Bitin daw eh.. kaya dinagdagan ko ng isa pang chapter. Mga rebelasyon lang naman 'to pero sana, mag-enjoy parin kayo. ;-)
And please.... tapusin mo ah. Kahit nakakabagot na, tapusin mo parin. Okey? Salamat. Hihi.
Neneng Bitter
Humiwalay ako sa yakap ni Bryan. Ngumiti siya sa akin at ngumiti rin ako sa kanya.
"So... okey na ba tayo? Napatawad mo na ba ako?" Tanong niya. Hawak niya parin yung gitara niya. Basang-basa siya at mukha siyang basang sisisw na iniwan ng inahing manok ngayon. Haha! Namiss ko 'tong sinungaling na'to. Ahy! Hehe. Sorry... okey na nga pala kami. Hihi.
Nagkunwari akong nag-iisip. Dinala ko ang kamay ko sa may baba ko at itinap ang kanang paa ko.
"Wait lang. Pag-iisipan ko muna."
Nanlaki naman ang mga mata niya dahil sa sinabi ko.
"Ano?! Akala ko ba okey na tayo?! Diba sinabi mo na'ng MAHAL MO AKO? Edi ibig sabihin, napatawad mo na ako. Andy naman.... Nag-effort na nga ako oh. Sige na patawarin mo na ako." Nagihirapang sabi niya. Natatawa na ako pero pinigilan ko lang. Hala! Eh ilang taon niya akong pinahirapan! Dapat lang na pahirapan ko rin siya ngayon noh! Haha!
"Asan ang effort dun?!" Nang-aasar pero seryoso ang mukhang tanong ko. Napanganga naman siya dahil sa sinabi ko.
Konti'ng push nalang at matatawa na talaga ako kaya nag-iwas na ako ng tingin. Napansin ko na huminto na pala ang ulan. Haaaay. Sa wakas natapos rin ang walang katapusang ulan. Harujusko, eh akala ko habang buhay nang uulan eh!
Nagpipigil ako ng tawa nang bigla kong mapansin ang isang matandang lalaki na naglalakad palapit sa amin.
Siya! Siya yung matandang kausap ko kanina sa bench! Yung BAKLANG CREEPY NA LOLO!
Nagtatakang tiningnan ko siya habang papalapit siya sa amin. Abot tenga ang ngiti niya at tinapik niya sa balikat si Bryan nang maabutan niya kami.
"Oh ano apo, napatawad ka na ba ni Andy?" Wagas ang ngiti tanong sabi.
Nanlaki ang mata ko. Ano daw tawag niya kay Bryan? Apo? Magkakilala sila? Harujusko, anong nangyayari?!
Napalingon si Bryan kay Lolo at sinalubong niya ito ng yakap.
"Lolo Jen! Salamat! Salamat po sa tulong niyo Lo." Pasigaw na sabi ni Bryan.
Lalo akong naguluhan sa mga nangyayari. Lolo Jen? Kilala ni Bryan yang matandang yan? At Lolo Jen? Bakit Jen ang pangalan ni Lolo? Ohmayghas! Sinasabi ko na nga ba eh. Shoki nga si Lolo!
"Teka, teka! Excuse me po ah. Mawalang galang lang po ah..." pumagitna ako sa kanila at tiningnan silang dalawa.
"...Magkakilala kayo?" Nagtatakang tanong ko. Ba't magkakilala sila?
"Aba'y oo naman Neneng. Si Bryan ay apo ko. Ang nag-iisang apo ko na lalaki." Todo ngiting sabi ni Lolo. Konting hila nalang sa labi niya pataas at makikita ko na ang gilagid niya. Mukhang walang pagsidlan ang saya niya.
Pero teka... kung apo niya si Bryan at magkakilala sila...
At yung kwento niya kanina... ibig sabihin, kami nga yung kinukwento niya kanina? Kami nga ni Bryan yun?
Ibig sabihin...
NASET-UP AKO? Sinet-up nila ako?
Unti-unti nang nagsalubong ang mga kilay ko at humarap ulit ako sa mag-lolo.
"Ibig sabihin, sinet-up niyo ako?" Kalmado pang sabi ko.
Tumango silang dalawa at mas nag-init ang ulo ko dahil dun.
BINABASA MO ANG
Neneng Bitter (Short Story)
Krótkie OpowiadaniaPara sa mga taong BITTER. Pero malay mo sa huli, hindi na.