XAIY
(Ps. Grammatically errors exist)
Sinabi sa akin ni kuya ang isang Tree house na nasa pinaka dulo ng village siya daw ang gumawa non saka si Mr. Darkness, yun lang naman pala ang sasabihin niya pinakaba niya pa ako. kaya papunta ako ron ngayon, mag lalakad lang ako dahil wala namang tricycle na dumaraan.
Sumalubong sa akin ang napaka lamig at preskong hangin, mula sa kinatatayuan ko ay tanaw na tanaw ang malaking puno ngunit hindi ganon kataas kaya madali lang akyatin lalo pa at may hagdan naman.
Naglakad ako papunta ron at sinubukang akyatin
SUCCESS
Nakapasok ako ng walang kahirap hirap, inilibot ko ang paningin sa maliit ngunit napaka iwas na tree house, napaka ganda sa loob at purong kulay puti ang kulay, may mahabang couch sa gilid at meron ring maliit. May purong kahoy rin na center table.
Woah ang ganda
Mataman akong naglibot sa loob ng tree house, may nakita akong mga nakasabit na kung ano ano, hinawakan ko ang isa sa mga nakalawit mula sa itaas, kulay puti iyon at napaka ganda ng disenyo, di ko alam ang tawag ron, I wonder kung sino ang may gawa niyon.
Naupo ako sa mahabang couch, hindi iyon marumi siguro ay tumatambay sila rito paminsan.
May nakita akong photo album sa ilalim ng center table kaya kinuha ko iyon
Pagbukas ko ay tumambad ang napaka raming litrato ni kuya kasama si Mr. Darkness, hindi ko alam kung kailan ito pero mas mukha sila ritong bata, napansin kong habang sunod sunod kong binubuklat ay pa mature ng pamature ang mukha nila kaya napagtanto kong taon taon o buwan sila naglalagay dito ng litrato. Pero nagulat ako ng makita ang nasa hulihan.
Nasa gitna nila ako habang pareho silang naka akbay sa akin. Si kuya ay nakangiti habang nakangisi lang si Mr. Darkness
Napa pikit ako at inaalala ng mabuti ang araw na ito pero walang pumapasok sa isip ko.
Ibinalik ko ang photo album sa ilalim, babalik na sana ako sa couch ng biglang mahagip ng mata ko ang mas malaking photo album.
Kinuha ko iyon at akmang bubuksan ng bigla nalang tumunog ang phone ko text lang pala ni kuya.
"Where are you?" He asked
Hindi ko siya nireply at binuksan nalang ang photo album
But my hands suddenly froze as I stare at the picture that I just flip. Hindi ako pwedeng magkamali, ako ito. Ilang beses akong lumunok na parang sa ganon ay ma pa process ng utak ko ang nasa litrato pero hindi.
"Why do we have a photo like this?" Mahina kong tanong sa sarili bago tingnan ang pangalawang picture, naka akbay pa rin siya sa akin at sobrang lapit namin sa isa't isa, I was hugging him in the third photo while he just caressing my hair. Marami pang photos na nandoon at ang sweet ng mga pagkakakuha, siguro ay si kuya ang nag kuha noon,
I don't know what was our relationship before but I just found myself wiping my tears away
(masiyadong iyakin amp kainis ganto pala ko magsulat 4 years ago jusko) -author (01,02,24 @9:06pm)
I am really confuse right now, I don't know what to do.
Ipinatong ko ang ulo ko sa aking tuhod habang nakatingin parin sa mga litrato, Napangiti ako ng makita siyang nakangiti, Si Mr. Darkness nakangiti? What a good scene tho.
Nang maka recover ako ay may nakita akong speaker paniguradong rechargeable kasi naman ay walang kuryente sa loob ng three house nila or should i say namin? i don't know may naka saksak na flash drive doon. Pinindot ko ang black button which is the power mode. tumunog ang speaker at bigla nalang tumunog ang sobrang pamilyar na music.
BINABASA MO ANG
Darkest Love
Teen FictionAfter the accident, no one made her remember, what is have to remember