Neneng Bitter
Hindi pa man din ako tuluyang nakakaalis sa park ay isang lalaki na ang humarang sa akin. May dala-dala siyang isang stem ng blue rose and he looked hopeful as he looked at me. Harujusko! Alam na alam ko ang itsurang yan! Itsura yan ng taong lovesick! Yun bang namumungay ang mga mata, humahangos dahil sa kakatakbo at tagaktak ang pawis dahil sa nerbyos at pagod.
Harujusko! Alam ko na kung anong kailangan ng lalaking ito!
"Miss... pwedeng humingi ng favor? Pwede..."
Itinaas ko ang aking kanang kamay para patigilin siya at ako na ang nagpatuloy ng sasabihin niya.
"Alam ko na yan Kuya! Sasabihin mo..., Miss pwede bang pakibigay mo itong blue rose dun sa babaeng naka blue, red, yellow, green, black, white, rainbow na t-shirt? Seriously kuya, sa dami ng babae dito na nakasuot ng blue, red, pink white, at lahat na ng color sa color wheel, tingin mo makikita ko yung jowa mo na sinasabi mo? Saka diba sasabihin mo rin, Miss wag mong sabihin na sa'kin galing 'to ha kasi nga surprise ko 'to sa kanya. Tsaka pakisabi na rin I Love You. "
"Teka lang Miss..." He tried to stop me pero hindi ako nagpaawat.
"Bakit naman kita susundin ha, KUYA?! May makukuha ba ako kung sakaling ibinigay ko nga itong bulaklak sa jowa mo? Babayaram mo ba ako? Hindi naman diba? Tingin mo ba kikiligin ako sa kakornihan mong 'to? Nasa itsura ko ba ang kilig ngayon ha, kuya? Titigan mo akong mabuti kuya. Kinikilig ba ako? Hindi diba? Nauumay ako. Naiinis ako. Hindi ako natutuwa kuya, sinasabi ko sa'yo."
"Miss...awat muna... m-maawa ka..."
"Teka lang kuya.. hindi pa ako tapos eh. Bakit ba ang hilig niyong mga lalaki sa ganito? May pasurprise-surprise pang nalalaman. May paeffort-effort pa eh manloloko rin naman sa huli."
Nagpatuloy lang ako sa pagdada sa harapan ng tila natatae nang lalaki. Nakatingin siya sa may likod ko at kabadong kabado ang mukha niya.
Psh. Kasalanan nkya to.
"Uutusan mo akong gawin 'tong kakornihan mo tapos pagdating ng panahon lolokohin mo lang din yung girlfriend mo! Eh ano pang silbi nung pagtulong ko sa'yo ha?!"
Nakapamewang na talaga ako at pinagtitinginan na kami ng mga tao. Pero paki ko ba? Pinainit nitong lalaking ito ang dugo ko kaya magdusa siya!
"Ngayon ang sweet-sweet mo. Dinamay po pa ako sa ka-sweetan mo 'kuno'. Tapos bukas makalawa gagawin mo ang krimen na walang katumbas na kaparusahan sa batas ng republika ng Pilipinas. MAMBABABAE ka! Iiyak ang girlfriend mo! Madudurog ang puso niya, at masisira ang buhay niya nang dahil sa'yo! Ngayon kuya, sabihin mo sa'kin. Dapat ba kitang tulungan gayong alam ko rin naman na LOLOKOHIN mo lang din ang girlfriend mo dahil nga ang mga lalaking katulad mo ay salawahan at manloloko??!!!"
*SLAP!*
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang malakas na sampal na iyon. Napahawak ako sa pisngi ko pero wala naman akong naramdamang masakit.
"I HATE YOU!" Doon lang ako nagising nang sumigaw ang babaeng nasa harapan ko. Nakatalikod siya sa akin at nakaharap siya sa lalaking kaharap ko kanina. Oh no! Mukhang alam ko na kung sino yung nasampal nang malakas. Ang sakit nun!
Humarap sa akin yung babae at nginitian niya ako. Isang ngiting pilit dahil may mga luha nang pumapatak sa pisngi niya.
"Miss salamat. Nagising ako nang dahil sa'yo."
Tinapik ako nung babae sa balikat at umalis na siya. Nakatingin ako sa kanya habang papaalis na siya. Share ko lang ho, naka rainbow na dress siya.
Napatingin ako ulit dun sa lalaking nanlalaki ang mga mata habang nakahawak sa kaliwang pisnge niya.
Oh no. Anong nagawa ko?
Halos mapatili ako nung inilang hakbang nung lalaki ang distansiya sa pagitan namin at hinawakan niya ako nang mahigpit sa kanang braso. Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Diyosko, papatayin niya ba ako?! Wag naman sana! Hindi pa ako ready! Harujusko!
"Miss..." Mabigat ang boses niya at dinig ko ang galit doon.
"...hindi ko alam kung ano'ng problema mo sa mga lalaki. Pero sinasabi ko sa'yo Miss, kung BITTER ka, wag ka namang mandamay ng iba." Matigas na sabi niya bago niya ako itinulak palayo at tumakbo na siya papunta doon sa pinuntahan nung babae kanina.
Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko siya habang papalayo. Bitbit niya ang maraming stem ng blue roses at halos madapa na siya sa bilis ng takbo niya.
"Jen, wait! It's not what you're thinking okey?" Narinig kong malakas na sigaw niya. Nagsusumamo ang boses niya at ramdam ko ang takot doon.
Bago paman siya mawala sa paningin ko ay nakita ko pa ang nakasulat sa likod niya.
Wil you be my girlfriend?
Yan ang nakasulat in bold letters sa white shirt na suot niya.
Haaay. Bumagsak ang balikat ko sabay upo sa malapit na bench.
Sobra na ba talaga?
BINABASA MO ANG
Neneng Bitter (Short Story)
Short StoryPara sa mga taong BITTER. Pero malay mo sa huli, hindi na.