Bitter Talaga

227 31 43
                                    

Ineng Bitter

"Kuuuuyyyyyyaaaaaaaa!!!"

Halos maputol na ang ugat ko sa leeg dahil sa lakas ng sigaw ko. At sa awa naman ng Diyos ay hindi nabalewala ang effort ko para lang marinig ng dumuho kong kuya ang pagtawag ko sa kanya.

Narinig ko ang mabibigat niyang hakbang habang pumapanik siya papunta dito sa kwarto ko.

"Anong sinisigaw-sigaw mo diyan ha, Andy?"

*PAK!*

Hinampas ko sa mukha niya gamit  ang unan na hawak ko, right at the moment na tumapak siya sa kwarto ko.

"What the hell?!!" Naguguluhan niyang sabi at nakaspread pa ang mga braso niya sa magkabilang side.

"NASAN ANG GUCCI BAG KO?!!" Sigaw ko sa mukha niya mismo.

Marahas niyang pinahiran ang buong mukha niya dahil sa kasamaang palad ay tumalsik ang laway ko sa mukha niya. Buti nga! Psh.

"Will you stop screaming? Yan lang ba ang pinoproblema mo?!" Inis niya ring sabi. Psh. Akala mo walang kasalanan kung umasta! Alam kong siya yung kumuha ng bag ko! Naku naman!

"Give me back my bag." Sabi ko sabay lahad ng kamay ko sa harapan niya.

I looked at him intently at nang abutin nya ang batok niya para magkamot ay mas lalo akong nainis.

"Aahh. Wala na?" Sabi niya o tanong niya. Ano ba talaga?

"Kuya Andres, akin na ang Gucci bag ko." Tiim bagang na sabi ko. Konti nalang at makakalimutan ko nang kuya ko siya.

"Wala na nga! Binigay ko na kay Mechel."

At literal na napunta sa mukha ko lahat ng dugo ko sa katawan.

"ANO??!!!" I did not just scream it but I roared it. What the hell?!

"Teka, teka. Kalma! Alam mo naman yung girlfriend ko diba. Nakita niya yung bag mo kahapon, nagustuhan niya kaya binigay ko." Paliwanang niya habang nagkakamot parin.

Napatampal ako sa noo ko dahil sa sinabi niya. Diyosko naman! Kahapon lang ay nasira ang araw ko dahil sa inis ko kay Clara, ngayon naman ay dahil inis ko sa kuya kong patay na patay sa gelpren niya?! Harujusko!

"Kuya! Bakit mo binigay?! Alam mo ba kung magkano yun? Naku naman kuya oh! Gusto niya yung bag? Eh bakit di siya bumili ng kanya?! Diba nga ginto kinakain nun sa mansyon nila? " Sabi ko sabay salampak ng upo sa kama ko.

"Wag kang OA Andy ha. Alam kong piso lang yun para sa'yo. Bumili ka nalang ng bago mamaya. Gustung-gusto niya kasi yun at sabi niya wala na rawng ganun sa mundo. I knew she badly wanted it kaya binigay ko nalang. Ang saya nga niya nung binigay ko sa kanya yung bag. At wala ring pagsidlan ang saya ko dahil napasaya ko siya. Marami ka pa namang bag diyan. Yan nalang ang gamitin mo." He gave me a wicked smile at umalis na ng kwarto ko.

"I HATE YOU KUYA!!!" Sigaw ko at alam kong rinig na rinig niya yun.

"I LOVE YOU TOO ANDY!!" Sigaw niya sa akin pabalik.

Napahiga ako sa kama dahil sa kunsomisyon.

Narinig niyo yun?

Ang Gucci bag ko! Binigay niya sa girlfriend niya para lang mapasaya ito! Ay kagaling nga naman! Pa'no naman ako? Ako yung may-ari eh!

Hayst!

Nung una yung Madonna pumps ko, pangalawa yung dress na mula pa sa ibang bansa tas ngayon, bag ko naman? Anong susunod? Panty ko? Ano bang tingin ng girlfriend niya sa kwarto ko, mall? Pwede siyang magshopping anytime niya gusto?! Harujusko nga naman o-oh!

Neneng Bitter (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon