Busy sya all day, with interviews here and there kung tutuusin guide lang naman sya sa mga associates nya pero still she's there. Naghihintay na lang sya for them to pass their press releases for tomorrow.
Need lang nyang mareview bago isend sa mga broadsheets at sa mga tabloids and she's free to go.
Pero wala pang text o tawag man lang si Troy. Ni hindi na yata nya ako naalala siguro after what I acted, he surrendered. Ano pa nga ba ang dapat kong I-expect sa batang un.
He may be young by his age pero his body doesn't seem like young. He has the body of a full grown man. A very beautiful man.
Napabuntong hininga na lang ako. Malilimutan ko din sya and I have to move on. Makikipag-usap pa naman sana ako to compromise pero wala ng chance.
Napatitig ako sa cellphone na nasa harapan ko, pinaglaruan ko un. Naalala ko pa nung 7th birthday ni Troy. He was so cute back then.
"Tara na sa loob Aeyrah, your tita Debbie and tito Alfred is waiting for us." Hatak hatak ako ni Mamang habang si Dade ay nakatingin lang. Pinipilit kasi ako ni Mamang, 15 yrs old na ako tapos pinapasama pa ako sa children's party.
"Mamang, pwede po ba dito na lang ako sa garden." Pakiusap ko.
"Nasa sala ang party anak. Batiin mo man lang si Butchoy."
Wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Habang lahat ay kumakanta ng birthday song sa batang napaka-cute na nasa harap ng cake.
Napahigpit ang hawak ko sa regalong si mamang ang may bili pero pangalan ko ang nakasulat sa card. Sila mamang and dade ay meron ding dalang regalo.
Tinitigan ko ang batang nasa gitna napakacute niya, butchoy ang palayaw nya dahil butsog ang pisngi nya at sabi ni Mamang ay napaka-takaw at napakalikot.
Nilapitan ko ang batang lalaki na naka-polong checkered blue, red and white at maong jeans and blue rubbers shoes.
Iniabot ko ang gift "Happy Birthday Butchoy." Nahihiyang lumayo agad ako, teen-ager sa harap ng mga bata. Nakakatawang sitwasyon.
Sa garden ako nagtuloy.
Inip na inip ako. Feeling ko dapat nagbasa na lang ako or natulog, mas maganda pa. Haist, buntong hininga ko pa.
"Hi Aeyrah! I want to thank you for your gift, bakit ka umalis agad?" Ang cute talaga nya lalo na kapag nakangiti. Pero tinignan ko lang sya, sabay tayo.
"Saan ka pupunta? Di ka ba kakain?" Masarap ang dala ni Mamang na spaghetti at masarap ang cake. Ayaw mo ba?"
Habol nito skin. "Ang kulit mo." Tuloy pa din ang paglayo ko dito.
"Makulit pero cute naman. Ikaw din cute." Napaka-friendly ng ngiti nito abot hanggang mata.
Nakakatawa ang batang ito. Napilit ako ni Butchoy na kumain at nag enjoy ako sa pakikipag-kaibigan nya.
Pero pagkatapos naming kumain nakipaglaro na sya sa mga ka-edad nya. Ni hindi na ako nakapagpaalam pa sa kanya.
Napatingin ako sa nagvivibrate kong cellphone, naka 3 missed calls na pala si Troy. Nabuhayan agad ako ng dugo at excited na sinagot ito.
"Did you miss me babe?" Bungad agad nito. Mas excited pa ata skin.
"Miss miss ka dyan?!"
"Andito na ako sa baba, di ka pa ba tapos?"
"Ha?! Bakit ang aga mo?"
"Kanina pa tapos ang klase ko, naglaro lang ako ng basketball kaya natagalan ako."
BINABASA MO ANG
Aeyrah's Love
RomansaA love story of trust... Fullfilling a promise even if it takes a lifetime to achieve... Si Aeyrah Bernardo 31 yrs. old no boyfriend since birth. Happy sya being single pero ng makasama nya si Troy Anton Santillan anak ng bestfriend ng mamang nya hi...