Chapter 7

20 2 0
                                    

(WARNING!!! DON'T READ THIS IF YOU CAN'T HANDLE SENSITIVE TOPICS)

Hinahayaan ko nalang mga paa ko kung saan ako dadalhin. 

Hindi ko alam kung bakit nasabi ko yun kay Nixon.

I didn't mean to be rude to him pero, totoo naman kasi ang sinabi ko. Hindi lahat ng bagay ay dapat niyang malaman. Boss ko lang siya, hindi naman pwedeng kahit private life ko ay pakialaman niya. Nasa sakin na yon kung gusto kong sabihin sa kaniya.

Pero, sana lang ay hindi niya ako tanggalin sa trabaho matapos ng nangyari. Dahil sigurado akong hindi na ako makakahanap ulit ng iba pang mapapasukan.

Kung makahanap man ay alam kong matatagalan.

Kailangan na kailangan namin ng pera pang budget sa bahay. Lalo na ngayong hindi ko alam kung nagtatrabaho ba yung kapatid ko.

Speaking of kapatid.

Hindi ko alam kung paano niya nakilala yung kinakasama niya ngayon, gusto ko man tanungin pero mas pinili ko nalang na manahimik kesa makialam. Nakakapagtaka lang kasi na kaagad na siyang nagkanobyo, kahit na kamamatay lang ng parents namin.

Napakaraming bagay ang iniisip ko. Minsan nga, kahit hindi ko problema ay pinoprobema ko na din. Ewan ko ba, gustuhin ko mang huwag pansinin pero hindi ko magawa. Sa bawat problemang iniisip ko ay unti unti ako nitong inilulubog sa tila kasing lalim ng dagat ng depresiyon. Sinusubukan kong lumangoy paitaas pero tila may humihila sakin pailalim. Hindi ako makahinga.

Nahihirapan ako huminga, kagaya ng pang araw araw na pamumuhay ko. Nahihirapan akong manatiling buhay sa mundong ito. At ang mga problemang humihila sa akin paibaba ay nagiging dahilan ng unti unti kong pagsuko.

Gusto ko na..

Gusto ko nang wakasan ang mga paghihirap na nararanasan ko..

Hindi ko alam kung asan ako o anong ginagawa ko, pero tila sinasabihan ako ng isip ko na humakbang...

Ipinikit ko ang aking mga mata at handa na sanang humakbang muli ngunit nabalik ako sa huwisyo ng may malakas na busina akong narinig sa may likuran ko, kasunod ng boses ng isang pamilyar na boses na isinisigaw ang pangalan ko.

Muli kong idinilat ang mga mata ko and that's the time when I realized that I was at the edge of a bridge and one more step forward, I'll fall down.

Cars are passing by, behind me, except one car, that seem so familiar to me.

I turned my back to see who's car is it.At saktong pagharap ko ay doon bumaba ang taong nasa sasakyan.

It's Nixon.

"Hey! Are you out of your mind?! What are you doing up there?!" Sigaw niya at nagsimulang humakbang palapit sa akin.

Hindi ako sumagot at nananatiling nakatingin sa kaniya. Walang kaemo-emosiyon ko siyang tinitigan. At doon ko biglang narealize ang isang bagay.

"Why is it always y-you?" Hindi ko namalayang nasabi ko yon ng malakas..

"What about me? What do you mean?" Nagtataka niyang sambit. Napansin ko lang kasi na tuwing nangyayari sakin to. Tuwing nasa time ako ng buhay ko kung saan hindi ko alam ang ginagawa ko.. Laging siya ang nakakakita at kasama ko.

Nung una naming pagkikita ay parang ganito din. I was overthinking and I didn't saw his car coming, and I was about to get hit.

"You know what, forget it. Just come with me and step down there. What you're doing is dangerous, You might fall off from there." He said and lended his hand towards me, while directly looking at me.

Darkest RealityWhere stories live. Discover now