Neneng Bitter
"Lo! Lika na! Mababasa tayo!" Mabilis akong tumayo at hinila ko na rin patayo si Lolo. Ang lakas ng ulan grabeh!
Tiningala ko ang langit at laking gulat ko nang wala akong makitang kahit anong bahid ng makulimlim na ulap. Hala?! Bakit umuulan eh ang liwanag ng kalangitan?? Epekto ba ito ng global warming? Harujusko! Sinasabi ko na eh! Siguro hindi nakinig sakin yung kapitbahay namin nung sinabi ko sa kanya na itigil na ang pagpapausok tuwing hapon. Tsk. Tsk. Kasalanan to ni Lola Tekla eh. Gumagrabeh ang global warming ng dahil sa kanya.
Pero teka... mamaya na yang global warming.. ang importante sa ngayon ay ang makasilong kami nitong shoki'ng lolo sa tabi ko.
"Ineng, wag kang umalis... kailangan mong malaman ang ending ng aking estorya kaya umupo ka lang dyan." Ganun nalang ang pagtataka ko nang hilahin ako ulit ni Lolo paupo. Waaaah! Basang-basa na kami oh!
"Pero Lo! Mababasa tayo lalo ng ulan nyan!" Hesterikal na sabi ko. Si Lolo naman ay ngumiti lang sa akin. Harujusko! Ano'ng problema ng matandang ito?! Akala ko bakla lang, yun pala baliw na rin?
"Wag kang mag-alala Ineng. Maganda yung nagpapaulan tayo minsan. Narerefresh ang ating katawan at pati na damdamin at isipan."
Napabuntong hininga nalang ako at sumandal sa bench. Wala na. Basang-basa na ako. Ano pang magagawa ko? Buti nalang at puti ang suot kong bra. Hindi bumabakat sa suot kong blouse. Diyosku naman oh! Eh pa'no kung yung animal print na bra ang isinuot ko? Hay buti nalang talaga!
"Oh Ineng! Eto na yun. Dali.. tingnan mo!" Nagulat ako nang ituro ni lolo ang open ground na nasa harapan namin.
Nung una ay wala akong makita dahil sa lakas ng ulan pero paunti-unti ay naaninag ko kung anong nandoon.
Isang babae. Babaeng nakasalampak sa damuhan... at nagsisisigaw habang umiiyak.
A-Anong n-nangyayari diyan? Nabaliw na rin?
"ANG SAMA MO! YOU SAID YOU LOVE ME BUT THEN SINAKTAN MO PARIN AKO! BAKIT?---"
Yan yung sinisigaw nung babae sa gitna ng field sa ilalim ng ulan.
Napatakip ako ng bibig ko.
"Ganyan na ganyan yung nangyari diba Ineng?" Sabi ni Lolo. Napalingon ako sa kanya at hindi ko maintindihan ang ngiting naglalaro sa mga labi niya.
Tiningnan ko ulit yung babae at ngayon, hindi na siya nag-iisa. May lalaking biglang dumating. Niyakap siya nito mula sa likod pero itinulak nung babae yung lalaki.
"I HATE YOU!" Narinig kong sigaw nung babae.
Napanganga ako nang dahil sa nakita ko.
B-Bakit...pareho...B-Bakit nauulit yung nangyari noon? A-Anong ibig sabihin nito???
Nagtalo yung dalawa at bigla nalang nagtatatakbo palayo yung babae.
This time ay tumulo na ang luha ko.
Bumabalik sa'kin lahat ng nangyari sa amin ni Bryan noon. Yung araw na bumago sa takbo ng buhay ko. Yung araw kung kailan nadurog ang puso ko.
Ganun. Ganun na ganun ang ginawa ko nung araw na iyon. Tumakbo ako. Iniwan ko si Bryan doon at hindi ko siya pinakinggan.
"Hanggang doon lang ang naabutan mo sa storya diba Ineng? Ngayon, panoorin mo ang nangyari matapos mong talikuran si Bryan."
"AAAAANNNDDDYYYYY!"
Napaigtad ako nang sumigaw yung lalaki.
A-Andy???
"SORRY! I'M SO SORRY! I'M SO SORRY!" Patuloy na sigaw nung lalaki habang sinusuntok suntok yung damuhan. Basang-basa siya ng ulan at halos maglupasay na siya sa damuhan sa itsura niya ngayon.
BINABASA MO ANG
Neneng Bitter (Short Story)
Short StoryPara sa mga taong BITTER. Pero malay mo sa huli, hindi na.