Si Kuya na naman.

22 0 0
                                    

Rence's POV
So Ayun nga. Dumating na sa buhay ko si Mara Coleen Hernandez. Pinagtagpo kami ng tinatawag nating DESTINY. Yun oh!
Ginawa ko lahat para makasama ko siya lagi. Para ako lagi yung nakakasalamuha niya. I managed to change almost everything in my class scenario in one and a half hours. Sinimulan ko sa pagooffer ng seat beside me. Sa totoo lang, I lied about it being vacant. Sinabi ko lang yun para dun talaga umupo si Coleen. Yung totoo kong seat mate pinilipat ko sa likod Kung saan may vacant seat. I know, it's a bad thing to do but can you blame me? After nun, naisipan kong ipakilala si Coleen sa dalawang babaeng naging kaClose namin ni Kenn sa classroom na to, si Gemini Mar Alonzo, me pagka-emo. Mahilig sa black at laging naka-eyeliner. Maganda naman siya and we have a lot in common, and we're both in to girls. Oo, she's an honest-to-god lesbian. Tanggap naman ng parents niya which is rad and Frances Jean Solomon, isang girly chick. Mahilig sa pink pero may pagkaBoyish din kahit papano. Matalino yan. Pumapangalawa sa rankings, over-all and FYI lang, ako yung nangunguna. I'm a geeky heart-rob, eh! Naisipan ko yun para makagalaw ako.
I went out of the classroom and searched for all my teachers. Lahat sila pinakiusapan ko na gawin kong partner si Coleen sa lahat ng activities especially sa laboratory. They can't say no kasi pwede ko sila sabihin Kay Dad na isa sa major stockholders ng school. Talk about blackmailing.

Bumalik ako sa school with a grin on my face. Nakita ko sina Mar, Jean at Coleen getting along but it seems like Coleen's not smiling like usual.

"Hey, ladies." Singit ko. Tumingin sakin si Mar, " 'Lady' your face, butthead." Feisty, are we? My grin faded when I saw Coleen's eyes reddish and puffy. Para bang kagagaling lang niya sa pag-iyak. "What happened?" Tanong ko Kay Mar, then lumapit si Kenn sakin. "Dude, pigilan mo'ko! Ay Sus! Onti nalang, papatayin ko na yang Wynona Rio na yan!" Anong problema Neto?
"Pare, ganto kasi. Nung umalis ka, biglang lumapit samin si Wynona kasama mga puppets niya tas bigla nang inaway si Coleen." Naginit ako sa sinabi ni Jean. What's the problem of that bitch? "I just cut in between their tension, pero ang ginawa sakin, sinampal tas pinagtripan na ako ng mga puppets niyang Mukhang syokoy!" Banat ni Kenn. Letse, nawala lang ako saglit may nagpaiyak na agad sa babaeng gusto ko?

"Sorry, guys. Nadamay kayo sa gulo namin ni Wynona. Sorry talaga." Why do I get the feeling that they go way back? Wyn and Coleen. "Matagal na ba kayong magkakilala?" Syempre, tinanong ko na siya. She just nodded. Never saw that coming. "Anak siya ng kaibigan ni Mommy. We were close back when we were kids but something bad happened and turned that all around." Napakunot ako ng noo kasi, Kung dati pa silang magkakilala, sana kilala ko na din si Coleen noon pa. I've known Wynona since we were kids kaya nga patay na patay ako sakaniya dati.
Napaubo ako bigla. "Anong sinabi niya sayo kanina?" Tumingin lang siya sakin as if asking me not to insist knowing. Tumingin nalang ako sa bintana and saw again that newspaper. Napangiti ako. "Okay. Kalimutan nalang natin yung nangyari. Let's make your first day worth remembering." And there I saw it again. Her smile that melts my heart. I feel so connected with her na para bang ang tagal ko na siyang kilala. Ang gaan ng pakiramdam ko pag kausap at kasama ko siya kaya ganito na lang akong mag-react at mag-alala sakaniya.
---------------------------------------------------
For the first time, Hindi ako na bored sa klase. Ang saya niyang seat mate, grabe. Lalo kong naiintindihan yung mga tinuturo kasi bawat lesson, may added information from her na sinasabi niya sakin kaya naaalala ko talaga. She's turning my world around without her knowing it.

Lunch break na. Syempre niyaya ko siya na samin na sumama and she gladly gave in. Naupo kami sa usual spot namin sa ilalim ng isang malaking puno sa Gitna ng school lawn. "Hand sign beat guys!" Sigaw ni Jean. Yung Hand sign beat, traditional routine na naming magbabarkada yun. Parang Maiba-taya pero yung samin nakafist muna tas pag nag-go magfoform kmi ng iba't ibang hand signs Gaya ng peace sign or rock and roll sign tapos Kung Sinong walang kapareho, siya ang bibili ng lunch ng buong barkada. "Ahm, ano yun? Sali ako?" Tanong ni Coleen. Tinuro sakaniya ni Jean at na gets niya agad. Eh di naglaro na kami at ako yung naOut. I let out a loud grunt and stood up. "So ano gusto niyo?"
Sinabi nila mga gusto nila except Coleen. "Uhm, Hindi ko kasi alam menu ng cafeteria niyo. Sama nalang ako sayo." My heart pounded so hard pakiramdam ko lalabas na. The Mask style, ba. Ngumiti lang ako tas nag gesture na Tara na.
"Bakit Hindi kayo sa cafeteria kumakain?" Tanong ni Coleen.

"Hindi kasi kami comfortable sa lugar na yon. Madaming tsismoso's tsismosa, plastic at tripper. Besides, we have our own world." Sagot ko. She just nodded as if alam niya yung pakiramdam.

"So, what's school like in Canada?" She sighed and looked away. "Parang sa Pinas lang din but worse. Maraming plastic, nagkalat ang mga queen bees at jerks. Yung mga teachers, magaling magturo pero minsan parang wala silang pakialam sa nangyayari sa students nila. I'm used to being left alone in school. I don't like mingling with them. Isa lang naging Kaibigan ko sa school pero iniwan niya din ako. Filipino siya. Popular daw ako pero di ko Ramdam yun and I don't care naman. People know me but I don't know them. Well, yun yung observation ko sa school na pinasukan ko doon. I'm not saying na lahat ng school dun, Ganun." Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Introvert siya? Sa ganda niyang yan, di siya pinapansin?

"Who was your only friend?" Out of curiosity lang naman kaya tinanong ko. She smiled at the thought. "Sam. Samuel Yuan Ignacio." I shivered. Kilala niya si Kuya? Oo, alam ko nag-aral si Kuya sa Canada for a year as a punishment pero sa totoo lang, Hindi ko makita Kung saang angulo naging punishment yun. He gets his allowance weekly, Dad pays for his penthouse, and he's in Canada for Pete's sake. But never did it cross my mind na pareho sila ng school ni Coleen. Life bit me on the bottom.

"Kuya ko yun, ah." Sabi ko sakniya and she beamed. At first na tuwa ako to see her smile pero I felt a sting right there. Right there in my heart. "How is he?"

"He's doing fine." Bigla tuloy nanuyo yung labi ko. Ayoko na magsalita. She just nodded and our aura became blue. Nakarating na kami sa cafeteria and ordered up. No talking. Habang hinihintay namin yung pagkain, "Leean!" I heard my brother shouted. Leean? Sino si Leean? Nakita ko si Coleen, lumingon and ran towards him. Ouch. "Yueen!" Tae, may endearment sila? Kung nakikita niyo lang siguro ako, kahit si Leonardo da Vinci Hindi kayang ipinta tong mukha ko sa sobrang lukot.

"Bro!" Bigla akong Tinawag ni Kuya. I balled my hands to a fist tapos lumingon na ako. "What?" Naiinis na ako. "Nakilala mo na si Leean?" I nodded and forced a grin. She looks happier than before. Iba yung ngiti niya. Ouch na naman.

"He showed me around. Pareho kayo ng kapatid mo, Yueen." She chuckled. I laughed faintly. Bakit naman ganito yung turning point ng almost great day ko? So unfair.

"Mabait talaga yang si Rence. God, look at you! You look gorgeous! Dito ka na din ba?" Halatang Masaya silang dalawa. "Yup! Di ka na makakalayo sakin." She joked. Wow, that's a first. "I missed you so much." Nagyakapan sila ni kuya. Close nga talaga sila. Array ko na talaga.

"Well, I'm off. Dadalhin ko pa tong pagkain kina Kenn. Oh, eto yung sayo." Inabot ko nalang sakniya yung pagkain niya. Umaasa ako na sabihin niya na 'Teka lang, sama padin ako sayo. Ikaw gusto ko makasama, Rence.' Pero Hindi. "Thank you." Ang layo ng sinabi niya sa gusto kong marinig. Ano nga bang inaasahan ko? Hindi nman kami close Katulad ng pagiging close ng kuya ko sakaniya. Paalis na ako ng cafeteria nang bigla akong pigilan ni Coleen.

"Teka lang, Rence." To my surprise, bigla niya akong niyakap which really melted my heart. Kahit ganito, my feelings seem to remain. Gusto ko padin siya and my brother's not a threat. I hope. Hindi, Alisin mo yung statement na yon. He is a threat kaya Gagawin ko lahat mapalapit lang Kay Coleen. I swear to God I'd do everything.

After niya akong yakapin, Sumama na si Coleen Kay kuya para Kumain and shet silang dalawa lang. Pero Hindi ako magiging paranoid. Wala pang dapat ikabahala. Pero, ano na naman ba to? Sino na namang binagsakan ng pabor mula sa itaas? Naks! Sino pa nga ba? Si Kuya na naman.

Hindi ba pwedeng, ako naman?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon