Kaela's POV
2 days had past.
Dinner time na pero hindi pa ako bumababa simula breakfast. Dahil alam kong andito si Kryz kasama yung boyfriend niya.
Ayokong bumaba doon ako makita nila ako. Kahit nagugutom na ako ay pinipigilan ko.
Mamaya nalang siguro ako kakain kapag umalis na sila dahil hindi naman yan sila napipirmi dito sa bahay.
Nakahiga lang ako dito sa kama at iniisip yung nangyari in the past 2 days. Kung paano ako ipahiya at saktan ng sarili kong kapatid sa harap ng Boss ko.
Halos 'di ako makatulog nung kinagabihan nun, dahil pagkatapos akong saktan ni Kryz nun ay umakyat na ako ng kwarto at magpapahinga na sana dahil sa sakit ng katawan ko dahil sa pambubugbog na ginawa ni Kryz.
Pero bigla kong naisipang sumilip sa bintana.
●FLASHBACK●
Hindi ko alam pero mayroon talagang tumutulak sa akin para tumingin sa may labas mula sa bintana.
Tinulungan ko ang sarili kong maglakad papalapit sa bintana ng kwarto ko para sumilip doon.
Hinawi ko ang kurtina non kaya bahagya akong napapikit sa pagtama ng liwanag ng araw sa mukha ko. Ngayon ko lang ulit ito binuksan at ngayon lang ulit lumiwanag ang buong kwarto ko.
Nang masanay ang mga mata ko sa liwanag ay natuon ng pansin ko ang isang lalaking nakatayo parin sa may harap ng bahay namin at nakatingin ng diretso sa may bintana ko. Halos mapatalon pa ako ng bahagya sa kinatatayuan ko nang magtama ang paningin namin.
B-Bakit nandito parin siya?
Bakit hindi parin siya umaalis.
Nababasa ko sa mukha niya ang pag aalala. Alam kong naaawa lamang siya sakin kaya ganyan siya umasta. Pero hindi ko naman kailangan ng awa niya. Ayokong kaawaan nila ako. Gusto ko lang naman maging normal ulit gaya nang dati pero nahihirapan na ako.
Hindi na ako sanay sa mga normal na bagay na dating madalas kong ginagawa.
Hindi ko na talaga kilala ang sarili ko.
Natigil ang pag iisip ko nang iwagayway niya yung palad niya at nag okay sign, nagtatanong siguro kung okay lang ba ako.
Nag okay sign nalang din ako pabalik at sinenyasan siya na umuwi na.
Pero mukhang makulit talaga siya.
Kung ayaw niyang umalis ay wala na akong magagawa. Napagpasiyahan ko nalang na isara nalang yung kurtina.
Pero bago ko gawin yun ay nag wave muna ako sa kanya ng bye at inilapat ang kanang palad ko sa may salamin ng bintana at kunwaring hinahawakan siya at saka tuluyan ko nang isinara iyon.
Salamat sa iyong pag aalala Nixon..
●END OF FLASHBACK●
Iyon ang nangyari nung mga oras na iyon. Hindi rin naman nagtagal, pagkasara ko ng kurtina ay narinig ko na ding pinaandar na niya paalis ang sasakyan niya kaya napanatag ang loob ko.
YOU ARE READING
Darkest Reality
Mystery / ThrillerHer life is full of darkness, and she rarely sees light, until one day she met this guy who brings her a light and begins a new beautiful life. The question is, did he truly enter her life to save her from depression? or he just fixed her broken hea...