UNA

190 3 1
                                    

Aeyrah Bernardo's POV

Aaaaaaaaaaaaaaah....

Bigla ang pagbangon nya.

Nakakainis!!! Panaginip na naman...

Naisuklay na lang nya ang kamay sa gulo gulong buhok.

Ako si Aeyrah Bernardo 31 yrs old, hanggang ngayong taon na lang ako sa kalendaryo pero who cares wala akong balak mag-asawa.

Masaya ako sa buhay ko kasama si Mamang at Dade. Ang nag-iisang kapatid ko kasama ang pamilya nya nasa korea.

Paano ba ako umabot sa ganitong edad na wala pa ding naging boyfriend?

Well, isa lang naman ang sagot ko sa tanong ko. Takot akong mag-asawa dahil takot akong maloko, magtiwala at masaktan.

Nakikita ko everywhere sa mga friends and cousins ko, sa kanila palang dalang dala na ako. What more ang mga kwento sa teleserye at pocketbooks puno ng kalokohan.

Ika nga ang pag-ibig ay parang quiapo magulo, malingat ka lang tiyak na naagaw na sau ang boyfriend mo.

Nakakatawa lang, ni subok di ko nagawa. Pero ayos lang single ako forever but I'm happy and contented with my life.

I don't care kung palagi akong center ng kwentuhan sa family gatherings and school reunions.

Ung tipong lagi kang iniingit kasi lahat halos ng kabatch ko meron ng asawa at anak. Yung iba nga naka-ilang asawa at anak na.

Well wala akong pinagsisihan sa mga gusto ko. I know what I want and I stick to what I believe. Tapos.

Pero bakit sa panaginip nya masaya syang nakapatong ang ulo ng isang lalaki sa kandungan nya habang sinusuklay nya ang hanggang balikat na buhok nito.

Nasa breakwater sila, nakaupo sya sa damuhan. Di nya nakikita ang mukha ng lalaki pero dama nya na kakilala nya ito at malalim ang damdamin nila sa isa't isa.

Nakakapangilabot ng maalala nya ang palagi nyang panaginip. Nagtaasan ang balahibo nya sa batok, talo pa ang mga horror stories na mahilig nyang panoorin.

Lalo't sa panaginip nya na parang totoong totoo eh lubos sagad hanggang buto ang pagkakangiti nya. Halatang sobrang saya nya.

Meron bang kulang? Ang alam nya kontento sya pero bakit ganito ang nararamdaman nya.

----------------
Author's Note: Salamat sa mga bumisita, pwede din kayong mag comment. Tnx

Aeyrah's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon