Sakit. Sana hindi ko nalang tinanong.

41 0 0
                                    

Ang bilis ng panahon. October na. 2 months ko nang kaklase si Coleen.

Sa dalawang buwan din na yun, ang daming nagyari. Lalong umigting yung inis ko sa Kuya ko. Lahat na, napunta sa kaniya. Kwarto ko nalang ata ang matatawag kong akin (tska kung anong mga gamit ang nasa loob). Yung pakiramdam na pati nung mismong birthday mo, sa Kuya mo nakabaling yung atensyon ng mga tao sa paligid mo. Sila Mom, binigyan lang ako ng pera para daw maggala. Di daw nila ako masasamahan sa birthday ko kasi may lakad sila nila Kuya. Sa totoo lang, hindi ko na alam kung anak pa ba ang lagay ko sa pamilyang to.

Medyo sumaya lang nung pumunta sa bahay sina Kenn, Mar, Jean at Coleen. Nagdala sila ng take-outs from Pizza Hut at Wendy's. Hindi ko ginalaw yung perang binigay nila Mom sakin. Masyadong humaharang ang pride ko. Masama loob ko sakanila kaya di ko gagamitin ang binigay nila. Ngayon lang.

Ang pride ko kasi, 15 na bareta. Bawat magbirthday ako, bumibili ng kusa yung kaluluwa ko sa tindahan ng pride, bareta ang type. Ayaw ng powder. Kahit na naramdaman ko lang tong favoritism kuno sa bahay nung 6 years old ako, dinagdag ko na din yung naunang years ko before that age sa sama ng loob ko.

Saan na ba? Ayun nga, nagpunta sila sa bahay. Nag-movie marathon kami. Nakailang DVD kami nun? Mga 8 ata. Sumakit nga ulo ko pagkatapos eh. Pagkatapos, nag 'spin the bottle' kami. Syempre, para may thrill, kakaiba yung dares. Example, si Kenn unang naturo, nagDare siya. Hah, wrong move. Sabi ko sa utak ko.

Sabi ko, pumunta siya sa kusina at iblend lahat ng makita niyang color green sa refrigerator tsaka inumin yung binlend niya. Sa yabang ng mokong na yun, inaccept niya.

Leshe, 30 minutes ata siyang nagkulong sa banyo.

Dami kong tawa nun. Tapos naturo na kay Coleen yung bote. Nagbuntong hininga muna siya bago niya sinabing 'truth'. Napangisi ako. Tumingin sakin si Mar, para bang sinasabi ng mga mata niya na itanong ko na.

Ang tanga ko. Tinanong ko nga. Tinanong ko kung sino nang nagugustuhan niya sa NU.

Nung tinanong ko yung tanong ko kay Coleen. Nakita ko si Mar na biglang napapalo sa noo niya at umiling. Bakit? Anong ginawa ko? Mali ba?

Sa tingin ko mali nga. Ang sakit. Sana hindi ko nalang tinanong. Hindi ko kinaya yung sagot niya. Nung nakita ko yung ngiti niya, kinabahan na ako. Para bang alam ko na yung lalabas sa bibig niya, at tama ako. Pangalan ng Kuya ko ang sinabi niya.

Pagkatapos niyang sumagot, parang may bumara sa lalamunan ko at napaubo ako ng non-stop. Inexcuse ko yung sarili ko. Lumabas ako at nagpunta sa garden. Kailangan ko ng hangin. Hangin na sariwa. Kailangan singhutin ko na tong hangin na to habang wala yung virus. Habang hindi pa contaminated ang hangin.

Nagulat ako, bigla kasing sumulpot si Mar. Binatukan pa ako. Tapos bigla siyang nagsalita. Yung mga sinabi niya, talagang hindi ko makakalimutan.

"Pare, ang tanga mong torpe. Alam mo yun? Hindi naman yun yung gusto kong itanong mo sakaniya. Sana tinanong mo kung anong tingin niya sayo. Anong lagay mo sakaniya. Kasi kung malalaman mo yung sagot sa tanong na yun. Alam mo kung paano ka gagalaw. Alam mo yung mga hakbang na gagawin mo. Hindi yung, gabi-gabi tatawag ka sa amin para maglabas ng sama ng loob dahil sa closeness ni Sam at Coleen. Ang tanga mo. Sobra. Saludo ako sa pagkasaltik ng utak mo. Oh ano ka ngayon? Di ba masakit manggaling mismo sakaniya na gusto niya ang kuya mo? Alam mo naman na kasi yung sagot dun eh tinanong mo pa. Ano yun? Pandagdag crack sa puso mo at additional bukol sa ulo mo? Sige lang. Dadamayan ka namin sa pagluluksa mo pero hindi ka namin susuportahan sa katangahan mo. Lalaki ka. Sana naman maging matapang kang harapin yung mga bagay bagay sa buhay mo. Simulan mo sa sarili mo. Alisin mo yang insecurities mo tapos kausapin mo na mga magulang mo."

Bilib na ba kayo sa talas ng memorization ko? Galing noh? Grabe. Ang haba ng sinabi niya tapos bumalik na siya sa loob after niya akong sermonan.

Ako naman tong si gago. Nagmamatigas. Hindi ako insecure. Hindi talaga. Hindi kasi sila yung nasa posisyon ko. Hindi nila alam kung anong klaseng torture ang nararanasan ko sa bahay na to.

Natapos yung araw ko. Umuwi na sila. Humiga lang ako sa kama ko. Nakatitig sa kisame.

"Si Sam. May gusto ako kay Sam."

Paulit-ulit kong naririnig sa utak ko. Mental torture. Sakit.

- - - - - -

( From Terence Gian Ignacio's diary)

Please, comment and vote :3

Hindi ba pwedeng, ako naman?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon