Chapter One

27 4 0
                                    

XAIY

I almost ran out of time when I woke up this morning, I forgot that I have my morning classes, lagi kasing pang hapon ang klase ko kaya nawala sa isip ko,

"Hayss ang tanga mo naman alarm clockk!" Sinigawan ko pa ang kawawang alarm clock ko dahil hindi ko pala na set yung time tshh,

Nag madali akong maligo at magbihis, only my ate and kuya are with me, nasa abroad kasi sila mama at papa nagtatrabaho, pareho silang chef kaya kaming tatlo lang rito sa bahay at yung tita namin na matandang dalaga hahaha,

Pababa na ako ng hagdan ng may maaninag ako sa peripheral view ko, heyy hindi multo okay? Yung project ni kuya na parang rebulto ewss, ge na baba na ko,

Pagka baba ko ay nag aalmusal na sila, gusto ko sana silang galitan pero meron kaming rule dito sa bahay na walang mang gigising para daw matuto kami, kakainis

"Oh Reyna late ka na? Pang umaga ka ngayon at nalimutan mo yon, dahil hindi ka gumigising ng ganitong oras nalimutan mo ring iset ang alarm clock mo at base sa itsura mo di ka masayadong nakapag ayos ng sarili dahil nagmamadali ka," hayss ayan nanaman si kuya sa mga deductions niya, wala na may nanalo na, "nanalo talaga ako hahaha, kumain ka na" hayss,

"Goodmorning bunso, ikaw naman kasi Troy bakit di ka muna nag goodmorning yan tuloy bad trip nanaman sayo si bunso," pareho lang kayo tss,

"Edi goodmorning bunso, eto kasi si ate Savranie wag ka raw gisingin" natatawang aniya, kaya inismiran ko nalang sila

"Morning lang walang good, mauna na ko late na nga pagpapalate pa ba ko?" Pagkasabi ko non ay agad akong lumabas ng bahay,

Papara na sana ako ng tricycle pero agad na binaba ni kuya ang kamay ko, "ihahatid na kita dahil mas malelate ka sa pag dual ride," kinuha niya ang kotse niya sa garahe,

"Ang alam ko double ride yon eh?" Bulong ko saka pumasok sa passenger seat ng kotse niya,

Tahimik lang kami sa daan, nang biglang may mahagip ako ng tingin, bigla nanamang nanindig ang balahibo ko at this time nanuyo ang lalamunan ko, nang maka lagpas na kami ron ay agad kong binuksan ang window ng kotse ni kuya,

"Hey! Why did you do that? Naka bukas ang aircon" he said as he turned off the aircondition,

"Ah eh, mainit kuya" pinaypay ko pa ang kamay ko

"You look terrible, you saw someone or something and it started bothering you," hays ano pa nga bang aasahan ko kay kuya, future detective ata yan,

"H-hindi naman, ang init lang talaga ng uniform ko," palusot ko,

"hindi pa naka suot ang makapal na blazer mo naka thin polo ka pa, naka aircon din tayo kanina when you suddenly open the window" aniyang nakatingin sa daan, napa buntong hininga nalang ako saka sumandal,

"What else should I expect from you kuya?" I sarcastically asked, ngumisi naman ito

"Mind sharing?"

"You're acting like a detective right? Why don't you guess?"

"I'm not a fortune teller" nasa tapat na kami ng school kaya hindi ko na sinagot ang tanong niya,

"Thankyou kuya," ngumiti lang siya kaya lumabas na ako,

"Don't forget to tell me later," pahabol niya nakita ko pang ngingisi ngisi siya pero di ko na yon pinansin, I made a wave goodbye as I walk towards the gate

Darkest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon