Bitter Story

416 25 22
                                    

Neneng Bitter

Naihilamos ko ang dalawang kamay ko sa aking mukha. Halos kalmutin ko na rin ang mukha ko dahil sa pagkainis.

Naiinis ako sa sarili ko. I feel like I am a bitch dahil sa ginawa ko dun sa babae at sa lalaki kanina.

Diyosku naman kasi! Ano bang nangyayari sa'kin?! Why am I like this?! Ano itooooo?!!! Paki-explaine puhleeeeaaaaassseeee!!!

Nilingon ko ulit yung lugar na tinakbo nung babae at lalaki kanina. Malayo na sila sa kinauupuan ko pero kita ko pa naman sila.

Sinusuntok-suntok nung babae yung lalaki. Yung lalaki naman ay pilit na niyayakap yung babae.

Umakyat sa ulo ko lahat ng dugo ko sa katawan.

Napaiwas ako ng tingin at napasabunot sa buhok ko.

"AAAARRRRGGGGHHHHHH!!!!!" Impit na sigaw ko. Bwiset! Bwiset! Bwiset! Bakit nakikita ko na mahal nila ang isa't-isa? Hindi dapat ganun eh. Hindi dapat. Kasi hindi totoo yang pagmamahal na yan! Hindi totoo! Kathang isip lang yan ng mga tao. Walang pagmamahal! Wala!  Dahil kung totoo nga ang pagmamahal, wala sanang nasasaktan, wala sanang bigo wala sanang umiiyak. Kung totoong kayang magmahal ng mga tao edi sana hindi tayo nakakasakit ng iba. Kasi para sa'kin, ang totong pagmamahal, hindi nakakasakit, hindi nakakaiyak at hindi nakakawasak ng pagkatao.

Harujusko! Naiintindihan niyo pa ba ang sinasabi ko? Kasi ako hindi na! Wala na akong maintindihan! Pakamatay nalang kaya ako? Diba? Mabuti pa nga nang matapos na'tong lahat!

Nagwawala ako sa upuan at nagpapapadyak. Bwiset!!!!! Bwiset!!!!! Bwiseeeeeeeeet!!!!!

"Huy Ineng!"

"Ahy! Matandang kabayo!"

Halos masuntok ko sa mukha ang matandang lalaking bigla nalang sumulpot sa harapan ko. Harujusko! Pwede namang hindi manggulat!

"Lolo, wag nga kayong nanggugulat!" Halos pasigaw kong sabi.

Napangiti at napa-iling ang matanda at pinausog niya ako para makaupo siya sa tabi ko.

Nakaupo lang ako dun at matalim ang tingin sa mga halaman sa tapat ng bench na inuupuan namin. Ang matanda naman ay tahimik lang.

Kung nakamamatay lang ang titig, nalanta at nalagas na siguro lahat nga tanim dito sa park.

"Ineng, may problema ka ba?" Bigla biglang tanong nung matanda. Nilingon ko siya at kita kong nakangiti siya habang nakatingin sa parehong halaman na tinitingnan ko kanina.

Hindi ko siya sinagot. Tsk. Malay ko ba kung ako ang kausap niya. Baka.yung mga halaman.

Tumango-tango yung matanda at nakangiting lumingon sa akin.

"Aaahhh. May problema ka nga talaga." Nakangiti niyang sabi.

"Ako po bang kausap niyo lolo?" Hindi ko napigilang itanong. Ako pala ang kausap niya? Hindi obvious ah.

Halos matawa ako nang umirap si lolo at pinandilatan pa ako.

"Alam mo, hindi ka lang pala bitter at indenial. Tanga ka rin pala." Walang kagatol-gatol niyang sabi.

Pakiramdam ko ay umakyat ulit lahat ng dugo ko sa ulo ko.

"Excuse me?" Taas kilay na tanong ko sa matandang nasa harapan ko. Harujusko! Kung hindi lang siya senior citizen.... naku!!!

"Ahy! Bingi rin pala."

0_0

"Lolo, sumosobra na kayo ha!" Halos mapatayo ako pagkasabi ko nun. Kung makapanlait 'tong lolo na 'to eh parang close na close na kami. Eh ngayon ko nga lang siya nakita.

Neneng Bitter (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon