Akin dapat yun, eh!

62 1 0
                                    

Rence's POV
Umagang-umaga, may nambubwisit. Ang ingay ng banda niya! Bakit kasi pinayagan nila Mom na gamitin ni Kuya Sam yung basement para sa band practice nila? Nung ako yung nanghihingi ng space na yun para sa movie club ko, di ako pinayagan. Ano yun? Some kind of favoritism? Napaka bias.
Sa sobrang asar ko, pumunta ako sa maintenance room at binaba ko yung switch ng power supply sa basement.
Haay! Katahimikan, sa wakas. Kala ko tatahimik na yung paligid nang biglang kumalam yung tiyan ko. Pumunta ako sa kitchen only to find out na walang niluto yung cook.
Anak ka naman ng Baliw, oo. Anong Oras na, oh? Walang pagkain? Nasan ba kasi si Mang Henri? Kahit bacon man lang sana, ako'y nasa langit naaaa! Eh sa gutom ko, pati ispirito ni katamaran eh nakiayon na magluto. Kinuha ko yung bacon sa freezer tapos nagluto na ko. Bahala yung iba sa Kakanin nila. Akin lang to! Wahahahaha.
Lamon, lamon, lamon. *burrpp*. Yan, satisfied na si tiyan. Ginhawa!
Since, sabado, humilata lang ako sa sofa. Iniisip siya. Ang itim niyang buhok na perfect in any trend. Yung mata niyang brown, nakakatunaw. Yung barbie-like face niya. Haay. Wynona Rio Dela Fuentes. Tuwing Iniisip kita ay gumagaan ang aking katawan. Para akong lumulutang sa ere. Seriously, I feel like floating. Teka, umangat nga ata talaga ako ah!
"Akala mo, di ko alam na ikaw nag patay ng switch sa basement, ah! Lagot ka sakin ngayon." Binubuhat pala ako ng kuya kong kumag! Tas laking gulat ko, hinagis ako sa swimming pool!
"What the f***?! Ang ingay kasi ng banda mo! Dumudugo tenga ko!" Banat ko. Lokong to. He just laughed maniacally and left. Damn, I'm soaking wet! Umahon na ako at dumeretso sa kwarto ko.
I went straight to the bathroom and took a shower. Grabe. Imbis na nakahilata lang ako ngayon sa sofa, napaaga pa yung pag ligo ko. Humanda sakin yang Sam na yan. Ano kaya pwede kong Gawin? Sirain ko kaya gitara niya? Guluhin ko kaya kwarto nun? Hmmm.. Think, think, thi-- "Holy freak!" Sh*t, the water became cold! "Kuya! Ano ba?! Turn that damn heater on!" Tawa lang niya narinig ko. Wala akong nagawa but to endure this cold water.
I went out with a towel around my waist. Tinignan ko sarili ko sa whole body mirror. Netiks, kelangan ko na mag-gym. Nangangayayat na ako. Yung biceps ko nawawala na.
Nagbihis na ako. Simple lang, boxers at sando. Bumaba ako sa porch dala gitara ko. Naalala ko yung hinihingi kong bagong gitara Kay Dad. Ang tagal ko nang kinukulit si Dad para ibili niya ako nun.
"Sir Terence!." Nagulat naman ako! Bigla bigla naman kasing sumusulpot tong si Ate Fely. "God, Te Fely! Uso magsalita ng mahinahon sa bahay. Bakit ba?" Close ako sa kasama namin sa bahay na toh. Si Ate Fely kasi ang nag-alaga samin mula bata. Bait bait. Haha.
"Kasi dumating na sila Mommy mo. May dala ng gitara, baby Terence." Favorite ako niyan. Binebeybi pa nga ako eh.
Oh! May dala raw gitara. Nice! Takbo namn daw ako sa salas sa sobrang excited.
"Mom! Dad! Musta New York?" Niyakap ko sila tska kiniss. Nagkatinginan silang dalawa. Nanibago ata.
"Anong pinakain sayo ni Henri? Iba ka ata ngayon, Rence." Sabi ni Dad. Hawak hawak niya yung bag ng gitara. Yung kamay ko nangangati na. Gusto nang hawakan yung gitara.
"Aba! Dumating na pala kayo! Welcome home!" Eksena talaga tong Samuel Yuan Ignacio na to! Papansin na naman. Payakap-yakap din siya oh! Tss.
"Woah! Dad! Yan na ba yung pinabili ko sayo?" Teka, ano daw? Ano?! "Kung San-San hinalughog ng Dad mo yan, mabili lang." Anak ka ng baliw. Kaniya yun? Nasan yung sakin? Ako na unang magpabili ah!
"Thank you, Mom! Dad!" Kinuha na ni Sam yung dapat akin. Tumingin lang ako kina Dad. Ansakit ah. "Bakit, anak?" Tanong ni Mom.
"Mom, may binili akong memo-plus gold. Nandun sa medicine cabinet. Inumin niyo ni Dad." Dali-Dali akong umakyat sa kwarto. Bakit naman Ganun? Kay Kuya napunta. Nakakapanggigil!
"Rence." Aafuu! Anong kailangan niya? Ipagmamayabang ba niya yung gitara niyang dapat akin?! Oh, kita mo toh. Di ko pa pinapapasok, pumasok na.
"Ano?" Humiga lang ako sa Kama ko. "Sayo nalang to." Huh? Ano daw? Anong akin nalang?
Napa tingin naman ako sakaniya. May dala siyang guitar case. Na iba ata ihip ng hangin ah. Nakulam ba si Kuya? Inabot niya sakin yung guitar case, syempre, Kinuha ko.
Nung bubuksan ko na, bumulagta sakin yung luma niyang gitara na may stickers ng back to the future para di mahalata na nakatape nalang yung gilid. Maganda naman yung guitar kaso, malapi nang makipag kita Kay basurahan kapag natuluyan na yung sira. "Di ko na gagamitin yan. May bago na ako eh. Sige. Mag gigitara na ako. Rock, little bro!" Ayun, umalis na.
Pasimple pa Kung mag mayabang. Nanginis pa. Ano to? Insulto? He's such an arrogant bastard! Langya.
Yung gitarang hawak niya ngayon? Yung gitarang pinagmamayabang niya? Yung gitara na yun? Akin dapat yun eh!

Hindi ba pwedeng, ako naman?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon