Better Ending

218 24 42
                                    

Neneng Bitter

Nakayuko akong nglakad palayo sa kanya. Gusto kong tumakbo pero parang hindi na kaya ng mga paa ko. Baka madapa lang ako kapag pinilit ko pang tumakbo.

Tatakbo ka nalang ba ulit? Tatalikuran mo na naman ba ako?

Napapikit ako sa aking naisip. Parang gusto kong huminto at harapin siya ulit. Parang gusto kong yakapin siya nang mahigpit at sabihin sa kanyang okey na, napatawad ko na siya.

Napatigil ako sa paglalakad.

Isang pihit lang patalikod at makakatakbo na ako pabalik sa kanya. Isang pihit lang talaga.

Pero hindi. Hindi pumihit ang paa ko pabalik. Lumakad ito paharap. Palayo sa kanya. Papalayo sa kaisa-isang lalaking minahal ko sa tanang buhay ko.

0_0

Kaisa-isang lalaking minahal ko sa tanang buhay ko.

Kaisa-isang lalaking minahal ko sa tanang buhay ko.

Kaisa-isang lalaking minahal ko sa tanang buhay ko.

There! I said it! Inamin ko! Inamin kong siya lang ang kaisa-isang lalaking minahal ko! Inamin ko na nagmahal ako!

Nagmahal ako!

Napangiti ako at agad akong tumalikod para harapin ulit si Bryan. Tumila na ang ulan at mas naging maliwanag pa ang langit.

Ang galing ng mood swings ng langit. Parang ako lang. XD

Pero napawi ang ngiti ko nang hindi ko na makita si Bryan sa kinatatayuan niya kanina. Namuo ang kaba sa dibdib ko.

"Bryan? Bryan? Bryan!" Sigaw ko habang palinga-linga at tumatakbo pabalik sa kinatatayuan niya kanina. Asan na siya? Umalis na ba siya? Pero.. hindi pwede! Hindi pwede!

"Bryan!" Tumulo ulit ang mga luha ko at pumatak ulit ang ulan. Napatingala ako at napatingin sa maliwanag na kalangitan. Bakit sa tuwing umiiyak ako ay umiiyak din ang langit? Bakit?

"Bryan?!" Sigaw ko ulit. Napaupo ako sa damuhan at napayuko sa mga tuhod ko. Wala na. Huli na ako. Hindi ko na nasabi sa kanya. Mahal ko siya. Minahal ko siya noon. Mahal ko parin siya hanggang ngayon, at alam kong hanggang sa tumanda ako, siya at siya parin ang mamahalin ko.

Pero... wala na. Huli na. Hindi niya na malalaman ang nararamdaman ko. Umalis na siya. Iniwan niya na naman ako.

Napahagulhol ako at napasubsob sa mga tuhod ko!

Nakakainis! Naiinis ako sa sarili ko! Bakit hinayaan ko siyang mawala ulit sa'kin?! Bakit pinairal ko pa ang pride ko? Bakit pinairal ko ang kabitteran ko dahil sa inakala kong panloloko niya sa akin noon?

Bakit huli na nang marealize ko na hanggang ngayon, siya parin ang mahal ko? Na simula't-sapul, siya lang ang minahal ko.

Bakit ngayon ko lang narealize na kahit gaano pa kasakit yung ginawa niya sa'kin, hindi parin nawala yung pagmamahal ko para sa kanya na matagal nang nakalibing dito sa puso ko?

Naiyak pa ako lalo at tumataas-baba na ang mga braso ko.

Bryan..  bumalik ka please.... please.

~Nakilala kita sa di ko inaasahang pagkakataon.
Nakakabigla para bang sinadya at tinakda ng panahon.
Tila agad akong nahulog nang hindi napapansin.
Pero tadhana ko'y di tayo pagtatagpuin.~

Napatigil ako sa pag-iyak dahil sa boses na narinig ko. Napatingala ako at sa gulat ko ay napatakip ako ng bibig.

Si Bryan.. nakatayo siya di kalayuan sa akin. May dala siyang gitara at kumakanta siya sa ilalim ng ulan habang naglalakad palapit sa akin.

Neneng Bitter (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon