XAIY
Ps. Grammatically errors exist, unedited,
Short UD, by the way wala namang may pake sa story na to hahahhaaha
Gabi na ng ako ay umuwi galing sa bahay ni tita, lahat ng pinag usapan namin ay naaalala ko simula pa noon. Hindi yon ang kailangan ko pero kinukuwento parin niya kahit gusto ko na siyang tumigil.
Simula nung lumabas ako ng bahay sa pakikipagtalo kay kuya ay hindi parin kami nagkakausap, wala rin naman siya sa bahay pagdating ko. Mas mabuti na rin yon kesa makita ko siya pero wala namang ginawa kundi ang humingi ng tawad.
- Nagising ako ng sobra ang sakit ng ulo, mina migraine nanaman ako, hindi pala dahil sanhi iyon ng amnesia ko. Sarili ko lang ang kilala kong nagka amnesia ng walang kahit na sino ang nagmaka awang maalala sila. Ang swerte parin ng iba dahil meron sa kanilang naka alalay at nagpapa alala ng dapat ay alam nila. (sana all?) Bakit ako lang ata ang gustong maalala ang mga nakalimutan ko? hayysssss.
Naabutan kong nag lilinis si tita sa baba nang ako ay tumungo sa kusina para uminom ng kape at kumain ng agahan.
biglang may pumasok sa isipan ko kaya inilabas ko agad ang cellphone ko.
"park later, 1 pm sharp" SEND alam kong pag sinabi ko ay pupunta siya ka agad. wala kaming pasok ngayon dahil may meeting daw ang mga adviser na pabor na pabor naman sa akin.
saktong mahangin ngayon kaya tumungo ako sa garden para doon kumain, I get my phone out of my pocket and start taking a picture of my breakfast to post on my social media with a caption of: "already tired, even in my dreams"
"it's too early to be tired Xaiy" Klast Replied
"I can't do anything about it"
"you can, just cheer up babe" gagung to mabasa sana yan ni Bea, pero sanay na ako, noon pa man ay mahilig na siyang tawagin ako ng ganyan, buti na nga lang ay hindi ako na fafall sa kaniya haysss.
"my foot" i know he's laughing by now
"haha, got to go, may date kami ni Bea, na move dahil sayo" okay, hindi talaga ako ipagpapalit ni Bea kahit kanino, meron pala silang date ng 1 pm pero minove niya hahahhha
"hahaha. mas malakas ako sayo blee"
"tss bye" hindi na ako nag reply
nilinis ko ang pinagkainan ko matapos kumain, nakasalubong ko si kuya pero hindi ko siya pinansin sa halip ay dali dali akong tumakbo paakyat ng kwarto ko ng akma siyang kakausapin ako. manigas ka jan
Lumabas ako ng bahay ng suot suot ang paboritong hoodie jacket na kulay white at above the knee short ko. Sa labas ako manananghalian para hindi ko makasabay ang magaling kong kuya.
Madalas na kaming magkatampuhan o mag away ng dahil sa pagkakaroon ko ng amnesia, bakit ba kailangan ko pang magkaroon non? Hindi ba pwede namatay nalang ako dahil sa aksidente? Hindi yung papatayin ako paunti-unti dahil sa konsumisyon.
Sabi ni Doc. Clores ay hindi ko raw maalala yung mga bagay bagay na 3 to 4 years palang nangyayare sa buhay ko, pero yung mga bagay na simula pagkabata pa ay malinaw kong naalala.
11 pm pa lang ng tanghali at napag pasiyahan kong kumain sa isang fast food restaurant, solo ako walang kasama, hindi katulad nung mga nakaraan kasama ko si kuya.
Matapos kong kumain ay pumunta na ako sa park
Kahit 12 palang ng hapon, mas mabuti nang dito ako magpalipas ng oras kaysa makita ko ang magaling kong kuya, ayaw ko parin siyang makita.
BINABASA MO ANG
Darkest Love
Teen FictionAfter the accident, no one made her remember, what is have to remember