Kaela's POV
I woke up in the morning and immediately stood up after realizing what happened.
W-wait... Paano ako nakauwi? Sa pagkaka alam ko ay naghahanap ako ng trabaho kahapon tapos..
Tapos.. Napahawak ako sa ulo ko ng bigla akong nakaramdam ng matinding kirot mula rito.
"A-Arghh!" Hindi ko mapigilang hindi mapadaing sa sakit. Biglang nagbalik sa ala ala ko ang nangyari kagabi. Yung mga kamay nilang dumapo sa balat ko.. Nakakapanghina. Nanghihina ako sa takot at pandidiri sa kanila.
Mga demonyo sila.. Dahil naman dun ay nanumbalik din sa ala ala ko ang mga pananakit na ginagawa sakin ng mga magulang ko noong nabubuhay pa sila.
Hindi ko napigilang hindi magsisigaw hanggang sa may narinig mga kaluskos mula sa baba. Nawala yung sakit ng ulo ko ng makarinig ako nang ingay mula sa baba.
Nawala ang atensyon ng katawan ko sa sakit at napunta ito dun sa narinig kong ingay.
Bumaba ako para tignan kung sino iyon.
Pagkarating ko doon ay may nakita akong lalaking nakaupo sa may dining table. Hindi niya pa ako nakikita dahil nakatalikod siya sakin.
Sinamantala ko na ang pagkakataong iyon para pumunta sa may kusina at kumuha ng kutsilyo. Para kung sakali mang sugurin ako nito ay may panlaban ako sa kaniya.
Unti unti na akong lumapit sa kanya pero 'di ko sinasadyang matamaan ng siko ko ang vase na nasa maliit na mesa sa may bandang likuran niya. Bago ko pa mapigilan ay bumagsak na iyon at naglikha ng ingay dahilan para mapalingon sa direksyon ko yung lalaki.
Gawa din sa gulat ay hindi ko na pinansin ang mga bubog sa sahig at itinutok sa lalaki yung hawak kong kutsilyo.
Nakita ko kung paano nag iba ang ekspresyon niya mula sa pakabigla at napalitan ng takot.
Nararamdaman ko ang pagbaon ng bubog sa talampakan ko dahil kasalukuyan akong nakatayo sa mga iyon at naka paa lang ako.
"S-sino ka?!" Kinakabahan man ay nagawa kong tanungin iyon.
Tumayo siya sa pagkakaupo at dahan dahang ini angat ang dalawang niyang kamay habang nakatingin sa kutsilyong nakatutok sa kaniya. Ni hindi ko nga mahawakan ng maayos yung kutsilyo dahil sa panginginig.
"Wala akong masamang balak. Wag mokong sasaktan." Sambit niya pero hindi ako naniwala at bahagya ko pang ini amba sa kaniya ng kutsilyo. Hindi ko siya kilala. Malaki ang pangangatawan niya at hindi siya mukhang buong pilipino. Para siyang may lahi.
"Hindi kita kilala. P-paano ka nakapasok dito." Tanong ko, nangunot ang noo niya pero nananatiling naka angat ang mga kamay niya at kung kanina ay sa kutsilyo siya nakatingin ay ngayon ini angat niya ang kaniyang tingin kaya nagkasalubong kami ng mga mata.
Kaagad naman akong umiwas at tumingin nalang sa may gitna ng mata niya.
"Kasi pinapu-" Hindi pa siya tapos magsalita ng biglang may sumingit sa aming dalawa. Sabay kaming napalingon doon.
"Anong nangyayari dito?!" Pasigaw na tanong ni Kryz at pinanlisikan ako ng mata.
"Bakit tinututukan mo si Aeko ng patalim?! Nababaliw ka na ba?! Ibaba mo nga iyan!" Sigaw niyang muli sa akin kaya binaba ko naman agad iyon.
Kilala niya ang lalaking ito?
Sino siya?
"Boyfriend ko si Aeko, so pwede ba?! Umayos ka nga! Hindi ka manlang nahiya sa itsura mo!" Sambit niya kaya napababa ako ng tingin sa suot ko.
YOU ARE READING
Darkest Reality
Mystery / ThrillerHer life is full of darkness, and she rarely sees light, until one day she met this guy who brings her a light and begins a new beautiful life. The question is, did he truly enter her life to save her from depression? or he just fixed her broken hea...