Teaser

164 2 0
                                    

"Stop it Troy." Nagsisikip ang dibdib ko, hindi sya makuha sa paliwanag. "Without those rules Troy Anton Santillan, we will not work out, walang relasyong magaganap."

Nagpapakatatag lang ako. Pero sa totoo lang hirap na hirap ako sa nakikita kong reaksyon nya.

"Please Aeyrah, I like you and I'm close in loving you, just give me a chance." Bawat salitang lumalabas sa bibig nito merong diin. Halatang punong puno ng emosyon.

"Just take me home Troy." Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa labas ng kotse. Ayaw ko ng makita ang paghihirap nya.

Nagpakatatag pa din ako. Without looking in his direction. "Please just take me home Troy."

Di sya sumagot. Pinaandar nya na lang ang sasakyan. Mabilis ang harurot nito. Napatingin ako sa kanya. Tutok na tutok sya sa daan pero mahigpit ang hawak nya sa manibela. Walang kakurap-kurap ang mata nya. At halata rin ang nag-iigtingan nyang ngipin. Gigil na gigil si Troy.

Tahimik lang akong bumaling ulit sa labas. Kabadong nagdasal na wala sanang mangyaring masama smin.

Gusto kong maunawaan nya kung bakit kailangan namin ang mga rules na gusto kong sundin nya.

In no time nasa tapat na kami ng gate. Pagtigil ng sasakyan nya gusto ko ng lumabas agad ng sasakyan, kaya bumaba agad ako. Without even taking a glimpse of him.

Nagulat pa ako ng paglabas ko nasa tapat ko na agad sya.

"Please Aeyrah naman. Pwede bang pag-usapan muna natin ito."

Hinawakan nya ang siko para pigilan ako.

"Pagod na ko Troy, I won't change my mind kahit na mag-usap pa tayo buong magdamag." Pilit kong inaalis ang kamay nya sa siko ko. Ang init ng kamay nya'y gumagapang at humahaplos sa puso ko.

Para namang nauupos na na kandila ang itsura ni Troy. Kaya agad na akong tumalikod.

"Aeyrah...." pabulong na sabi ni troy pero dinig na dinig ko yun pero derecho pa din akong pumasok ng gate namin. Without looking back at him.

Aeyrah's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon