Chapter 5

23 6 0
                                    

Kaela's POV

Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon kong sumunod dun sa lalaking iyon.

Iniisip ko palang na nasigawan ko siya kanina sa harap ng mga emleyado niya ay sobrang nahihiya na ako, mas lalo nang nalaman kong pamilya niya pala ang may ari ng kumpaniyang ito at siya ang tumatayong CEO.

Naka sakay ako ngayon sa elevator at pinagtitinginan ako nung dalawang babaeng nasa tabi ko ngayon, dahil siguro sa kahihiyang ginawa ko kanina.

Hindi ko nalang iyon pinansin at inalala ako sarili ko dahil hindi ko nga pala alam kung saan nagpunta yung si Mr. CEO. Hindi ko alam kung saan ko siya pupuntahan dahil hindi ko naman alam kung saan ang office niya. Ayoko na din magtanong dahil nga nahihiya ako.

Pagkarating sa 6th floor ay bumaba na yung dalawang babae, nakita ko pa silang nagbubulungan habang pasimpleng tinitignan ako bago magsara yung pinto ng elevator.

Bigla tuloy akong kinabahan dahil hindi ko alam kung saan ko hahanapin yung Mr. CEO na yun.

Biglang nagstop at tumunog yung elevator nung pag akyat sa 7th Floor. May sasakay ata.

Nang unti unti ng bumukas ang pinto ay kasabay nun ang pag angat ng paningin ko at nagsalubong ang paningin namin nung CEO. Kasalukuyan siyang nakatayo at nakasandal sa may pader ng hallway na kaharap ng pinto ng elevator.

Naka cross arms pa siya habang diretsong nakatingin sa akin kaya agad akong napaiwas ng tingin.

H-Hinihintay niya ba ako?

"Aren't you going to step out off there?" Rinig kong sambit niya at tila wala ako sa sarili ko at hindi magawang ihakbang ang mga paa ko, dahilan para biglang magsara ang pinto ng elevator, pipigilan ko sana iyon pero nahuli na ako.

May kamay na humawak sa may pinto nun dahilan para matigil ang pag sara nito at muling bumukas.

Nang tuluyan na itong bumukas ay bumungad sa akin ang titig niya na parang naiirita. Pinantaasan niya pa akong ng kilay at muling nag salita.

"Move." 

Kaagad na akong humakbang palabas doon at kaniya rin itong binitawan.

Nakatingin lang ako sa sahig sa muling pagkahiya na naramdaman ko.

Andami kong nagagawang kahihyan. Sana lamunin nalang ako ng sahig!

"Follow me, and don't get lost." Pagkasabi niya non ay kaagad siyang humakbang paalis, tsaka ko lang narealize na susundan ko pala dapat siya nung nakaliko na siya sa isang hallway. Binilisin ko na ang paglalakad para makasunod sa kaniya.

Nasa harapan ko siya ngayon, mga limang hakbang ang layo niya sakin dahil ang bilis niya maglakad. Dahil din siguro matangkad siya at mahaba ang mga paa niya, samantalang ako ay maliit lang dahil 5'3 lang ang height ko, siya siguro ay nasa 6'1.

Matangkad talaga siya at hindi ko maitatangging may itsura siya. Para siyang may ibang lahi, hindi ko lang alam kung ano.

Nang mapansin niya atang medyo nahihirapan ako masabayan ang paglalakad niya ay unti unti niyang binagalan at niliitan ang bawat hakabng niya hanggang sa kasabay ko na siya maglakad at nasa tabi na niya ako.

Bakit ba kasi napakahaba naman nitong hallway na ito?

Nang isang beses pa kaming lumiko ay may pintuan na sa may dulo, nag iisa lang iyon kaya sa tingin ko ay doon na nga ang office niya.

Sa may pinto ay may nakaukit na "CEO SYLVIENE".

Lumapit siya doon at pinihit ang doorknob saka ito binuksan. Tuluyan na siyang pumasok at akala ko ay hahayaan na niya iyong magsara bago pa ako makapasok, pero hindi..

Darkest RealityWhere stories live. Discover now