Pang-Pito

142 2 0
                                    

Nakaalis na si Troy pero nagtatalo pa din ang isip at puso ni Aeyrah.

Pabaling baling sya sa kama, napahawak pa sya sa labi at napapikit. Parang damang dama nya pa din ang labi ni Troy. Ang mainit, mapusok at nakakakuryenteng halik na nakakapagpa-windang, nakakapagpatulala at nakakapagpalimot sa tino ng utak nya.

Erase... Erase... Erase...

Madiin nyang ipinikit ang mga mata at dumapa para makatulog, gusto nyang makapagpahinga. Pero ayaw talaga syang tantanan.

Dama nya ang saya pero takot na takot sya, alam nyang panandalian lang ang saya na nadarama ngayon.

Nagulat sya ng marinig ang ringing tone ng cellphone nya. Wala sa loob na sinagot ito.

Parang tamad na tamad na nagsalita sya "Hello.."

"Hi, babe."
 
Napabalikwas sya ng pagkakaupo sa kama.
Nakikinita pa nya ang napakagwapong mukha nito habang nakangiti na nakakapagpa-windang, nakakalusaw at nakakapagpatupok sa puso nya.

Napatingin sya sa screen ng phone nya, landline ito at si Troy ang nasa kabilang linya. Malamang nakauwi na ito.

"Di ka ba makatulog babe..." napakalambing ng  boses nito sa pandinig. "Na-iimagine mo ba ako sa tabi mo."

Napaka-assuming naman nito... nakakainis... nakakamiss... teka san nanggaling un?

"Nakatulog na ako, nagising lang ako sa tunog ng ringing tone." Nakasimangot na tugon nya.

"Sorry... gusto ko lang sanang marinig ang boses mo bago ako matulog."

"Narinig mo na, pwede ka ng matulog at magpatulog. Goodbye!"

Aeyrah should end the call right now and fast.

"Aeyrah! Sweet dreams, I'll be dreaming of you..."

She ends the call... inilapag nya sa bedside table ang phone.

Nahiga ulit si Aeyrah padapa at itinakip ang unan sa ulo. Pinilit na nyang makatulog, ayaw na nyang mag-isip.

------------------
Gulong gulo naman si Troy, gusto nya sanang biglang sumugod ulit kila Aeyrah to talk to her. Bakit ba ang hirap ispellingin ng babaeng ito. Sala sa lamig, sala sa init.

He has so many plans... at gagawin nya iyon umpisa bukas...

Kinabukasan maagang maaga palang ay nasa bahay na sya ni Aeyrah. With letter and chocolate na ipinadala nya sa tita Leona nya para ipahatid sa kwarto ni Aeyrah. Gusto nyang pagkamulat ng mata nito ay ito ang unang makita.

He waited... for almost an hour bago pa makita ang nakabihis na si Aeyrah. Para syang sunshine na nakakapagpaliwanag sa lahat ng makakakita dito. She's like a rainbow bright that's spread colors through the gloomy day... napaka-ganda ni Aeyrah ko.

"Good morning babe..." bati ko at sinalubong ng halik sana pero umiwas ito.

"Stop right there..."

Ang sungit. Ang aga aga.

"Natanggap mo ung letter and chocolate? Ipinadala ko sa room mo, si Tita Leona ang naghatid."

"Oo."

Tipid na sagot nito with blank expression on her face. Mahihirapan ako sa isang ito, parang hindi ko sya makukuha basta basta with my charms.

"Tara kain na tayo, dinalhan kita ng  breakfast."

"Late na ako. Maaga pa ako sa office, madami akong gagawin." At dumerecho na ito sa labas.

Pinigilan ko sya by holding her hand.

"Sige, ihahatid na lang kita."

Iniwas nito ang kamay at dumerecho pa din.

Napatigil sya.

"Ano pang tinutununganga mo dyan. Akala ko ba ihahatid mo ko."

Sumunod ako sa kanya. Wala pa naman sigurong nakakain ito pero bakit ganito na ang umaga nito.

"Sabi ko nga." Dumerecho na ako sa sasakyan para ipabukas sya ng pinto sa tabi ko bago ako tumuloy sa driver's seat.

Umupo lang ito without even saying a word. Pinaandar ko na ang makina at nag-drive. Wala akong maisip na masabi. She made me feel speechless.

"May pasok ka ngayon diba."

Napalingon ako sa kanya. "Yap, ihahatid lang kita then off to school na ako. Bakit ayaw mo ba akong pumasok? Saan  mo gustong pumunta sasamahan kita."

"Pumasok ka, after school text or call me. Then we will talk. Madami tayong dapat pag-usapan. Wag mokong ngitian."

Seryoso ito habang di ko mapigil na mapangiti. Masungit pero gusto naman pala makipag-date. Hay Aeyrah, what's going on in that beautiful head of yours. Napabuntong hininga na lang ako.

Nasa tapat na kami ng building ng office nila Aeyrah. Baba pa sana ako para ipagbukas sya ng pinto pero pingil nya ako.

"Wag na, I can manage." Binuksan nito ang pinto ng kotse at umalis na lang bigla.

Wala na akong magawa kundi dumerecho na sa St. Benilde.

Aeyrah's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon