Author's Note:
Hoping for votes and comments... happy reading guys....
Tatlong buwan ng di nagpaparamdam si Troy at di naman na din ako umaasa na magpaparamdam pa sya. Siguro natanggap na din nya na hanggang doon na lang kami. Ganun talaga, pasencya sya duwag ako lalo na sa larangan ng pag-ibig. Di ko nga alam kung mahal ko na nga sya, masaya akong kasama sya. Kinikilig ako sa simpleng ngiti nya. I let him kiss me and I returned his kisses. Love na ba yun? Di naman siguro.
Pero ipokreta ako kung sasabihin kong di ko sya namimiss. Pag tumutunog nga ang cellphone ko sya palaging naiisip ko. Pag tinignan ko na the feeling of disappointment really hurts. Oh well! I'll be over him in time.
"Aeyrah!" Knock! Knock! Knock! " Binuksan na ni Mamang ang pinto ng kwarto. "Meron kang bisita." Nakangiting bungad nito.
"Talaga po?" Excited na tumayo ako sa kama at nauna pa akong lumabas kay mamang, siguro di na ako natiis ni Troy.
Dumerecho ako sa sala. At nawala ang lahat ng excitement ko ng makita ko si William ang forever bestfriend ko pero don't get me wrong masaya din naman ako na andito na si William mas masaya nga lang kung si Troy ang nasa harap ko.
Napatayo ito at masayang niyakap ako. "Aeyrah, I missed you." Ang higpit ng yakap nito.
"Namiss din kita William." I pat his back.
Nakangiti itong humiwalay sa pagkakayakap sa akin at kinuha ang mga paperbag na dala nya at iniabot skin.
"For you."
Nahihiyang inabot ko naman ang paperbag. "Ano ang mga ito? Salamat."
"Buksan mo, pasalubong ko sau." Excited pa sa akin.
"Upo ka muna, mamaya ko na ito bubuksan ha. You want juice, coffee or tea."
Naupo na din ako sa harap nya.
"Okey lang. Mamaya na yang inumin. Bakit ang layo layo mo, namiss kita ng sobra. Dito ka sa tabi ko."
Lumipat ako ng kinauupuan at tumabi sa kanya.
"Nag-yaya sila Aya and Julius. Yung dating kasama natin na palaging aso't pusa sila din pala ang nagkatuluyan. Nagkita kasi kami ni Julius sa singapore last month. Nagkakwentuhan at nagkayayaan pag-uwi ko nga daw magbonding naman tayo. Since pareho daw tayong single baka sa bandang huli daw eh tayo pala." Sabay papungay ng mata.
Siguro kong college days ganito si William malamang kami nga ang nagkatuluyan pero hindi kasi pinili ko ang friendship over an affair na walang kasiguraduhan.
"Saan naman?"
"Sunduin na lang kita, wala pa kasing final na usapan eh. Saan ka ba nagwowork ngayon?"
"Sa dati pa din." Kinakapa ko sa sarili ko kung meron pa bang unting kilig or something sa sarili ko para kay William pero wala na talaga plain and simple friendship.
"Ano bang bago sayo. It's been four years since the last time I saw you personally. Skype at FB na lang tayo since then. Eh hindi ka naman makwento."
Nagkwentuhan kami to catch things up, gabi na nakauwi si William.
Buzzzzzzzz
Excited! Tumunog lang ang cp. Agad kong inabot ang cp para tingnan ang screen.
William: Parang may nagbago sayo di ko lang mapinpoint pero, I can feel meron. :-(
Eh bakit may sad face. Itong si William nag eemote na naman.
Ako: itulog mo na yan baka pagod lang yan. :-*
BINABASA MO ANG
Aeyrah's Love
RomansaA love story of trust... Fullfilling a promise even if it takes a lifetime to achieve... Si Aeyrah Bernardo 31 yrs. old no boyfriend since birth. Happy sya being single pero ng makasama nya si Troy Anton Santillan anak ng bestfriend ng mamang nya hi...