Chapter Six

4 2 0
                                    

Ps: Grammatically errors exist

Xaiy

"Hello Xaiy my loves in the whole world hahahahahahhahaha" tahimik akong nakaupo ng bigla nalang akong sunggaban ng yakap ni Bea, by the way lunes ngayon at may pasok na kaya nasa school ako.

"Oh, what's your problem?" Hindi ako lumingon sa kaniya at nakapamungko lang

"Problema agad? Ahihihi, pumunta si Klast kahapon sa bahay, and guess what?" Kinikilig na sabi niya, don't tell me nag propose na si Klast, good for them though

"Umamin sa akin si Klast, at saka nililigawan na niya ko ahuhuhu" just as I thought, para na siyang maiiyak, buti nalang at wala pa si Klast

"Good for you" nakangiting sabi ko

"Ahihihi, we're going to amusement park later, do you wanna tag along?" Tanong niya at inangkla pa ang kamay sa braso ko

"I'm a bit busy, solohin mo nalang siya" ngumuso naman siya saka masyang tumango

"Okieee hihihi"

"Bestfriend ba talaga kita?" Tanong ko na ikinatigil niya dahilan para mawala ang matamis niyang ngiti

"H-ha? Bakit naman? Do you like Klas-

"That doesn't answer my question Bea" bored na sabi ko, kahit kailan ay hindi ako nagkaron ng special feelings kay Klast, friend lang talaga.

"Ano bang pinag sasabi mo?" Tanong niya

"Are you really my bestfriend?" Tinitigan ko siya sa mata pero umiwas siya

"Hayss, natural bestfriend mo ako, ano ka ba!" Naka pout na sabi niya kaya napa tango ako

"Great, Enjoy your date later " ngumiti ako kaya ngumiti rin siya.

-Tapos na lahat ng klase at umalis na rin sila Bea, masaya ako para sa kaniya, pero sa lahat ng ayaw ko ay yung niloloko ako ng mga taong nakapaligid sa akin. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ang bagay na to, pero parang lahat ng taong mahal ko isa-isa akong niloloko.

Pagkarating ko sa bahay ay dumeretso ako sa couch para magpahinga, katulad ng dating gawi ay hindi ako umaakyat sa kwarto kaagad.

Hindi ko inalis ang sapatos ko hanggang sa magkatulog ako.

Napa balikwas ako ng upo ng mapagtantong nakaupo na sa tigkabilang couch si kuya kasama si Mr. Darkness, bumilis ang kabog ng didbdib ko habang nakatingin sa kaniya, hindi ko namalayang namamasa na ang mata ko, at hindi napigilang maluha ng makitang wala  siyang suot sunglasses,

This is my first time seeing him without sunglasses on his eyes, I don't know why I'm being emotional after seeing his grey eyes and long eyelashes, he is really handsome, he looks like a greek god. But

Tuloy tuloy lang sa pagdaloy ang luha ko, hindi ako kinibo ni kuya, nakatitig lang rin siya sa akin, hindi ko matanggal ang paningin ko sa nakatitig na mga mata ni Mr. Darkness, sobrang ganda, para akong natutunaw na yelo dahil sa titig niya, nasasaktan ako at hindi ko alam ang dahilan, gusto kong sumigaw at tanungin siya, pero wala akong lakas upang gawin yon.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang luhang dumadaloy galing sa mga mata ko, pero lagi nalang ako tinatraydor nito, sa halip na tumigil ay tuloy tuloy lang sa pagdaloy.

"H-hindi ko alam kung anong meron sayo, pero isa lang ang alam ko," seryoso kong sabi, napakurap si kuya, "You are part of my life" Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas para bitawan ang mga salitang iyon, pero mabilis na nanumbalik sa akin ang mga sinabi ni Doc. Clores habang ako lang ang kasama niya nung nag pa check up ako

Darkest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon