ni inay.
Niyakap naman ako ni ken upang patahanin ako sa aking pag-iyak, hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako, kung hindi lang niiya pinahid ang mga luha ko sa aking pisngi.
Maraming bagay ang nasa isip ko nagyon, hindi ko alam kung kakayanin ko kapag nawala si inay sa amin.
Nang hikbi nalang ang nailalabas ko ay naramdaman kong may tinawagan si ken sa kanyang cellphone.
=================
Tarantang-taranta ang nararamdaman ni ken habang binubuhat niya ang kanyang pangalawang ina.
Hindi niya alam kung bakit pero, may isa pa siyang nararamdaman na para bang may mangyayare na di kanais-nais.
Tumayo ang binata at nakita niya ang pagtataka ng dalaga ngunit nginitian niya lamang ito, bago siya gumawa ng tawag.
Kinuha ng binata ang sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone at doon ay tinawagan niya ang kanyang mga kabarkada.
Nandirito rin sila sapagkat, lihim silang sumunod kay ken.
BINABASA MO ANG
Ken Dominguez✔️
Teen Fiction(STAND-ALONE) NOT EDITED, MARAMING TYPOS, AT WRONG GRAMMARS! BAKA MATAGALAN PA ANG PAG I-EDIT NITO. Started: January 2015 Ended: August 2015