Chapter Five

12 2 0
                                    

XAIY

Ilang linggo na ang lumipas matapos akong magpacheck up, hanggang ngayon ay nasa isip ko parin ang mga sinabi ni Doctor Clores. Hindi ko lang talaga ma clear yung mga bagay sa utak ko.

"Oh Madeah, san ang punta mo?" Tanong ni tita pagka baba ko sa sala, Saturday kasi ngayon at magpapahangin ako sa labas

"Magpapahangin lang po sa labas" sabi ko

"Oh, ngayon mo nalang yan ginawa, dati every saturday mo ginagawa yan" napakunot noo ako at tumango nalang habang naglalakad pa labas ng bahay

"I've been doing this before?" Tanong ko sa sarili habang naglalakad papunta sa Park.

Umupo ako sa bench at nagpamungko, habang pawis na pawis

"Bakit parang kulang?" Tanong ko nanaman sa sarili ko, ilang beses ko nang tinanong ang sarili ko pero lagi nalang walang sagot

Inilabas ko ang cellphone ko sa bulsa at sinimulang mag kuha ng litrato, ng matapos ay agad kong binuksan ang facebook ko para mag day nilagyan ko iyon ng caption na TIRED,

Maya maya pa ay ang dami ng nag reply at nagreact don, ewan ko pero parang matagal ko na tong ginagawa hindi ko lang talaga tanda.

"Reyna!" Napalingon ako sa boses ng tumawag sa akin

"Oh bakit?" Tanong ko kay kuya

"Bakit di mo ko sinama?" Tanong niya saka umupo sa tabi ko

"Malay ko bang gusto mo palang sumama?"

"Haha, gusto mo bang sumama?"

"Saan?" Tanong ko

"Mag breakfast" aniya

"Sure, saan ba?"

"Sa mall, kasama si Drix at You know" awkward siyang ngumiti

"Sino yung isa? Si MR. DARKNESS?" tanong ko na ikinatawa niya

"Mr. Darkness huh? Oo sana" tumango siya

"Sige sama ako" taka siyang napalingon sa akin

"You sure?"

"Bakit hindi?" Pinagtaasan ko siya ng kilay

Naisip ko kasi na bakit kailangan ko siyang iwasan? Kahit pa natatakot ako sa kaniya kakayanin ko, walang pwedeng katakutan ang nag iisang Xaiybreyna Madeah,

"Wala naman" umiling siya

Lumipas ang ilang minuto ay dumating na si Drix the Great, naka motor lang siya

"Hey Bro, kamusta ang date mo kagabi?" Tanong ni kuya sa kaniya, weh? May date yarn?

"Haha, nothing special" umiling ang baliw na Drix saka tumabi kay kuya

"Sus, ewan ko sayo"

"Bakit wala pa siya?" Tanong niya kay Kuya, ayaw ba talaga nilang sabihin ang pangalan ni Mr. Darkness?

Darkest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon