Kaela's POV
I'm currently walking at the sidewalk.
Inabot na ako ng gabi sa paghahanap ng trabaho. Galing na ako sa iba't ibang kumpanya, pero wala ni isang tumanggap sa akin. Tuwing nalalaman nila na wala pa akong experience na kahit anong trabaho. Even though I graduated as a Valedictorian, mahirap parin talagang makapag hanap ng trabaho.
Ilang taon na din ang lumipas matapos kong maka graduate kaya pahirapan maghanap. Mas gusto ata nila ay yung mga freshly graduate.
Hay, ito din ang hirap sa mga tao ngayon eh binabase nila sa panlabas na anyo ang mga kailangan nila sa isang tao, mas lalo na ang mga mayayaman. Gusto ko man sabihin na hindi ko sila nilalahat ay hindi... Kase alam kong lahat ng nabubuhay sa mundo ay may mga sari sariling baho. Hindi niyo nakikita sa panlabas na anyo nila.
Minsan maski sa ugali na nakikita niyo sa bawat tao ay hindi totoo.
Lahat tayo ay marurumi. Hindi mo na maipagkakaila iyon. Kahit ikaw mismo sa sarili mo ay alam mong hindi ka malinis o matinong tao.
●●●
Patawid na sana ako ng kalsada at nasa kalagitnaan na ako ng hindi ko mapansin ang mabilis na sasakyan hindi ko manlang nakita na papalapit na sa akin.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, nanlaki ang mata ko habang paunti unti ang espasyo ang layo ng kotseng ito mula sa kinatatayuan ko.
Wala na akong nagawa kaya ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at naramdaman ko nalang ang malakas na pwersa na tumama sa paanan ko.
Bumagsak ako sa kalsada at ramdam ko ang kirot mula sa kaliwang paa ko.
Ilang segundo ang lumipas ay napagpasyahan kong imulat ang mga mata ko.
I can see in my peripheral vision that the driver got off the car and walks towards me.
"S-Shit! Miss? Are you alright?" Dinig kong tanong niya pero hindi ako sumagot at tinulungan ko ang sarili kong umupo sa pagkakahiga.
"Wait, let me help you." Iniabot niya naman sa akin ang isang kamay niya. Tinignan ko lang yon at hindi ito tinanggap.
Tumayo ako mag isa nang hindi tinatanggap ang tulong niya. Pagkatayo ko ay hindi na ako nagsayang ng oras pa at umalis na nang hindi manlang tinignan yung lalaking nakabangga sa akin.
"Miss! Where are you going?!"
Alam kong nagtataka siya ngayon dahil sa inasta ko pero hindi ko na inisip pa iyon dahil hindi ko kayang makipag usap sa ngayon. My anxiety is reaching it's limit. I can't stay for more than a minute. I can't. I don't want to hurt anyone and I don't want them to look at me like I'm crazy.
Bawat hakbang na ginagawa ko ay nararamdaman ko ang sakit ng paa ko, pa ika ika akong nagmamadaling umalis.
I don't want an interaction to someone , if I don't really need to talk to them.
Trusting people nowadays is not that easy.
That's why I don't wanna open my heart to anybody. I'm scared to get my heart broke even more, because it's already broken.
Medyo nakakalayo na ako dun pero nainis ako ng marinig kong magsalita yung lalaking nakabangga sakin. Hanggang ngayon parin ba sinusundan parin niya ako?
"Hey! Wait! Don't you need to go to the Hospital?" Pangungulit niya parin.
"Miss, wa-" Magsasalita pa sana siya ng huminto ako sa paglalakad kaya napahinto din siya.
Huminto ako at nanatiling nakatingin lang sa sahig, iniiwasan ang mga mata niyang nakatingi sa akin.
"Stop following me." Maikling sambit ko. Hindi na sana ako magsasalita kaso naiirita ako sa pagsunod na ginagawa niya.
Nang napansin kong natigilan siya sa sinabi ko ay dun ko na napagpasyahang magpatuloy na ulit sa paglalakad. Sana lang ay hindi na niya ako sundan ulit.
Sa lalim ng pag iisip ko ay hindi ko sinasadyang makabangga ng kung sino. Bahagya akong yumuko bilang pagsosorry at lalagpasan na sana yung nabangga ko nang bigla niya akong hilahin sa braso. Kaagad ko naman hinila pabalik iyon dahil hindi ako sanay ng may ibang taong humahawak sa akin.
Sa baba ako nakatingin kaya nakita kong hindi lang pala siya nag iisa. Nasa apat na pares ng paa ang nakikita ko ngayon.
"At saan ka naman pupunta ha ganda?" Sambit nung nabangga ko. Sandali kong pinasahan ng tingi ang paligid kung saan ako dinala ng mga paa ko kanina nung wala ako sa sarili habang naglalakad.
Nasa isang bakanteng lote ako. Walang katao tao sa lugar na ito kaya kaagad akong binalutan ng kaba at takot dahil nag iisa ako ngayon dito sa tagong lugar na ito at may apat na lalaki ngayon sa harapan ko na hindi ko kilala.
Nagsimulang maglakad papalapit saakin yung isa sa kanila kaya unti unti din ako umatras para maiwasan ang paglapit niya sakin.
"Ano naman ang ginagawa ng isang sexy at magandang dalagang gaya mo dito sa gantong lugar ng mag isa?"
Mas bumilis naman ang pagtibok ng puso ko sa sobrang kaba ng maramdaman kong wala na akong maaatrasan. Nakasandal na ngayon ang likod sa pader. Sinubukan kong maghanap ng malapit na pwedeng gamitin pang palo sa kanila para makatakas pero walang kahit ano.
Sinubukan akong hawakan ng isa sa kanila sa mukha pero agad kong iniwas iyon. Pero unti unti na silang lumapit sa akin at sinubukang hawakan sa iba't ibang parte ng katawan ko habang ako naman ay todo iwas.
Natatakot ako..
Gusto kong sumigaw pero di ko magawa.. Wala akong magawa kundi maiyak... Napaka hina ko..
"H-huwag niyo a-akong h-hawak-kan!" Sinubukan kong sumigaw pero hindi sapat ang lakas niyon dahil nanghihina na ako sa takot.
"P-please, let m-me g-" Hindi pa ako tapos magsalita ng may narinig akong boses na nagpahinto sa mga lalaking pinagsasamantalahan ako.
"Let her go, or y'all gonna be in jail and spend your whole life in it." Ma awtoridad na sambit ng isang lalaking pamilyar ang boses sa akin. Parang narinig ko na ang boses niya..
Nakakamangha namang napasunod niya yung mga lalaki na bitawan ako ngunit hindi parin sila umaalis sa kinatatayuan nila. Pero makikita mo din sa kanila ang takot sa lalaking ito.
"In a count of 3. I don't want to see your ugly ass faces anymore.. One... Tw-" Hindi pa nga siya tapos magbilang ay kaagad ng kumaripas ng takbo yung apat palayo sa amin.
Hindi ko na nakayanan pa ang labis na panghihina ng katawan ko at unti unti na akong natumba pabagsak pero hinihintay kong maramdaman ang sakit ng pagtumba ko sa sahig pero wala akong naramdamang pagbagsak ko sa halip ay isang bisig ang pumigil sa pagkatumba ko.
The last thing I saw was his eyes, before everything went black.
All rights reserved. KimYeSoon.
YOU ARE READING
Darkest Reality
Mystery / ThrillerHer life is full of darkness, and she rarely sees light, until one day she met this guy who brings her a light and begins a new beautiful life. The question is, did he truly enter her life to save her from depression? or he just fixed her broken hea...