Damn, giraffes.

15 0 0
                                    

"Rence. May nabalitaan ako sayo." Gandang pambungad ni Kenn sakin pagkapasok ko sa room.

"Ano na naman yan?" Inakbayan niya ako tas umiling-iling. Ano kayang problema nito?

"Ikaw ah. Di na pala kita kailangang turuan eh. May nakakita raw sainyo ni Coleen sa may lawn kanina. Naks, pare. Dumadamoves." Napakunot ako bigla. Ang bilis kumalat ng balita ah.

"Pare. Nag-usap lang kami." Sabi ko naman pero ayaw maniwala. "Ano kayang sasabihin ng kuya mo noh? Sigurado ako alam na niya."

Ano naman ngayon kung malaman ni Kuya? Ang tindi naman niya kung magagalit siya dahil lang dun. "Wala akong pakialam."

Tsaka, wala naman kaming ginawang kabalastugan ni Coleen para maging rumor-worthy. We just talked.

"Pero ano ngang nangyari? Sabihin mo na kasi." Ang sarap upakan netong mokong na toh. "Nag-usap nga lang kami. Ang kulit ng tae mo."

Napahurt expression naman daw si Kenn. "Pare, wala namang ganyanan. Wag mo namang idamay yung tae ko rito."

Napatawa ako ng sobrang lakas. Akala ko namang kung anong sasabihin niya. Grabe, ah? Di ko ba alam kung anong nakain ng best friend ko at naging ganito katopak.

"Uminom ka na nga ng gamot mo." Buti nga nakapagsalita pa ako ng maayos kahit na hirap na hirap akong pigilin tong tawa ko.

"But seriously, Terence. Wala talaga?" Pahingi nga ng bato! Ipupukpok ko lang sa ulo nitong kausap ko.

Umiling nalang ako. Ayoko nang magsalita. "Sayang naman yung tinuro ko sayo kanina! Di mo rin pala i-aapply. Sayang energy ko."

"Kenn. Ginawa ko naman. May nasense nga ako kay Coleen nun eh."

"Eh di nice. Wag mo na ikwento. Kuntento na akong malaman na ginanit mo ang mga turo ko." Nilagay niya yung isa niyang kamay sa balikat ko tapos yumuko sandali.

Medyo nagiging awkward na ako. Tapos unti-unti niyang tinaas yung ulo niya. Yung mga mata niya namumula.

"I'm proud of you, son." Bigla niyang sabi.

Nagulat nalang ako nang biglang may bumatok sakinya. Pagtingin ko kung sino, si Mar lang pala.

"Mamais ka masyado, Kenn. Nakakainis." Agad na sabi ni Mar.

Kinamot ni Kenn yung batok niya tapos biglang binatukan rin si Mar. The next thing I know, naghahabulan na silang dalawa sa corridor. Kung hindi ko lang alam na tomboy tong si Mar eh baka matagal na akong nagduda sa relasyong meron sila ni Kenn.
--
Pagkauwi ko, dumeretso ako sa kusina. Kumuha ako ng popcorn at coke. Dinala ko sa movie room tapos sinalpak ko na sa dvd player yung favorite kong movie, Back to the Future Trilogy.

Ilang beses ko nang napanuod tong trilogy na to pero hindi parin ako nagsasawa. It's way too good to be bored out with.

Nasa part na ako kung saan hinahabol na ng mga lebanon terrorists si Marty nang biglang may nag-voice out sa intercom. Pinause ko muna.

"Sir Terence. Nandito po sila Kenneth at Mar. Hinahanap po kayo." Sabi ni Diana, isa sa maids namin dito sa bahay.

"Sige. Pababain mo nalang sila dito sa movie room. Padala narin ng popcorn dito. Thank you." Response ko. Bakit kaya nandito yung dalawa? Hindi man lang nagsabi na pupunta pala sila eh di sana nagsabay nalang kami.

Tumayo muna ako para i-unlock yung pinto. Nilalock ko kasi yung pinto kapag andito ako. Ayoko kasing may gumagambala sakin kapag nanunuod ako.

Plinay ko na ulit yung movie tapos umupo na ako. May umupo na sa tabi ko. Dumating na sina Kenn at Mar, may daladalang popcorn. Cheese flavor pa. Naks.

Hindi ba pwedeng, ako naman?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon