Leshe! Binasa niyo yung diary ko? Oh bakit? Hindi ba pwedeng mag-diary ang lalaki? Bakit si Greg ng 'Diary of a Wimpy Kid'? Ayos lang toh! Don't judge!
So, alam niyo na? Oo. Ang tanga ko. Tanga tanga. Hanggang ngayon, I can still feel the pain in my chest. Damn. I should've seen that one coming.
Hindi naman kasi mahirap magustuhan si Kuya Sam. Di hamak na mas cool siya, mas malaki ang katawan, mas matapang, mas malakas kesa sakin. Ang lamang ko lang eh, mas gwapo ako tska mas matalino.
Those past weeks, naging super close talaga sina Sam at Coleen. Yung tipong pati weekends eh magkasama sila. Na-memorize ko nga schedule ng pagbisita nila sa isa't isa eh. Monday at Tuesday, si Coleen ang pumupunta sa bahay namin after classes. Wednesday, Thursday at Friday, si Kuya naman pumupunta sa bahay nila Coleen. Putsa, pati calendar napapa WTF pagkatapos ng Monday at Tuesday dahil sa setup nila. Langya.
Malay ko sa mga pwedeng gawin ng kuya ko kay Coleen kapag siya na ang nagpunta sa bahay nila. Hindi ko sila mabulabog, mabantayan at mamanmanan.
Kapag andito kasi si Coleen, inaagaw ko atensyon niya mula kay Kuya. I took advantage of us being classmates. Sinasamantala ko na yung mga oras na nandun siya sa amin para gawin ang mga assignments at activities namin. Sa paraan na yun, sakin nababaling yung oras niya. Yun lang kaya kong gawin.
Sa school naman, ginawa na naming official member si Coleen ng barkada. Kasama ko siya buong klase, partner ko siya sa lahat ng activities, seatmate ko pa siya. Lunch buddies na rin namin siya, pero sabi niya nakalaan ang vacant namin sa Kuya ko na nasa basketball practice sa mga oras na ganun.
"Rence?" Nawala ako sa track of thoughts ko nung tinawag ako ni Coleen. Kanina pa pala niya ako kinakausap. Nakatitig lang ako sakaniya. "Ahy, sorry. Ano yun?"
Ngumiti lang siya sakin tapos umiling. Hindi ko na kinakaya yung mga ngiti niya. Ewan ko ba, parang lethal injection yung mga ngiti niya. Masakit. Para akong unti-unting pinapatay kasi sa tuwing ngingiti siya, naalala ko yung sinabi niya nung birthday ko.
'Si Sam. May gusto ako kay Sam.'"Labas lang ako." Tumayo ako at sinenyasan si Kenn palabas.
"What's up, Mr. Torpe?" Napa-grinned ako sa ngipin ko. Kelangan bang ulit-ulitin yun? Oo na. Torpe na kung torpe. Asar.
"I don't know what to do anymore. Wala na akong pagasa, dude." Sabi ko sakaniya. Parang nung first day palang ni Coleen, nangako na ako sa sarili ko na hindi ako magpapatalo sa Kuya ko pagdating sakaniya, na gagawin ko lahat para ako ang magustuhan niya, pero ngayon, lahat nang yun, kakainin ko na ata. Gusto ko nang sumuko. Kakapit nalang ako sa saying na 'If you love someone, you'll do everything just to make that person happy, even letting that person go to be with someone else'
Langya, napapraning na ata ako. Kung ano-ano naiisip ko. Pero, seryoso, gusto ko nang tumigil. Nasaktan na ako, tama na yung minsan.
"Gusto mo tulungan kitang dumiskarte? Itututor kita. 'Courting For Torpes' " Biglang natabig yung iniisip ko sa gilid nang utak ko tapos nahulog sa isang box at nalaglag sa bangin na zero visibility ang lagay.
"Seryoso ka? Walang halong biro? Eh baka naman puro katarantaduhan ang ituro mo sakin!" He laughed at my retort and patted me at the back. "Bro, see this face? Anong tingin mo sakin? Walang alam sa chicks? Trust me, I know my ways to a lady's heart."
Come to think of it, kahit na 4 palang ang naging girlfriend ni Kenn, lahat yun tumagal. Lalo na yung last niya, si Nina Reyes. Healthy relationship nga yung meron sila noon. Halos 2 years sila nun kaso, nag-migrate si Nina sa Australia kaya kelangan nilang maghiwalay.
"Sige na nga. But if you make me do something mischievous, I'll beat the crap outta you." He leaned on the wall and shoved his hands inside his pockets. "When did I ever stirred you wrong?" His lips formed a grin and I just nodded in agreement. Kahit na may pagkaGago tong kaibigan ko na to, maasahan parin siya.
BINABASA MO ANG
Hindi ba pwedeng, ako naman?
Fiksi RemajaAraw-araw, nagpapanggap ako. Minu-minuto, nagtitimpi ako. Segu-segundo, nasasaktan ako. Bakit lahat nalang, sa Kuya ko napupunta? Lahat ng gusto ko, ang bagsak, sa kaniya? Kelan naman ako sasaya? Kelan naman ako ang babagsakan? Kelan, ako?