viii. calamity

11.9K 488 47
                                    

note - sorry sa super duper mega ultra bagal na update thank you po sa mga nagbabasa pa rin nito :3

__________________________________________

viii. calamity 

Peaceful na peaceful si Night na nangingisda habang iginuguhit ko siya. Para ngang sinasadya niyang limitahan 'yung mga galaw niya para hindi ako magulo sa pagi-sketch ko eh pero hindi naman niya alam na dino-drawing ko siya. Ewan, siguro napansin niya na rin. 

Napatingin ako sa drawing ko. Walang-wala kumpara kay Night... sa tunay na Night. Kahit maraming nagsasabing magaling ako feeling ko ngayon hindi pa rin sapat kasi nga parang ang perfect ni Night para i-drawing. Parang kahit anong gawin ko hindi ko pa rin makukuha ng maayos 'yung guhit ko sa kanya. 

Dahil sa frustration ko eh pinilas ko na lang 'yung papel mula run sa sketchbook ko at ni-crumple 'yun. Huminga ako ng malalim at pinagmasdan na lang si Night na tuloy-tuloy pa rin sa panghuhuli ng mga isda. 

Okay naman na kami. 'Yung nangyari dati sa beach hindi na namin pinagusapan kaya kahit papaano hindi kami awkward sa isa't isa. Hindi ko pa rin nase-settle kung ano talaga 'yung nararamdaman ko para sa kanya pero alam kong temporary lang. Siguro nalulungkot lang talaga ako tapos nagkataong nandyan siya kaya ganun.

Gaya ng dati tinutulungan at sinasamahan pa rin niya 'ko para malibang. Para raw kahit papaano eh makalimutan ko si Cato. Nagwo-work naman pero may mga times talaga na hindi ko na mapigilan 'yung sarili kong ma-miss siya. Baka nga nakalimutan na niya 'ko eh. O baka sa point of view niya break na kami. Hindi ko alam at natatakot din akong alamin. 

"Okay ka lang?" Tanong sa'kin ni Night na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala. Tinanguan ko lang siya tyaka sumubsob ulit sa sketchbook ko. "Do you miss him?" Automatic akong napapikit dahil sa tanong ni Night.

'Yan na siguro 'yung tanong na pinaka-ayaw kong sagutin ngayon. Alam ko kasi 'yung sagot eh. Alam na alam ko. Kapag sinagot ko 'yung tanong ni Night baka bigla na lang akong maiyak dito ng wala sa oras. 

Habang nagpipigil ako ng iyak eh bigla ko na lang naramdaman 'yung mahigpit na hawak ni Night sa'kin sa pulso ko. Parang naiinis at nanggigigil siya kaya napahigpit 'yung hawak niya sa'kin. Tinignan ko naman siya at inabangan kung anong balak niya. 

"Get up. Let's see him," monotonous na pagkakasabi ni Night pagkatapos niyang tumayo habang hawak-hawak pa rin 'yung pulso ko. 

Hindi na 'ko nakapalag sa kanya kasi hinigit na niya 'ko kaya sumunod na lang din ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong dahilan at bigla na lang nag-aya si Night na pumunta sa Haima. Sa totoo lang gustong-gusto ko na ring pumunta run pero inuunahan ako ng takot. Paano kasi kung hindi ako pansinin ni Cato run? O sabihin niya sa'kin na wala na kami? Nakakatakot. 

Tahimik buong byahe si Night at focused na focused lang sa pagdra-drive. Usually hindi naman siya ganyan eh. Kinakausap niya 'ko, kinukulit ganon, pero iba ngayon. Hindi ko tuloy maiwasang maalala 'yung nangyari sa'min sa tent. Ayokong mag-feeling pero, paano kung meron nga? Paano kung meron nga siyang nararamdaman para sa'kin? Hindi ko naman alam kasi hindi niya naman sinabi. Hinalikan na lang niya 'ko basta. Atyaka sabi ko naman 'di ba? Ayokong mag-assume kaya kung ano man 'tong mga ikinikilos ni Night, ayokong bigyan ng ibang kulay.

Demigoddess - Daughter of HadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon