Napakabilis ng pagmamaneho ni Troy. I have to shout para marinig nya at nabibingi ako sa tunog ng makina ng kotse na napakatulin...
"Stop it Troy!" Bigla nyang itinabi ang sasakyan. Nakakapangilabot ang biglang pagtigil nito, akala ko katapusan ko na.
"Stop it Troy." Nagsisikip ang dibdib ko, hindi sya makuha sa paliwanag. "Without those rules Troy Anton Santillan, we will not work out, walang relasyong magaganap."
Nagpapakatatag lang ako. Pero sa totoo lang hirap na hirap ako sa nakikita kong reaksyon nya.
"Please Aeyrah, I like you and I'm close in loving you, just give me a chance." Bawat salitang lumalabas sa bibig nito merong diin. Halatang punong puno ng emosyon. "Never pa ako naging ganito sa isang babae, yung tipong gusto ko palagi ka lang sa tabi ko."
"Just take me home Troy." Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa labas ng kotse. Ayaw ko ng makita ang paghihirap nya.
Nagpakatatag pa din ako. Without looking in his direction. "Please just take me home Troy."
Di sya sumagot. Pinaandar nya na lang ang sasakyan. Mabilis ang harurot nito. Napatingin ako sa kanya. Tutok na tutok sya sa daan pero mahigpit ang hawak nya sa manibela. Walang kakurap-kurap ang mata nya. At halata rin ang nag-iigtingan nyang ngipin. Gigil na gigil si Troy.
Tahimik lang akong bumaling ulit sa labas. Kabadong nagdasal na wala sanang mangyaring masama smin.
Gusto kong maunawaan nya kung bakit kailangan namin ang mga rules na gusto kong sundin nya.
In no time nasa tapat na kami ng gate. Pagtigil ng sasakyan nya gusto ko ng lumabas agad ng sasakyan, kaya bumaba agad ako. Without even taking a glimpse of him.
Nagulat pa ako ng paglabas ko nasa tapat ko na agad sya.
"Please Aeyrah naman. Pwede bang pag-usapan muna natin ito."
Hinawakan nya ang siko ko para pigilan ako.
"Pagod na ko Troy, I won't change my mind kahit na mag-usap pa tayo buong magdamag." Pilit kong inaalis ang kamay nya sa siko ko. Ang init ng kamay nya'y gumagapang at humahaplos sa puso ko.
Para namang nauupos na na kandila ang itsura ni Troy. Kaya agad na akong tumalikod.
"Aeyrah...." pabulong na sabi ni troy pero dinig na dinig ko yun pero derecho pa din akong pumasok ng gate namin. Without looking back at him.
------------
Nakauwi ako ng bahay na di ko man lang namamalayan. Umakyat agad ako sa kwarto at pagod na pagod na pasalampak na inihiga ang katawan.Aeyrah bakit ganito ang hirap mong paki-usapan. Pwede naman sigurong getting to know you stage palang tayo pero agad agad seryoso.
Di ako mapakali kaya kinuha ko ang landline phone sa tabi ng kama ko para tawagan sya. I need to talk to her. Nakaka-ilang tawag na ako di pa din nito sinasagot ang telepono, pero handa akong maghintay. Hanggang siguro na-awa din sa akin sinagot na din nito ang telepono.
"Hi, Babe." Malungkot na tawag ko dito. "Pwede bang let's take it slow, I mean kilalanin muna natin ang isa't isa. I'm attracted to you and I know you feel the same way. Natatakot ka lang siguro sa bilis natin kaya nga I'm telling you to take it slow. Please Aeyrah andyan ka ba? Nakikinig ka ba?"
"Yes nakikinig ako."
"Paano kita makikilala kung di tayo nagkikita. O baka naman pati sa text eh bawal din."
"Focus on your studies muna. Back to basic tayo. Pag-isipan mo muna ang mga rules Troy. Dahil di ko kailangang ulit ulitin ang sarili ko sayo. Without those rules, walang mangyayari. Understand."
Napaka-tigas nito. "Fine, kung yan ang gusto mo." Siguro tama na. Kung ayaw nya fine madaming babae dyan. Ibinaba ko na ang phone without even saying goodbye. Tumayo agad ako ng kama at nagtuloy sa bar sa baba ng bahay.
I need to drink this. Fuck! Naubos ko na ang isang bote pero wala pa din. Andito pa din ang hirap na nararamdaman ko. Wala ba akong pag-asa man lang for a chance to really know her.
-----------------------
Siguro okey na din yung ganito. He has given up on me. At least maaga palang alam ko na kung san ako lulugar sa buhay ni Troy.
Kasi naman kung susundin ko ang take it slow ni Troy baka itong nararamdaman ko eh lalong lumalim at lalong mas mahirap ng kontrolin at mahirap ng lumimot. Natatakot ako sa sobrang bilis ng pangyayari, pagkakita palang namin sobrang atraksyon na ang naramdaman ko. At nahalikan ko pa agad sya without even thinking kaya ngayon kailangan ko ng focus and a lot of self control kung hindi ako din lang ang masasaktan sa bandang huli.
Bata pa si Troy at gwapo, samantalang ako. I know maganda naman ako pero mas madaming mas bata at mas magandang nagkakagusto kay Troy. At matanda na ako to play silly games. Ni wala nga sa hinagap ko na mag-boyfriend tapos ngayon agad agad bibigay ako sa kanya. Ano sya sinuswerte.
Alam ko judgemental ako dahil di ko pa naman sya masyadong kilala, pero tama na ang mga narinig ko kay Tita Debbie noon. All though wala pa naman daw ipinapakilalang babae si Troy pero alam na alam ko na madami silang nag-aagawan kay Troy at ayaw ko ng maging isa pa sa mga babaeng yun.
Nakatulugan na nya ang isiping iyon.
BINABASA MO ANG
Aeyrah's Love
RomanceA love story of trust... Fullfilling a promise even if it takes a lifetime to achieve... Si Aeyrah Bernardo 31 yrs. old no boyfriend since birth. Happy sya being single pero ng makasama nya si Troy Anton Santillan anak ng bestfriend ng mamang nya hi...