Rence's POV
Dinadamdam ko padin yung nangyari nung Sabado. I just can't take it. Seeing him playing that guitar, which was supposed to be mine. Ano pa nga ba kasing ieexpect ko sa parents namin? They always put his needs and WANTS, first. All the time. Walang sablay. Katulad na lang ng pagkakaroon ng sariling bank account. They gave his 5 years ago. He was 12! As to mine? Just last month. Ano ba kasing Meron Kay Kuya na wala ako? Charm ba?Imbis na magmukmok ako, binilisan ko na yung pag-ayos sa sarili ko for school. Yes! Makikita ko na si Wyn. Kahit papano, sasaya ako. Pumunta ko sa kitchen, thank God, nagluluto na si Mang Henri. "Tay, anong niluluto mo?" Oo, Tay, tawag ko sa kaniya. Ang bait kasi nito sakin tska parang tatay ko na siya. "Eh di yung usual, blueberry pancakes." Napa ngiti ako kasi favorite ko yun. Kumuha ako agad ng pagkain tas sa island na ako Kumain.
"Hindi mo ba hihintayin sila Mommy mo?" Tanong ni Mang Henri. Umiling nalang ako. He patted me on the back and smiled weakly. Alam naman kasi ng lahat ng tao rito sa bahay ang nararamdaman ko, lalo na pag ganto ako. Sadyang manhid lang talaga pamilya ko kaya di nila Ramdam.
After kong Kumain, inayos ko na lahat ng dapat kong ayusin. Inaasikaso rin kasi ako ni Ate Fely kaya mas napapabilis. "Wag mo nang damdamin yung nangyari kahapon. Ganun talaga ang buhay, beybi Terence. Hindi laging ikaw."
Napatawa ako ng mahina sa sinabi niya. "Te Fely, alam ko na po yan. Talagang Hindi lagi ako. Hindi talaga ako. Kasi laging Kuya ko. Opo, tanggap ko na po yun. No need to rub it in." Lalo tuloy akong nalumo. Yung mukha ko, nalukot na.
Bigla ako niyakap ni Te Fely. NaSense niya siguro na naBadtrip ako. " Terence. Kalma lang. Darating din yung time mo. Hindi rin naman laging si Sam. Wait ka lang." Tumango nalang ako at pinilit na ngumiti.Nagpahatid na ako sa driver namin papunta ng NU. Hindi Normal University ah. Nahel University yung Amin.
Deretso ako sa room namin, syempre, ganado, makikita si labidabs eh. Si Wynona kasi, girlfriend ko yun. Yes, she's mine. Kaso may problema. Hindi niya alam na akin siya.
Nakita ko siya. Grabe, Araw-Araw, naiinlab ko lalo sakaniya. Ang Ganda kasi, sobra! Snob nga lang. Nilabas ko agad yung letter na ginawa ko. Gabi-gabi kasi, nagsusulat ako ng love letter na ibibigay ko sakaniya kinabukasan. Kahit na alam kong Hindi niya binabasa yung mga yun at tinatapon lang niya, Hindi ako sumusuko. Persistent ako eh. Pero, hanggang dun lang ako. Hanggang sulat lang. Hindi kasi ako yung showy type. Torpe nga raw ako pero Hindi. Di lang talaga ako nagpapakita ng affection sa isang Tao kahit na gusto ko yun.
Nung iaabot ko na yung sulat ko, bigla akong hinatak ng bestfriend ko, si Kenneth Gabriel Ortega. Gago toh. Dumadamoves ako eh, eksena. Sige, for the sake of description, si Kenn, Moreno, kaLahi kong gwapo. Pareho lang kami ng katawan. Sakto lang, ba. Mabait yan, grabe lang mangasar.
"Dude, narinig ko sa faculty may bago raw tayong klasmeyt. Babae! Mara Coleen Hernandez pangalan. Ginoogle ko, dude. Shet, dyosa! Ang Ganda, grabe. Anak ng may-ari ng isang airline sa Canada. Promise, pare, pag nakita mo siguro yun, maglalaway ka rin at Baka mapalitan pa si Wynona sa puso mo." Dere-deretso magsalita tong mokong na to. Tska ano daw? Mapapalitan si Wynona sa puso ko? That's impossible. Solid Wynona ata toh! Natawa lang ako sa sinabi niya. At tsaka di ko pa nga kilala yung Tao, mapupunta agad sa puso ko? Malay mo, masama pala ugali. Maganda lang pero me sungay. Haha. "Dude. Wala akong pake sa Mara Coleen na yan. Sayo nalang, lamunin mo pa."
Babalik na ako sa room nang pagtalikod ko, may isang anghel ang bumulaga sa akin. Isang sobrang gandang binibini. Ang mga mata, nakakatunaw tumingin. Ang buhok, perfect. Slim at ang smile. Shet, ang smile. Ngayon lang ako nakikita ng napakagandang smile. Yung perfect curve ang nagfoform sa lips. Grabe, I was glued to my position.
"Hi. I'm Mara Coleen Hernandez." She' reached her hand for a handshake but I can't seem to take it cuz my arms are frozen, too much amazement flowed through me that I can't even blink. Binatukan ako bigla ni Kenn at dun na nagising ang senses ko. I shook my head and went back to reality. Kinuha ko na yung kamay niya and shook hands with her.
What a feeling! My hands are touching the skin of an angel sent by God to bring light to my world. Netiks, na love at first sight ata ako. Hindi ko madescribe tong feelings na nararamdaman ko habang hawak ang kamay niya. I felt an electric current run down my spine.
Kinain ko yung mga salita ko. Tama nga si Kenn.
"Terence Gian Ignacio." She smiled at me, again. Nako naman! Yung puso ko, ayaw pumirmi. Kabog ng kabog. We broke off the shake and just smiled at each other. "Uh-uhmm, transferee ka, right?" Tinanong ko yung obvious. Wala eh. NaBlock mind ako. Tumango lang siya which made me nervous. Hindi siya nagsalita. Feeling ko may awkward aurang namamagitan samin.
"Saang room ka nilagay ni Ms. Ramos?" Magsisilbing tour guide nalang ako para makaDamoves. Swell move toh noh. Para rin makilala ko siya ng lubusan bago pa lamunin ng buo ng nararamdaman ko yung puso kong nalilito. Naks! Makata!
"Room 1021. Section 3-A1." Napangiti ako. Tama nga si Kenn. Kaklase namin siya. Nga pala, San napunta yung lokong yun? Sinet up ata ako ah. Okay lang. Si Coleen naman makakasama ko. "Oh? What a coincidence. Section ko rin yun."
"Talaga? Haha, ayos pala." Parang may bullet na tumama sa chest ko the moment sabihin niya na 'ayos pala.' Masaya ba siya kasi pareho kami o wala lang?
"Marami bang parts tong school na toh?" Oh! That's my cue. Pwede ko nang ialok yung gusto ko. "Oo. It's still early, if you like?, I'll show you around." Nakita ko, nag-blush siya. Wow naman. Tunaw na tunaw na ako rito. Lakas ng tama ko sa kaniya.
"Okay." She smiled the sweetest smile ever. Naglakad-lakad kami. I gave her the best tour I can. Tutal, sanay na ako sa gantong gawain. Tour guide kaya ako ng school. Well, isa ako sa tour guides sa campus kaya sanay ako.
Kinilala namin ang isa't isa. She told things about her and I told her about me. Nalaman ko na asthmatic siya. Sabi niya rin, kaya siya pinapunta rito sa Pinas eh dahil sa mga suitors niyang non-stop sa Canada. Grabe, ang dami kong kaagaw sakaniya. Laking gulat ko nga nung sinabi niya na laking Canada raw siya pero straight mag-Tagalog. Napakagaling siguro ng parents niya kaya nabingyang pansin nila ang pag tuturo sa anak nila.
Bago pa man mag-bell, nakabalik na kami sa room. Grabe, ang Ganda ng umaga ko. Nang pumasok kami ni Coleen sa room na magkasabay, ang daming nagtinginan at halos lahat sila, iisa reaction. Nga-nga. Nakatitig lang sila Kay Coleen. Nabighani rin ata. Nako po, may kaagaw pa ata ako. Nginitian lang ni Coleen silang lahat pero napansin ko na si Wynona Hindi maganda ang expression. Ano kayang problema ng snob na yun? Akala ko, love na talaga tong nararamdaman ko para Kay Wyn pero Hindi pala. Ngayon, wala na. Agad-agad. Para bang Bula.
"May vacant seat sa tabi ko, oh." Oh di ba? Ang Ganda talaga ng Araw na toh. Pati problema ko sa bahay nawala nang makita lang siya. Drugs ata siya.
"Thank you." Nginitian ko siya then umupo na ako. Tumingin ako sa bintana. Umuulan pala tas biglang may nilipad na newspaper sa bintana. Dumikit lang sa glass at ang makikita lang, isang baby cupid na may hawak na bow and arrow. Tumingin ako Kay Coleen tapos tumingin ako Kay Wyn tapos Kay Coleen ulit.
Iba na talaga. Hindi na si Wynona, break na kami. Bahala na siya. Haha. Loko, si kupido, limitado, pero nagawa niyang tamaan ako. Big time. Tumingin ulit ako ky Coleen and then I accepted my feelings, and it's all cupid's fault. I've been hit real hard.
BINABASA MO ANG
Hindi ba pwedeng, ako naman?
Genç KurguAraw-araw, nagpapanggap ako. Minu-minuto, nagtitimpi ako. Segu-segundo, nasasaktan ako. Bakit lahat nalang, sa Kuya ko napupunta? Lahat ng gusto ko, ang bagsak, sa kaniya? Kelan naman ako sasaya? Kelan naman ako ang babagsakan? Kelan, ako?